Chapter 4-Friendship turns to Love

6 0 0
                                    

Sa araw araw na nagkikita kami nagkakasama... Naging masaya ang pagkakaibigan namin. Sinunod nya lahat ng kondisyon na binigay ko sa kanya... Naging kuya sya sa akin at lahat ng pabor eh binibigay nya sakin kahit i refuse to accept...

Nug mag break din kami ng girlfriend ko dahil sa pagkukulang namin sa time, si jay-r din ang nandyan para kausapin ako at pasayahin... I appreciate the things na ginawa nya and ginagawa nya sakin till now... Masarap sa pakiramdam na may kaibigan ka na nandyan parati sa tabi mo at handa kang damayan sa lahat ng kalokohan, kakulitan at higit sa lahat sa panahon n kalungkutan mo.

Nahirapan akong maka move on sa nangyari samin ng girlfriend ko dahil mahal na mahal ko yun. Pero hindi nagtagal ang sakit dahil may kaibigan akong handa parati na umagapay sakin.... Si jay-r.

Intramurals sa University... Ayos walang klase... Ang unang hinanap ko ay si jay-r para may kasama ako. Pumunta ako ng office ng dance troupe sa Office of the Student Affairs... Hindi ko sya nakita dun dahil may sched syang performance para sa welcoming of delegates... Ako pala ay meron ding sched sa opening of dance sports competition... Hai... Di kami magkasama sa sayaw... Tik tok tik tok... Naghihintay ako sa loob ng office... Dumating sila kasama sina ate princess...

Nagpaalam kami kay ate princess na aalis muna kami...

JOHN: San kaya magandang pumunta...

JAY R: ah alam ko na magugustuhan mo dun...

JOHN: Marami bang maganda dun...

JAY R: ayan ka na naman eh... Wala... Walang tao dun... Pero peaceful ang lugar... Puro ibon lang at halaman ang nandun... Sa farm yun ng university... Wag ka mag alala wala akong gagawin sayo dun...

Pumayag na din ako...

Tuwang tuwa kami nagkwekwentuhan at nag kakanchawan sa daan. Inkbayan ko sya at wala namang malisya... Pero may kakaiba na kong saya na naramdaman... Masaya ako pag kasama ko sya. Ayokong nahihiwalay sya sakin.., tuwang tuwa ako tuwing break time kasi makikita ko sya sa labas ng room namin para dahil may dala syang pagkain para samin...

Dumating kami sa Farm ng University. May isang kubo dun na maaliwalas tignan at presko sa loob. Pumasok kami at naupo. Nakatingin salabas at sobrang sarap matulog... Ang daming tanim na ibat ibang gulay sa malaong tanaw naman ay may mga baka at punong naglalakihan. Napakasarap talaga dito...

JAY R: ang tagal na din nating magkaibigan noh...

JOHN: oo nga eh... Salamat ah lagi kang nanjan para sakin. Masaya ako na nakilala kita...

Bigla akong niyakap ni Jay R may naramdaman akong kakaiba sa akin. Niyakap ko sya...makmang hahalikan nya ko sa pisngi pero hindi ako umiwas... Holy shit... Ano toh...

JAY R: (WORRIED ANG MUKHA) ah sorry ha... Dimako tumupad sa usapan... Dimko lang mapigilan damdamin ko na maging ganyan sayo... Kasi sa tagal nating magkasama lalo akong napapamahal sayo at nakilala kita kung gaano ka kabait...

Sumagot ako sa mahinang boses at tumingin sa kalayuan...

JOHN: Ako din naman eh...

JAY R: Ano yun John? Ano yung nabulong mo?

JOHN: Ah! Wala, wala naman akong sinasabi eh. (Pabiro kong salita at biglang ngiti). Oh tignan mo yung baka oh, medyo hawig kayo.  😂

JAY R: Grabe ka sa akin. Halika dito.

(JOHN's POV)
Nagkakilitian kaming dalawa ng biglang nabali ang upuang kawayan sa bandang likuran nya na kinauupuan namin at nalaglag kami sa lapag at natagpuan na lang namin ang aming sarili na nakadagan na ako sa kanya at magkalapit ang aming mukha. Sa ganitong lagay di ko na rin napigilan ang aking sarili na halikan na si KUYA JAY R. Unti-unting naglapit ang aming mukha hanggang maglapat na ang aming mga labi.

Nung oras na iyon parang bumagal na ang pag galaw ng mundo. Napapikit ako. May parang kumikiliti sa aking dibdib at sikmura na naramdaman kong maligayang maligaya ako.

Nakadiin ang aking katawan na may katamtamang laki ng dibdib. Hinagod kong ang kanyang mga braso upang hanapin ang kanyang mga kamay upang hawakan. Nang matapos yun ay dumilat ako at nakita kong nakamulat na din sya na parang nagulat sa ginawa kong paghalik sa kanya. Binitawan nya ang aking kamay at bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

Sa nangyaring yun pagtayo namin ay biglang tumahimik ang paligid. Pagkalipas ng ilang minuto.

JOHN: Ah Kuya sorry... 😔. Sorry sa ginawa ko, parang nalilito na din ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Naiinis na din ako sa nararamdaman ko ngayon. Bakit nagbabago nararamdaman ko? Bakit nagkakagusto ako sa'yo? Lalaki ako, pero bakit Mahal na kita? Sa tagal nating magkaibigan iba na yung pagtingin ko sayo. I am just putting boundaries to my actions.

JAY R: Ano John? Mahal mo na ako. (Pagputol nya sa sinasabi ko.)

(JAY R's POV)

Hinatak ko sya sa kinatatayuan nya at hinalikan ko sya. Hinawakan ko ang kanyang batok upang di sya makawala, dahil gusto kong iparamdam sa kanya na mahal ko sya at walang mali sa pagmamahalan namin.

Nagulat ako sa kanyang ginawa dahil ginantihan nya ang mga halik ko, na habang natulo ang mga luha sa kanyang mga mata ay tuloy tuloy nya pa din akong hinalikan at iniyakap ang kanyang dalawang braso sa aking bewang at tuloy tuloy kaming nagkahalikan.

My Forever LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon