"Angie!""Ohh? Napatawag ka naman?"
"Sama ka naman samin mamaya, magsisimba"
"Hindi ako pwede ngayon eh, Sorry"
"Lagi ka namang ganyan"
"Hay nako, wag mo nga akong dramahan dyan.. si ano ang isama mo"
"Sino na naman?"
"Si ano.. yung best friend mong hilaw!"
"Ahh. Si Kenzo?"
"May iba pa ba ha?"
"Ay naku! Hindi nga manlang sakin yun nagtetext eh!"
"Hmm. Tampo ka na naman?"
"Not so! Tska wala naman syang pake kung magalit ako or magtampo"
"Grabe ka, syempre may pake sayo yun.. ikaw lang naman yung laging nag iisip nang ganyan eh, palibhasa napaka nega mo"
"Hay naku! Basta.."
"Ohh ay akala ko ba si Sandra ang kasakasama mong magsimba?"
"Ehh. Nagtext kasi siya eh, hindi siya makaka sama ngayon.."
"Tsk. Wawa ka naman pala"
"Whatever Angie!"
"Oyy. Wait lang ha.. I'll call you na lang later may gagawin lang ako saglit"
"Okay Bye.. Lola!"
Hay naku! Lagi na lang sya naka Lola.. palibhasa lamang ako sa kanya ng dalwang taon. Oo bata pa yun.. pero mas malaki pa sya sakin. Kaasar!
"Nagugutom nako"
Dumiretso na ito sa kusina at naghanda ng makakain nya. Tanghali na naman. Pero ngayon pa lang din ang Breakfast nya. Kaya Brunch na etong matatawag. Breakfast plus Lunch.
Saglit lang naman itong kumain at bumalik narin sa kwarto.
Idi-dial na sana ulit niya ang number ni Angie nang biglang may nag text.
Message from +6394796*****
Oyy. Alliyah.. may ginagawa ka ba ngayon?
- -
"Sino naman ito? Di manlang nagpakilala"
To: +6394796*****
Sino po ito?
---
Pinakagwapo sa school natin. HAHAHA.
---Okay! I know you na. Kenzo! Wala naman akong gagawin. Bakit?
---
Samahan mo naman ako. ^_____^
---
Saan naman?
---
Sa kabilang buhay. Djk! Sa Bayan.. sa mall.
---
Kung sa kabilang buhay sige pass muna ako dyan! Grabe ka marami pa akong pangarap sa buhay! Pero kung sa Mall lang naman. Sige go :)
---
Sige. Ikaw nang bahala sa oras. Oy? Walang indian-an ha? Tulad nung nangyari nung nakaraan.
---
Oo na! Tska never kitang ni-indian noh.. Late lang talaga akong dumarating. Pero sige 3pm tayo! See yahh. Sa dating kitaan :)
BINABASA MO ANG
One Flashing Moment (ONE SHOT STORY)
Teen FictionWhat if yung pinakang inaasam mong pangyayari ay biglang mangyari? In just one flashing moment. That you will never forget. And You will end up wishing that 'Sana hindi na ito matapos'