Sa sobrang pagkukuwento ko sainyo sa prologue, nakalimutan ko palang magpakilala. Well, hello! I'm Shayne Sophia Park, half korean, half filipino. I have cute blue eyes, and I believe na matalino ako, the end. The rest of it later nalang.
Malinaw na mga mata (pero may glasses)
Magagandang ngipin (pero may braces)
may maputing balat (pero tadtad ng wrinkles)
Fit ang katawan (pero manang pumorma)
Flawless yung paa (pero naka knee socks)
Isa lang ang maipagmamalaki ko sa sarili ko, at yun ay matalino ako, I graduated as batch valedictorian when I was in elementary, siyempre proud ako sa sarili ko.
Pero yun lang yun, utak lang naman ang kaya kong ipagmalaki eh, kagandahan? Wala sa vocabulary ko yan! Tsssss.
Speaking of vocabulary, dalawa pala ang wala sa vocabulary ko. Una, kagandahan. Ikalawa, Pag-ibig.
Wala rin talaga sa vocabulary ko ang pag-ibig. Eh sino namang magkakagusto sa isang panget na nerd na katulad ko?! alam ko one day, meron akong makikitang prince charming na magugustuhan ko, nafefeel ko na malapit ko na siyang makilala, hihihi! Pero hindi naman ako umaasa na mamahalin ako ni prince charming eh, sa itsura kong ito? Imposibleng mayroong magkakagusto saakin.
This year, upcoming senior na ako, and I'm currently a top student at North Hampton Hills International Academy. Sosyal nang school ko noh? And get this, isa si mommy sa mga major stockholders nang school ko, perp siyempre walang nakakaalam na anak ako nang isa sa mga may-ari ng school.
Well, sa kasosyalan ng school ko, maraming gwapo, pero isa dun hindi ko nagustuhan, ang yayabang eh, tinutukso ako. Hindi daw ako bagay sa school na yon, kasi daw ang school na yon eh para lang sa magaganda't gwapo. Mukha ko daw parang palaka, kulang nalang patayin ako nila eh. Hindi nila naisip na kung wala ang mga panget na katulad ko, hindi niyo sila matatawag na magaganda't gwapo, hmph! Malaki ang utang na loob ng mga yon sa aming mga panget.
Siyempre, hindi lang boys ang nanunukso saakin. Hindi mawawala ang mga queen bees sa school, at ako ang number one victim nila pagdating sa pang-aapi.
Buong buhay ko, panget ako, inaapi ako. Kelan pa kaya ako magiging maganda? Yung tipong inaalagaan ako at pinoprotektahan ng ibang tao maliban sa pamilya ko?
=====================================================================================
Thank you for reading!
Sana suportahan niyo ang susunod na kabanata ng kwentong ito.
xoxo
-glimmeryprincess
BINABASA MO ANG
The Ugly Nerd's Revenge
Teen FictionSiya si Shayne Sophia Park o mas kilala sa tawag na Phia, at panget siya, siyempre sanay na siya. Mayaman siya, matalino, mabait. Kulang nalang talaga sa kaniya ang kagandahan. Hindi madali ang araw araw sa buhay ni Phia. Ni minsan hindi niya narana...