"Hoy,salma gising na tanghali na baka ma-late ka naman sa trabaho mo!si nanay.
"Ohmm,antok pa ako ina.sagot niya sa ina na palabas ng kwarto niya.
"Oh,sige wag ka gumising ng mawalhan ka ng trabaho.pananakot ni nanay.
Bigla naman bumangon ang dalaga sa salita palang ng nanay niya alam niya seryoso un kasi ilang beses na siya na late sa trabaho may warning notice nga siya.
Kung bakit naman kasi hatinggabi na siya matulog kahit pagod sa trabaho pinagpupuyatan niya kasi magbasa sa wattpad may paborito kasi siyang manunulat dun.
Pagbangon niya kinuha niya agad ang tuwalya at mga underwear niya bra at panty saka patakbo na siya pumunta sa banyo. Tumingin muna siya sa orasan at picture ng tatay niya na may tatlong taon na namamayapa.
"Good morning ama.bati niya sa larawan na akala mo tutugon sa kanya.
Ganun lagi ginagawa niya kapag bagong gising binabati niya ito mis na mis na niya ang tatay niya na dating pulis namatay ito sa atake sa puso hindi sa bala kaya sila na lang ng nanay at ang isa niyang kapatid na lalaki siya kasi panganay sa kanila.
Sa edad na 20 nagtratrabaho na siya sa pabrika ng mga electronics sa kanilang lugar sa laguna.
Ang kapatid niyang bunso na si gregory or in short georga.Kasi bading kapatid niya sa edad na 15 years nito akalain mo siya pa mukhang babae sa kanilang dalawa sobra kasi itong magmake up at mag-ayos ng sarili nasali pa nga ito sa mga pageant.
Na minsan nanalo naman minsan din umuuwi ng bahay nila talo. Pero ok lang naman sa kapatid niya yun kasi inuuna pa rin nito ang pag-aaral sa katunayan top one sa iskul nila kapatid niya.
Pababa na siya ng hagdan nila ng nagpapaalam siya sa nanay niya.
"Ina,aalis na ako.nkababa na siya ng tuluyan sa sala saka siya sumaglit sa kusina para kunin ang inihandang baon niyang pagkain almusal at pananghalian na rin niya.
"Magiingat ka anak.habol na bilin ng kanyang ina ng palabas na siya ng maliit na gate nila.
Palabas na siya ng gate nila ng mapansin niya na may naglilipat sa kapitbhay nila sa malaking bahay sa tapat nila.
Mula kasi pumunta sa ibang bansa ang may ari nun wala na napunta at nakatira kya hindi niya alam na binenta na pala iyon.
Hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin kapag nkipag usyoso pa siya hindi n siya aabot sa shutle nila may oras pa naman ang pagpick up sa mga empleyado mapa-regular o hindi regular makakasabay na.
Binilisan na niya ang paglalakad may kasama ng takbo para talaga maka-abot siya nakarating naman siya madami na rin naghihintay nakapila sila one line para pagsakay s bus shutle hindi naguunahan. Ganun ang patakaran ng company nerereport kung sino ang umuovertik sa pila kinukuha ang pangalan kahit regular o hindi regular kapag buntis pinauuna na kasi sa harapan ang upuan ng mga ito bihera naman may buntis.
BINABASA MO ANG
Nakalimutan Na Ang Dapat Kalimutan By.clainjacklord
RastgeleSorry haba ng title ko...