Nakapasok na sila sa loob pero punong puno na ito kaya naman nakatayo na sila. Ganoon kasi ang pamamalakad sa Mall na iyon. Pero pwede pa naman nilang ulitin ang panunuod sa kasunod na batch."Nakakainis naman ohh, bakit nakatayo?" Paghihimutok ni Alliyah.
"Dapat pala nasa unahan talaga tayo nang pila, para nakaupo tayo" dagdag pa nito.
"Pero ang alam ko, makakapanuod ulit tayo pagkatapos nito, tayo naman ang uupo dyan" pagpapaliwanag ni Kenzo.
"Ahh. Kahit na, ibig sabihin 2 hours pa tayong nakatayo?"
"Yup. Ganoon na nga, Oy simula na ohh"
"Kenzo... uhm, hindi ko makita eh"
"Ang hirap talaga pag pandak"
Pang aasar pa nito kay Alliyah."Wow? Edi kayo na nga ang matangkad.. bakit kasi napaka tangkad nung nasa unahan na babae, nakaka asar!"
"Shhh~ dito ka na lang ohh, medyo kita dito, tsaka uulitin naman natin yan. Mamaya ka na lang manuod, para ayos na ayos"
"Okay. Whatever"
Pag irap ni Alliyah.Tiningnan lang naman ito ng binata at ngumiti.
Kitang kita kasi nito ang pagkaiyamot ng dalaga.
- -
Natapos na nila ang unang batch kaya naman makakaupo na sila.
"At last! Makakaupo rin"
"Nangalay ka ba?"
"Oo sobra, pati batok, balikat at leeg nanakit sakin"
"Hahaha."
"What's funny with that? Urgh."
"Cute mo dyan"
"Ha?"
"Sabi ko ang cute mo! Kasi madilim... Aray! Sakit nun ha"
Kinurot kasi ito ni Alliyah.
"Wag kang mag alala, ang gwapo mo rin dyan.. madilim rin eh"
Pagtataray naman nito.
"Hahaha. Thanks"
Inirapan na lang ito nang dalaga. Binuksan ang Pop corn at tinutok ang atensyon sa panunuod.Nakakatakot ito, kaya kung minsan ay napapa sigaw ito at napapa kapit sa binata sabay bawi.
"Ang lakas nang loob mong manuod nito, matatakutin ka naman pala"
"----------"
Panay ang kausap ni Kenzo sa kaibigan pero hindi naman siya nito pinapansin. Marahil nagtampo na naman ito. Minsan kasi ay napaka moody talaga ni Alliyah.
"Tampo ka na naman?"
"--------"
"Hindi ka naman mabiro eh, nag jo-joke lang naman ako e"
Joke? Lagi namang joke! Alam na ngang bad trip yung tao tapos aasarin pa. Kainis!
Sambit ni Alliyah sa isip.
"Oyyyy~ penge namang Pop Corn" Pag papaawa ni Kenzo.
nasa kaibigan nya kasi lahat nang pop corn at inumin."Bumili ka nang iyo"
"Galit nga siya.. Sorry na"
"Shhh! nanunuod ako"
Hindi na ulit nagsalita ang binata at nanuod na lang din ito.
Matapos ang ilang minuto ay napabuntong hininga si Alliyah.
Hay nako. Suko na siya agad? Nagpapasuyo lang ako e! Tska na badtrip lang naman ako kanina. Pero ngayon hindi na.
BINABASA MO ANG
One Flashing Moment (ONE SHOT STORY)
Teen FictionWhat if yung pinakang inaasam mong pangyayari ay biglang mangyari? In just one flashing moment. That you will never forget. And You will end up wishing that 'Sana hindi na ito matapos'