#9: Go Justine My love so sweet

1 1 0
                                    

Papunta nakami ngayon sa game ni Justine. Maraming nag sisigawan dahil ipinag chi-cheer nila yung team na idol nila. Nang makarating nakami, nakita ko kaagad si Bea. Taray talaga tss.

Zendaya: Girl? Taray naman nung Bea huh? Masasabunot ko nayan. Kung maka pang snob sayo kala mo kung sino eh siya naman tong nang iwan kay Justine.
Ako: Yaan mo nalang.
Zendaya: Talagang hayaan nalanga tsaka haler? Ikaw na ang may ari ng trono.

May ari ng trono? Haha I know what she mean. Mag sisimula na ang laban yehes!!!!

Ako: Go Justine!!!!!!!!!!!
Zendaya: GO GO GO!!!!!!!
Ako: uy girl! Sino pinang chi-cheer mo? Si Justine? Salamat ha!!
Zendaya: Ano kaba girl hindi no. Ayun oh si number 11 Hihi ang gwapo kasi.

Hay nako. Kala ko naman si Justine yung number 11 lang pala. Paasa talaga eno? P A A S A.

Ako: Go Justine!!!!!!! Go my love so sweet!!!!!!!

Haha nakita ko si Bea na ang sama ng tingin sakin. Haha selos ka girl? Ikaw kasi eh. Try mo kaya ipag cheer si Gelo.

Tinuro ako ni Justine na parang sinasabing para sakin yon atsaka shinoot yung bola na siya namang nag panalo sa team nila. Nag sigawan ang mga tao at tsaka nag flying kiss pa sakin si Justine.

Ako: Ang galing mo baby!!!!!!!!!
Zendaya: Whoooo!!!!!!!! Ang galing!!!!!!!!! Number 11!!!!!!!!

Nakita kong umalis si Bea. Di na natake ang selos haha.

Zendaya: Uy girl! Selos si Bea oh.
Ako: Oo nga. Kala ko ba may Gelo na siya? Haha haler?
Zendaya: Omg papalapit si number 11 sakin?!?! Whut?!?? Mc di ako makahinga..
Ako: Oa mo best! Be confident.

At lumapit nga si Number 11 kay Zendaya. Halatang nag ba-blush ang bestfriend ko.

#11: Hi Thank you sa pag chi-cheer. I'm Dave. And you are?
Zendaya: Zendaya. Wala yun ano kaba? Ang galing mo kaya.
Dave: Oh pano. Una nakami.
Zendaya: Ah wait. Can I have a photo with you?

Tss oo na alam ko namang ako ang magiging photographer.

Dave: Sure.

*click*

Umalis na si Dave kasama ang ibang players.
Zendaya: TANGINA BEST!!! NAKITA MO YUN? NANANAGINIP BAKO? KUNG NANANAGINIP AKO WAG MO NAKONG GISING WHOOO.
Ako: TANGEK! Hindi no. May picture panga kayo oh.
Zendaya: Ang saya ko whoo.
Ako: Obvious naman eh.

Hinihintay ko ngayon si Justine. May picture taking kasi sila dahil sila yung nanalo. Grabe ang gwapo talaga niya, pawis pa siya hays. Ang galing talaga niya mag basketball.

Matapos ang ilang minuto natapos narin sila sa wakas. Pumunta siya kung nasan kami ni Zendaya.

Ako: Ang galing mo ha?
Justine: Ang galing mo rin mag cheer ha? Thanks!
Ako: Naman! Nag selos nga ata si Bea eh biglang umalis haha.
Justine: Talaga? Good job *nakipag apir*
Zendaya: Anong pangalan nung number 9? Yun oh yung laging nakatingin dito kay Mc.

Ano te? Biglang sisingit? Atsaka sinong #9? Ah yun! Oo nga bat nakatingin sakin?

Justine: Pst oy! Bat nakatingin ka sa girlfriend ko?

Wow sungit Justine ah? Kawawa naman yung tao ang gwapo pa naman atsaka nakatingin lang naman sakin hindi naman ako ina-ano.

Ako: Hoy ang sama mo. Naka tingin lang eh. Gwapo naman. Hihi.

Biglang sumama tingin sakin ni Justine. Atsaka naman lumapit sakin ai jersery #9.

#9: Hi I'm Gio and you are?
Ako: I'm Mc.
Gio: Can I have a photo with you?
Ako: Yah sure.

Pinicturan naman kami ni Zendaya. At nakita kong nag sungit si Justine. Haha ano bang problema ng lalaking 'to? Ano nag seselos siya? HAHAHA.

Gio: Thank you Mc. You're so beautiful.
Justine: Oh tama na yan tsong. May picture kana sakanya diba? Tama na oh. Nag seselos na yung boyfriend niya eh.
Gio: Sorry Justine ang ganda kasi ng girlfriend mo eh.
Justine: Alam ko kaso akin na siya tsong kaya umalis kana baka di ako makapag pigil.
Gio: Sorry haha. Bye Mc.
Ako: Bye :)

Umalis na si Gio. Atsaka nag aya narin umalis si Justine. Ano bang problema nito?

His Unexpected Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon