Chapter 2 - Confession

15 0 0
                                    

Tapos na ang buong araw na klase... at dahil kasama na sa dance troupe kailangan umattend ng rehearsals.

...sa dance studio...

pagpasok ko bumungad sakin na umiiyak ang buddy ko... (Jay-R)

hindi ko sya matanong pero mukhang tungkol toh sa karelasyon nya na nagkakalabuan na sila...

nagumpisa kami ng practice pero di namin napagusapan kung anong nangyari. Tuloy tuloy din pagtulo ng luha nya habang nagsasayaw.

...Uwian na...

Pumunta ako ng CR para magpalit ng damit. May narinig akong naiyak.. natunugan ko... si kuya jay-r. Kinatok ko sya sa isa a mga cubicle pag bukas nya...

Bigla nya akong niyakap at sinabing...

Jay-R: John wag mo akong iiwan ah... isa ka sa mga nagpapasaya sakin...

nagulat ako pero naisip ko dahil heart broken sya...

sabay kaming umuwi... sa daan bigla nya akong hinawakan sa kamay...

napabitiw ako pero muli nya kong hinatak...

Jay-R: John pasensya ka na pero may gusto akong aminin sayo. Nung unang araw pa lang tayo nagkita gusto na kita... at yung sinasabi kong karelasyon ko si bisexual din si Lester.

Nabigla ako at umalis sa kinatatayuan namin... Bigla akong kinabahan kaya di ko alam kung anong gagawin

Naisip ko na mali ito dahil parehas kaming lalake...

...sa bahay...

pagkatapos kong mag half bath nagsuot na lang ako ng boxers at nahiga na sa kama... pagod...

Naisip ko ulit si Kuya Jay-R... bakit nya sinabi sakin yun... Nasan na kaya sya ngayon? Imbis na kino-comfort ko iniwan ko pa. Pero ano ba dapat ang ginawa ko?

Kinuha ko ang Cellphone ko para itext sya... pero may message...

Si kuya Jay-R...

Text Message: John pasensya kana sa mga nasabi ko pero... totoo mahal kita... pero sana wag toh makasira sa pagkakaibigan natin. ayokong maramdaman na malayo ka sakin...

Hindi ko alam kung anong gagawin... dahil natatakot ako... Hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko...

Nagpatugtog na lang ako at tumawag sa girl friend ko... sinabi ko din sa kanya ang nangyari sakin...

kaya sinabi nya sakin na wag na lang ako umattend sa mga rehearsals namin at isantabi ko na ang pagsayaw

...................................................................................................................................................................

abangan ang next chapter guys...

My Forever LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon