Nakaratinga na sila sa company nag aasembly sila un ang tawag sa pang-umagang meeting sa lahat ng empleyado mapa-opisina at production man pareho-pareho lamang.
Nang matapos na ang mga rules at regulation na i-topic at ipaalaala sa empleyado may special announcement ang head manager ng company na si Mr.San Pedro.
"Mga ka empleyado ko sa araw na ito bibisita ang kaisa-isang anak na lalaki ni Chairman Teng.pagbabalita nito.
Nagkaroon ng bulungan at ng kaingay ang mga empleyado karamihan pa naman mga babae ang empleyado kasi puro sa production.
"Makikita na rin natin ung anak ni chairman noh!bulong ni jenny sa kanya ka line niya ito magkatabi sila sa pwesto kaya sila madalas magkausap saka naging ka vibes na rin niya ito kahit hindi pa ito regular kasi siya proby na baka hindi pa matuloy sa may late siya.
Nasa probitionary status siya dito tinitingnan kung karapat-dapat ka maging regular sa trabaho mo.Kaya lang may late na siya hindi lang isa kundi tatlo pa.Kaya hindi niya alam kung mareregular pa siya.
"Magsitahimik nga kayo saway ni mr.san pedro sa kanilang empleyado. Kasi nagkakaingay na meron natutuwa merong nangangamba kasi balita sa anak ng chairman na iyon suplado at nagpapahiya ng empleyado mapa regular o contractual lang kasi ito yta un humahawak sa ibang company nila.
Hindi na lang kumibo ang dalaga wala naman sila magagawa kung bumisita o hindi ang anak ng may-ari sila naman may kapangyarihan eh.
Natapos ang announcement pinapunta na sila sa kanya kanyang pwesto mga 10am daw pupunta at bibisita ang anak ng chairman teng.
Kaya pinaglinis muna sila ng mga pwesto nila at pinaalis sa kanila ang mga hindi na gumaganang parts na nakatambak sa mga ilalim ng conveyor na ginagamit nila mga no good sample un pero dapat malinis ang bawat pwesto nila.
Hindi na nakatiis si jenny at lorry lumapit sa dalaga ang mga ito para malaman kung ano reaksyon niya sa anak ng chairman.
"Aba,malay ko alam ninyo na pareho pareho lang tayo na hindi pa siya nakikita.sagot niya sa mga kaibigan na rin niya.
"Sabagay noh!pero minsan nakita ko na siya sa magazine ng pinsan ko.si lorry na nakalumbaba ito sa maliit na machine na naka assign sa kanila kanilang pwesto.
"Un naman pala eh!si jenny
"Ano hitsura pogi ba ha!tanong ni jenny ulit.
"Wait iisipin ko kasi hindi ko naman masyado tinitigan un picture nun kc kinuha na agad ng pinsan ko.may panghihinayang sa boses nito.
"Hay,naku kayong dalawa kesa siya pinaguusapan ninyo magmadali na tayo para makatapos.singit niya sa dalawang kaibigan.
"Oo na po lola ikaw lagi ka kontrbida eh.si lorry
"Haist..un na lang sinabi ng dalaga sa mga kasama slash kaibigan.
BINABASA MO ANG
Nakalimutan Na Ang Dapat Kalimutan By.clainjacklord
RandomSorry haba ng title ko...