Miyerkules nang umaga. Tila walang ganang kumain si Alliyah. Marahil dala narin nang sobrang pagkabagot sa bahay nila. Christmas break na kasi at wala naman siyang magawa sa bahay, lagi pa itong solo dahil nasa trabaho ang mga magulang neto at ang mga kapatid niya ay nasa bakasyunan na.
Kinuha neto ang cellphone na nagvi-vibrate.
ONE MESSAGE FROM: Sandra
Alliyah.. Simbang gabi ulit tayo later ha? 5:00 pm, kita na lang tayo sa may Belen. Okay. Seeyah!
"Hay buti na lang talaga may simba ako tuwing hapon, kahit papaano nakakalabas ako ng bahay"
Ok. See you later Sandra! :)
Reply neto sa kaibigan.
Binuksan niya ang Tv. At nanuod. Napaka boring naman nang palabas kaya pinatay na nya ito. Binuhay na lang niya ang music player at nagpatugtog.
"Cause I'm only one call away.. I'll be there to save the day..."
Pagsabay neto sa kanta. Kumakanta siya nang may maalala siya bigla.
"Totoo kaya yung signs na pinagsasasabi sakin ni Jelly? Pero wala naman sigurong mawawala kung ita-try ko.. anyways! Just for fun lang naman"
Kinuha nya ang cellphone at nag type sa memo nya ng 10 signs.
Syempre yung signs na hihingiin nya ay tungkol sa kanya at sa kaibigan nya na matagal na netong minamahal ng palihim.There will be a chance for us if and only if :
Sign #1
He will going to ask me to go out with him before Christmas or New Year. (Within this vacation)Ito ang una nyang naisip. Dahil una sa lahat sa tingin nya imposible itong mangyari dahil nga ano naman ang magiging rason ng binata sa pag aakit dito nang silang dalawa lang.
Sign #2
Phone Call. (Siya mismo yung tatawag sakin)Dahil simula nung mga nakalipas na buwan ay hindi na ulit sila nagkakausap sa telepono. At! Iniisip nya rin na wala namang rason para tawagan siya neto.
Sign #3
Mamaya sa Mass dapat makakita ako ng tao na naka suot ng boots( any boots)Sign #4 Sunrise
Since isang linggo nang umuulan at sobrang namimiss na nya ang araw pero kung aaraw na bukas. Swak ito sa sign #4 nya.
Sign #5 Rainbow color.
Wala lang.. gusto lang nya.
Sign #6 Spongebob
Dahil eto ang isa sa mga Favorite nyang cartoon character.
Sign #7 Damit na checkered na blue.
Wala lang. Dahil favorite din nya ang blue. At para sa kanya bagay na bagay ang kulay na eto sa Checkered na Polo.
Sign #8 Three stars
Dahil hilig nya ang mag star gazing.
Sign #9 Pag May nagbigay sakin ng chocolate ( any )
Dahil wala pang nagbibigay sa kanya ng chocolate kahit yung mumurahin lang.
Sign #10 Unicorn
Dahil she find it really cute at tsaka unusual ito sa paningin nya.
"Okay! Pwede na to.. tska not so big deal naman.. fun fun lang.. "
Nagpatuloy na ulit siya sa pakikinig at pagsabay sa mga kanta na nag p-play sa music player nya.
Yung nilalang na yun! Na-mimiss nya kaya ako the way I miss him?
Tanong nito sa kanyang isip. At nagpagulong gulong sa kama niya.
"Arghhhhh! Naiinis talaga ako! Bakit ba hindi manlang siya nagtetext?" Pagtatanong nito sa sarili.
"Ay teka? Bakit naman siya magte-text? Like.. Ano ba kami? Di hamak na magkaibigan lang naman kami pero.. Urgh! Yun na nga eh.. magkaibigan kami pero wala manlang siyang pakealam sakin.. Okay? Tigilan na toh! Nasisiraan ka nanaman ng bait Alliyah. "
Sagot rin nito sa sarili. Ang hirap talaga kapag laging mag isa sa bahay. Pati sarili nya kinakausap na nya.
Lumipas ang oras nang hindi nya namamalayan. Alas quatro na kaya nagsimula na syang maghanda para sa pag alis niya.
Pagkatapos nyang maghanda ay umalis na siya nang bahay nila at nagtungo sa Misa sa loob ng event theatre ng Mall. Doon na nya kasi nasimulan ang simbang gabi kaya balak nyang doon narin tapusin.
"Sandra"
Tawag neto sa kaibigang nag aantay sa labas ng event theatre.
"Wow? Ang agap mo ngayon ahh"
"Nakakahiya naman kasi sayo Sandra, palagi mo na lang akong iniintay"
"Sus. Wala yun! Sanay nako. Haha tara na sa loob baka maubusan tayo ng upuan"
Lalakad na sana sya paunahan nang mapansin nyang nalaglag ang key chain sa bag nang isang babaeng nagmamadali ring pumasok ng event theatre.
"Miss.. nahulog yung key chain mo"
Dinampot nya iyon.. Sandali syang natigilan. Mukhang may matutupad ng isang sign. SpongeBob kasi ang Key chain na napulot nya.
"Thank you po" pasasalamat ng babae.
"Welcome po.. Sandra tara na?"
Oh my gosh! Isang sign na yung natupad. Nakakatuwa naman.
Aniya nito sa sarili.
Naupo na sila at taimtim na nakinig nang misa ng pari. Komedyante ang nakatokang pari noon kaya naman talagang maririnig ang bungisngisan ng bawat tao sa loob kasama na dito ang dalawang magkaibigan.
"Tapos na po ang ating banal na misa humayo tayo nang mapayapa"
Ang huling salita ng Pari na naghuhudyat na tapos na ang misa.
Tumayo na ang dalawa at nagtungo palabas ng theatre.
"Alliyah.. tingnan mo yung suot nung bata na boots... ang cute"
"Nasaan?"
"Ayun ohh" sabay turo neto. Totoo ngang cute ang design neto kasing cute nang batang babaeng may suot neto.
Teka? Boots ba kamo?.. Diba.. Kasali rin yun sa Signs ko! May nakita akong boots at sa oras ng misa iyon.. thou, kakatapos na ng misa, pero counted parin naman yun diba? Grabe! Nakadalawa agad ako in just one day.
"Hoy Alliyah! Nakikinig ka ba?"
"Ha? Ano yun Sandra?"
"Hay naku, kanina pako dito umiimik di mo naman pala ako pinapakinggan.. Ano na naman bang iniisip mo? Or Sino??"
"Oy! Grabe siya sa Sino.. wala wala yun, ano nga ulit kwento mo?"
Masyado kasi itong lutang sa pag iisip sa mga natupad nyang sign kaya di manlang nya napakinggan ang paghihimutok ng kaibigan tungkol sa Ex neto.
"Hey.. Sandra? Wait lang.. tampo naman eto agad."
"Wala. Bukas na lang ulit tayo mag usap pag ready ka nang makinig sakin"
Sabi nito matapos makalabas ng Mall. At dumiretso nang sumakay ng tricycle.
"Sandra??"
Pero hindi na nya ito naabutan.
"Is it too late now to say sorry?"
Sambit neto sa sarili..
Teka? Kanta na yun ah? Hahaha. Hay naku! Hayae na lilipas rin yung tampo nya. Alright! Ang bait ko talagang kaibigan.
BINABASA MO ANG
One Flashing Moment (ONE SHOT STORY)
Teen FictionWhat if yung pinakang inaasam mong pangyayari ay biglang mangyari? In just one flashing moment. That you will never forget. And You will end up wishing that 'Sana hindi na ito matapos'