-Alexa's POV-
Dahil bakasyon na. Nag iisip kame kung saan pwedeng magbakasyon. Andito kami sa Cafeteria kumpleto kaming barkada.
"Oy ! Jayson san tayo magbabakasyon?" Tanong ni Sharine. Ang pinakamaganda sa aming babae. Lols' Syota ni Jake.
"Hmm ewan ko wala ko maisip. Pagod na ko mag isip eh." sabi ni Jayson sabay ngisi.
"Ha? Bakit naman?" sabi naming lahat. 8 lahat kami dito.
"Pagod na ko kakaisip kay Alexa. Di ko alam kung kelan nya ko sasagutin" sabi ni Jayson at ngumiti saken.
Ayan na naman sya. Enebe kinikilig ako. 1 yr ng nanliligaw si Jayson saken pero hanggang ngayon di ko parin sinasagot.
Di ako makatingin sa titig nya. Anytime malulusaw ako.
"Ayiee Tangina mo Alexa! sagutin mo na kase!" sabay bato saken ni Hannah ng crumpled paper. Gague talaga oh. -_-
"Oo nga. Look oh baka maagaw pa yan ng iba" Sabi ni Ivan.
"Hindi naman sya magpapaagaw kung ako lang ang mahal nya diba?" sabi ko. Medyo nainis kase ako.
"Boom!" sabi nilang lahat.
"Hindi naman ako magpapaagaw sa iba kase mahal kita." sabi ni Jayson saken.
Hayss. May plano ko Hihi. pag nakarating na kame kung san kame magbabakasyon dun ko na sya sasagutin.
"O ano na? San tayo?" Tanong ni Nikka na nag seselfie. Nako naman.
"Kung sa may lumang bahay namin?" Sabi ni MJ
"Saan naman yun?" tanong ni Nikka
"Sa may Cavite" sabi ni MJ.
"Okay? Maayos ba dun? Malinis maganda?" Tanong ni Tiffany.
"Oo naman. Ako pa? So payag na kayo guys?" tanong ni MJ at nag smirk.
"OO!" sabay sabay naming sabi lahat.
"Jake okay ka lang?" tanong ko. Para kase syang takot na ewan.
"H-ha? O-oo okay lang ako!" Eh? Bakit parang gulat sya? Tapos di sya mapakali.
"Ah okay." weird kong sabi
"Awts buti pa si Jake kinakausap mo pero ako hindi" sabi ni Jayson na may halong lungkot ang boses.
"Tangina Bessy! sagutin mo na kase. Nagseselos na oh." Sabi ni Hannah.
"Ha? kapatid lang turing ko kay Jake. Tsaka syota nya si Sharine. Wag kana magselos" sabi ko at ngumiti. Sya naman ngumiti ng malapad at kumindat. Luh? Hahaha
"Oh ano? Sunduin ko kayo bukas ah?" sabi ni MJ
"Sige Ba!" sabi naming lahat.

BINABASA MO ANG
Lumang Bahay
Mystery / ThrillerIsang lumang bahay. Ang kanilang mapupuntahan. Na mababalot ng kababalaghan. Sino ang makakaligtas? At makakalabas sa Lumang Bahay na to? ~