RELATIONSHIP STATUS

51 4 0
                                    

I was single when I first met you. A friend of mine introduced you to me. You offered your hand and without any hesitation I shook it .You even smiled at me and involuntarily I smiled back. Since then we became playmates. 

Friday and Saturday nights. Naglalaro tayo ng taguan,patintero at moro-moro kasama ang mga pinsan mo at pinsan ko. 

One day, dahil wala akong makatext hiningi ko yung number mo.Buti na lang naka-Smart ka rin.

>> Hi!:)

<< Hu u?

>> Jenna to

<< oh bakit?

>> ala lang. Wala kasi akong makatext

<< e bakit ako?

>> e wala naman kasi ako ganong kaibigan na lalaki

<< ah ok. friends?

>> friends!

At simula noon we became friends. Ang weird nga eh kasi madalas kitang kalaro pero hindi pa pala tayo totally magkaibigan. 

Iba na rin yung mga gawi natin. Badminton, biking and basketball. Actually ikaw lang naman yung marunong magbasketball, tinuturuan mo lang ako magshoot.Halos araw-araw  na rin tayong magkatext at madalas nag-oopen ka na tungkol sa sarili mo.

Close friends na tayo!!!

Isang gabi nagtext ka sakin

<< nasa tapat ako ng gate nyo.

>> bakit???

pero hindi ka nagreply kaya lumabas agad ako kahit nakapajama at sando lang ako.

"Bakit mo ba ak--"

"Samahan mo naman ako."

Di pa man ako pumapayag hinawakan mo na yung braso ko at hinila papunta sa court na malapit lang sa amin.Ang weird mo non at ang weird rin ng nararamdaman ko. Wala nang katao-tao kaya umupo na lang ako sa isang bench habang ikaw naman ay lumakad papunta sa isang sulok ng court at kinuha yung bola.

30  minutes. for 30 minutes wala kang ginawa kundi magshoot pero ni isa walang pumasok sa mga tira mo.Para ngang nakalimutan mo na may kasama ka.

Bakit ba ang tahimik mo? Bakit sa tuwing tatama ang bola sa ring may bigat akong nararamdaman? May problema ka ba?

Kasi naiinis na ako. Naiinis ako di ko alam kung bakit.Gusto ko nang umalis.

Walang paalam ay tumayo ako pero pinigilan mo ako.

"Saan ka pupunta?"

"Saan ako pupunta? Kung buong magdamag ka lang naman magshooshoot at buong magdamag lang ako uupo roon at panonoorin ka na parang tanga, PWES UUWI NA LANG AKO!!!"

Nakakainis na talaga kasi.

Pero hindi mo ko sinagot instead you grabbed my wrist until we stopped in the free throw line. Pumunta ka sa likuran ko at mula roon ay hinawakan mo  ang braso ko that you almost hugged me. Tinuruan mo ako ng tamang position sa pagshohoot.

"Kapag ganito na yung position mo, pwede ka nang magshoot.Ishoot mo na"

Pero hindi ko nagawang gumalaw. Nanlalambot ako. Bumilis yung tibok  ng puso ko. Nag-init yung mukha ko.At doon ko narealize... crush na pala kita.

Ako'y gigil na gigil pero pigil na pigil hindi masabi ang laman ng damdamin kasi baka isipin mong ang dali dali kong babae. Ako'y gigil na gigil pero minsa'y napipikon sa takot kong baka ikaw ay mawala sa gigil ko.

Pero isang araw nalaman mo.Kaasar!>.< Natatakot kasi ako na magbagao ang lahat.Pero laking gulat ko sa sinabi mo.

"Crush kita"-ikaw

"Weh?" -ako

At bigla ka na lang tumakbo pero may isinigaw ka. "Maganda at mabait ka kasi!" At nagpatuloy ka sa pagtakbo palayo.

Grabe nag-init yung tenga ko. Pakiramadam ko rin namumula na ako. Buti madilim. Pag-uwi ko sa amin para akong nakadroga- para akong naha-high. Pero ang saya ko! ang saya saya ko! Coz the feeling is mutual!

AND THEY CALL IT PUPPY LOVE.

Everything turns akward between us. Hindi na natin magawa yung mga bagay na ginagawa natin noon. Tinutukso na rin nila tayo. Sa tuwing magtatama ang paningin natin kusang umiiwas ang sa akin. Nagsulat pa nga ako ng diary tungkol sa'yo. Lahat ng kilos mo nakatala sa diary ko.Lagi na rin akong pumupunta sa mga laban mo sa basketball para manood.

Kumbaga,It's complicated!

Until we both decided to enter in a relationship. 

Pero bakit sa tuwing magkikita tayo may lungkot sa mga mata mo. 

Aren't you happy? 

Aren't we made the right choice? 

Nanligaw ka.

sinagot ka naman.

Anong problema?

Ang saya ko nga nung sinagot ka niya eh. Sa isang impokritang kagaya ko masaya ko para sayo! Sa sobrang saya ko nga naiyak pa ako eh!

Yes, we both decided to enter in a relationship. 

Kaso nauna ka.

Nauna ka lang naman nang apat na taon.

Pero nung nakaraan hiwalay na raw kayo.

Sinagot ko naman siya ngayon.

Pagkakataon nga naman!

Naglalakad ako pauwi sa amin nang makasalubong kita.Hindi ko alam kung ngingiti ako. Pero ngumiti pa rin ako.

"Congrats"yan yung sinabi mo pero hindi iyan ang sinasabi ng mga mata mo.

"A-ah s-salamat. K-kamusta Ka na?" Sh*t! Bakit ko natanong yun? hindi sa lahat ng oras magandang tanong ang kamusta.

Hindi niya ako sinagot pero nagulat ako sa tinanong niya.

"Crush mo pa rin ba ako?"

"B-bakit mo t-tinatanong?"

Pero hindi ka ulit sumagot tinitigan mo lang ako.Pakiramdam ko sasabog ako sa mga tingin mo. Pakiramdam ko luluha na yung mga mata ko. Pakiramdam ko  any moment yayakapin na kita. Ngayon lang ulit tayo nagkausap. After 4 years ngayon lang ulit. 

"A-ano ka ba? s-syempre h-hindi na. Sige Andrew m-mauna na ako ."

Nagsimula na akong maglakad pero napahinto ako.

"C-R-U-S-H akala ko noon iyun yung spelling ng

...love.

Jenna Kasi...crush kita noon pa lang.Alam mo naman yun di ba?"

Andrew crush rin naman kita. Mali. Andrew crush pa rin kita hanggang ngayon.

Pero bakit ngayon lang?

STATUS: IN A RELATIONSHIP 

WITH MARK.

-------------------

Haha first one shot (n_n)?. Kapag naguluhan kayo sinadya ko talaga yun.

How will you understand the story is the story itself. haha

Kaartehan! haha

Thanks for reading!( Read also Don't Cry Andy. It's a short story.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RELATIONSHIP STATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon