#12 Mind Reader

2 1 0
                                    

Pagkatapos na pagkatapos ng school namin dumiretso kaagad kami ni Justine sa Mcdo kasi ililibre niya ko :P Habang papunta kami hindi ko maiwasang mapag-isip ng kung ano-ano, date ba'to? Hays eh diba pag kukunwari lang 'to? Eh diba mag kukunwari lang kami pag anjan si Bea?

"Jus! Eh diba mag kukunwari lang tayo pag nanjan si Bea?" hindi ko na napigilan kaya natanong ko.

"Yah why?" tanong naman nya

"Date ba'to?" Sht Ang awkward ng tanong ko pero anong magagawa ko nasabi ko na

"Do you consider it as a date?"

Tae ang awkward HAHA.

"Mag order kana! Uhm Mcdo Fries, Chicken with rice, coke float and apple pie" utos ko sakanya. Iniba ko nalang yung usapan kasi na-awkwardan talaga ko.

"Sayo lang yun?" pagulat na tanong niya.

"Yah, gutom na is me"

"So konyo. Ako na mag oorder" presinta niya

"Ikaw naman talaga." With matching belat pa.

"Tss isip bata"

"May sinasabi ka?"

"Wala mag oorder nako" sabi niya habang tumatayo sa kinauupuan niya.

Ano bayan! Kapag ganitong lumalabas kami hindi pwedeng hindi kami mag away -__- Ang yabang yabang kasi kala mo kung sino 'tong gwapo eh gwapo naman talaga pero jk lang gwapo siya talaga HAHA ano raw?!? Anyways highways, kapag kasama ko siya feeling ko safe ako and ang saya sa feeling. Nasasanay nanga kong kasama siya eh. Siguro dahil matagal na kaming mag kasama at NAG PAPANGGAP. Hay, sasabihin ko ba sakanya 'tong nararamdaman ko?  Tssss!!! Di pa naman ako sure eh bakit ko ba to pinoproblema?!?

"Hoy MC wag moko masyadong isipin" sabi niya at ginulo ang buhok ko. Ano ba 'to? Mind reader? Tsss whatevers

"Kapal mo talaga"

"And yes I'm a mind reader"

Huh? Mind reader? Seryoso? Hala!!!! Ang galing!!!

"Idk"

"Seryoso ako. Namangha ka nanaman sakin *wink*" saad pa niya.

"Ano? Wala kong alam sa mga sinasabi mo ha! Tara na kumain na tayo." Pag iiba ko ng usapan. Whoo grabe seryoso ba? Nababasa niya ba nasa utak ko? Haay bakit bako nag papaniwala? Nag kataon lang siguro.

"Huy kumain kana! Ano ano pang iniisip mo jan" tapik niya sa kamay ko. Woah, ang galing talaga!!

"Alam ko magaling ako wag kana" saad pa niya.

"Justine seryoso? Mind reader talaga?" Tanong ko sakanya.

"Engot! Hindi shempre ano yun?
ang galing ko naman?!"

Na engot pa tuloy ako. Libre niya ba? Ako ba mag babayad o siya? Baka nakalimutan niya na ililibre niya ko.

"Ako mag babayad kaya kumain kana jan MC kung ano ano pa iniisip mo obvious kana" sabi niya.

"Ang galing mo!"

"Shempre gwapo"

"Anong connect?"

"Pldt wifi"

Tsss ang yabang!! Kakain na nga lang ako -,-

"Hello, mag syota po ba kayo?" Tanong nung nasa kabilang table. Aba ate? Mukha ba kaming mag syota?

Bigla naman akong naubo at napa-inom ng tubig.

"Yes" sagot ni Justine.

Bakit ba nila kame pinapakealaman? Anong yes? Sipain ko to eh!

"Pwedi po papicture? Sikat po kasi kayo sa school namin." Sabi ni ate gurl.

Sikat? Ay onga pala haha. Tanga ko ba? Sikat kami pero hindi ko alam, ewan koba bakit hindi ko feel.

FYI: Sikat kami dahil sa family business namin and isa pa sikat din 'tong si Justine sa social media kase ewan? Siguro dahil gwapo? And magaling kumanta. Uhm? Ako? Sikat lang ako bc of my family. Top 1 kasi ang VC Beauty Products dito sa Philippines. VC means Villacuenco btw.

"Thank you po ^_^"
"You're welcome"

"Justine? Bakit nila alam na mag syota raw tayo?" Pabulong kong tanong kay Justine.

"Kase gwapo ko"

"Anong connect? Tss"

"Puso mo konektado sa puso ko"

"Corny mo! Bakit nga?"

"I posted it last week"

"Anong pinost mo?" I have no idea. Last last week pako hindi nag o-online.

"Na we're on a relationship"

"Anak ng tinapa naman oo!! Bakit? Pag nakita yun ni Daddy ugh lagot is me" sabi ko at napa konyo na naman ako.

"Ako bahala"

Justine's POV
Daming tanong ni MC jusko.
Lagot raw siya sa dad niya? Hay kung alam niya lang na ipinag utos talaga ng dad niya na baguhin ko siya for the sake of their image. Well manang nga naman talaga siya before pero look at her now? Masasabi ko na ang galing ko talagang gwapo. (Pag bigyan)
After this sasabihin ko naman lahat lahat sakanya, kahit mahirap. Pero bahala na atleast sasabihin ko.

Masaya siya kasama. And ayoko ng mawala siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano tonh nararamdaman ko pero parang nahuhulog na ang loob ko sakanya.

Well, childish siya oo pero that's why I love her.

"Hoy! Ano ba? Tinatanong kita kung bakit? Tulaley ka nanaman?" Bungaw niya sakin.

"Ah. Ewan" anak ng pating naman anong klasing sagot to?

"Huh? Okay?"

"Tara na nga! Alis na tayo tapos kana rin naman kumain. Dami mong satsat" hinila ko siya palabas ng mcdo.

MC's POV.
Ano bayan nag tatanong lang naman ako eh. Isang sagot lang naman hinihintay ko ang dami pa niyang chena chena -___-

"Bakit mo kasi pinost?!!" Tanong ko ulit sakanya.

"Ang kulit naman! eh shempre para makita ni Bea para more chance of selos" sagot niya.

Woah, ano 'tong naramdaman ko? Bakit parang na frustrate ako?
More chance of selos? Bakit parang ako ata ang nag selos?
Whoo ang hirap mag tago ng feelings grabe.

"Uh- okay" matipid na sagot ko.

"May nasabi bakong masama?" Tanong niya.

"Ah-- wala naman, nakaramdam lang ako ng pagod. Kanina pa kaya tayo nag lalakad hay gusto ko na umuwi" pag-iiba ko.

"Hatid na kita"

" no need"

"No need? Eh pano kung may mang rape sayo ha? Wag kana ngang mag inarte gusto mo naman. TARA NA"

"Rape agad? Diba pwedeng madapa lang?"

His Unexpected Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon