Chapter I - Beginning

6 0 0
                                    

Kung sa bible meron niyan syempre sa storyang ito meron din.

"LOKA?! Kasama ba kita o naglalakad na naman ako mag isa?"

And this is my BFF si ELOISA galing Zamboanga napadpad ang loka sa Manila.

"Buti na lang at pinapansin kita kundi pinagtatawanan ka ng nakakakita sayo" tinignan niya ako ng pagkasama-sama kung apoy pa lang siguro ang tingin niya, sigurado tosta na ako.

"Loka ka Sylvia! Kanina pa umiiyak yung phone mo" kunot noo akong napatingin sa kanya "What do you mean?" ALAM NIYO YUNG TINATANONG MO TAPOS BATOK YUNG SAGOT? NAKAKAPIKON! -_-

"Ohh! Kalma lang, ikaw kasi loading, may tumatawag sayo hindi mo man lang feel? Napakamanhid" with full emotions niya pa sinabi yung NAPAKAMANHID.

'Ano gusto niya iparating? Na manhid ako?' HMP!

Agad ko kinuha ang phone ko na nagba-vibrate at agad ko din nasagot na hindi man lang natignan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

"How many times do I need to call you bago mo masagot ang phone mo?" Agad ko nalayo sa tenga ko yung phon at tinignan ang caller MR. SABURDO halos mabitawan ko yung phone ko dahil sa gulat kaya napatawa naman ng mahina ang bruha kong best friend -_-

"Sir I'm really sorry, nakasilent po kasi ang phone ko dahil nasa loob kami ng library"

Nakita kong lalong tumawa si Loisa habang turo-turo ako at sinasabing SINUNGALING SIYA SIR -_- 'Babaeng 'to talaga minsan pinagdududahan ko na!'

"Okay, where are you know Sylvia?" Napahinga ako ng malalim at napangiti "Nasa school po Sir may last subject pa ako"

"After your class dumeretsiyo ka dito sa bahay" kokontra pa sana ako pero si TOOOT TOOOT na lang pala ang kausap ko 'Bastusan? Babaan ba namana ako?!'

"Oh? Nalugi ka yata?" Sasagutin ko pa sana si Loisa sa tanong niya pero hinila ko na lang siya at naglakad papunta sa last naming class.

Eloisa Cruzana siya ang BEST FRIEND ko, siya din ang kabaliktaran ko, she always spend her time sa bar, mall, restaurant, or worse ay sa BOYS. Buti pa siya she can enjoy her life without thinking qhat will happen to her next. Sa pagkakatanda ko pitong nagga-gwapuhan na ang napaiyak niya.

"Sylvia naman, if you don't want to talk to me then say it. Hindi yung baliw akong tumatawa mqg isa dito"

Nakita ko siyang naglakad papunta sa upuan niya at sumunod naman ako kasi katabi ko siya, malay ko naman kasi na kinakausap niya ako eh? Pinapakilala ko pa nga siya sa inyo eh Tsss!

Maya-maya pa ay pumasok na ang last teacher namin "Guys, hindi na ako magtatagal may meeting kasi ang faculty ngayon eh...

Dahil sa pagiging excited sa news ni ma'am yung iba nagtayuan na

....basahin niyo na lang yung pages 209-204 magkakaroon tayo ng oral recitation next meeting" at dahil nga sa excitement hindi nila nahalata yung pagkakamali ni ma'am.

I'm in my way to raise my hand ng biglang may bumagsak na upuan malapit sa akin kaya natahimik ang lahat at yung iba nakahawak pa sa bandang dibdib.

"Miss paki.ulit nga po yung pages ng book, hindi ko po kasi narinig" napangiti naman daw ako nang dahil dun kaya tumingin na ako sa labas para walang makahala-----

"Hoy loka! Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Akala ko walang makakahalata -_- sinundan ni Loisa ang tingin ko sa labas.

"W-wala" nautal naman daw ako? Haha "May nakita lang akong gwapo" Hahahaha lusot ko sa kanya.

Nagulat ako ng tumayo siya at sumilib din sa tinitignan ko sabay tanong niya kung asan, kahit kailan talaga ang bilis niya lang lokohin..

Nakasmile naman akong umalis sa upuan ko habang siya hanap pa rin ng hanap ang sarap na nga tawanan ehh "Wala naman eh, Syl (Sil) you know how I hate paasa" nakapout niyang sabi habang seryoso ang mukha kaya nabatukan ko tuloy "Tumahimik ka nga Loi (Loy)! If I know mas PAASA ka pa sa akin" Napa TSS naman siya sabay alis at kuha ng bag niya.

"I'll go home alone" napatawa ako ng malakas kasi nag iinarte na naman siya "Fine" magsisimula na sana siyang umiyak kasi pumayag ako.

'Ayaw kasi niya na inaaway ko siya PERO MASAYA SIYA KAPAG INAAWAY NIYA AKO' Bastusan lang?

"Uy Sylvia naman eh!" Hinawakan niya ako sa braso kaya lumingon na ako "Oh, bakit ka handito? Umuwi ka na!" Bigla siya umupo sa gitna ng daanan 'Gosh! Magta.tantrum na naman 'to, kababaeng tao' Nagsimula ng mamuo ang tubig sa mata niya at anytime ay sisigaw na siya "Hoy! Tumayo ka nga dyan, lakas-lakas mong sabihin na mag isa ka uuwi tapos-------"

Ooooops!? Mali pala

"Waaaaaaaaaaaah!! Sylvia naman eh" mali palang pagalitan siya -_- "Tatayo ka o iiwan kitang parang baliw dyan?" Tumayo na siya at hinampas ako sa kaliwa kong braso "Ang sama mo" at ako pa ngayon ang masama??

Habang naglalakad kami sa sakayan nakakapit lang siya sa braso ko baka daw kasi iwan ko siya 'Babaeng 'to napaka-childish'

"Loi may trabaho ako ngayon, pwede bumitaw ka na para makaalis na ako?" Pang ilang beses ko na ba siya sinabihan? "Maya-maya ka na umalis, samahan mo muna ako sa mall, libre kita!"

Ang sarap sana sumama sa kanya kaso hindi talaga pwede eh "Next time na lang" Sinimangutan niya ako at bahagyang lumayo konti kaya nakuha ko na yung braso ko sa kanya 'Namamawis ohhh' nagsniff siya ibig sabihin umiiyak na siya -_- "Ganyan ka naman palagi eh" OKAY, HERE WE GO AGAIN then an idea hit me, in this way ko lang siya maiiwan, kaya tinake advantage ko na "Eh kasi may trabaho ako Loi, hindi naman kasi ikaw ang nagpapa-aral sa akin eh kaya wala kang karapatan para magalit" at dahil sa sinabi/ginawa ko sa kanya sunod-sunod na luha ang lumabas galing sa mata niya pero dapat hindi ako magpadala "Tapos yan iiyak-iyak ka na naman, Loi grow up hindi ka na bata"

Pinunasan niya agad ang luha niya pero mahahalata pa rin na umiyak siya "See you tomorrow" Waaaaaah naguilty naman daw ako Tae naman oh?! "Loi?!" Agad naman siyang lumingon nung marinig niya ang pangalang binanggit ko "Yes? Sasama ka na?" Napatingin ako sa kanya sandali at agad na umiling "H-hindi, Enjoy ka!" Ngumuso siya na halatang disappointed "Don't worry mag eenjoy talaga siya" Sabay naming nalipat ni Loisa ang tingin sa lalaking naka akbay sa kanya at ang loka-loka kung makangiti naman WAGAS.

"Yeah, Byeeeeers! I'll see you tomorrow" nginitian niya ako ng pagkalapad-lapad, ikaw ba naman may makasabay na kasing gwapo ni James Reid na may bahagyang Theo James 'Di ka pa ba tatangi?'

Naglalakad na ako pabalik sa sakayan ko papunta sa bahay nila SIR SABURDO nang mapansin ko yung sasakyan sa kabilang kanto malapit sa school -_- kotse ng bossing ko, susunduin na naman ako nito "Hey Sylvia, sabay ka na sa akin" kung magdadahilan pa ako I'm sure may lusot siya kung papayag naman ako makakatipid pa sa pamasahe "S-sige po"

(A/N: Aysus! Sabihin mo na lang na gusto mo, mga dahilan mo Syl alam na! Hahahahaha)

Bumaba siya sa passenger's seat at pinagbuksan ako kasi iba yung binuksan at pinagbuksan -_- 'Hindi niya ba alam kung para saan yung kamay na binigay ng diyos para sa akin?'

(A/N: Wag na tumanggi, pumasok ka na lang)

'Okay, author pinalagpas ko lang yung isa! Tigil-tigilan mo ko'

"Sir Sabur--" hindi ko na natapos ang pagtawag ko sa kanya dahil tinigil niya na ako sa pagsasalita gamit ang index finger niya "Syl? Mike na lang" palihim akong nag rolled eyes sa kanya.

Mikhael Saburdo is actually my friend since high school, not literally a friend parang friend ko lang siya pag kailangan namin ang isa't isa, but not in the green way. I'm his PA yeah PA as in PERSONAL ASSISTANT siguro almost a year na din kasi  kailangan ko ng financial, lalo na ngayon at college na ako.

"Fine, so Mike anong kailangan mo?" Nginitian niya ako ng pagkalapad-lapad 'And speaking of smile, siya ang may pinakacute na smile ang nakita ko" Hahahaha na medyo may pagka-manyak "Gusto ko lang may kasamang magdinner mamaya"

Huminga ako ng malalim na kunwari inis pero syempre happy nuh libre na pamasahe, libre pa dinner o san ka pa? Hahahahahaha

"Bakit asan na naman kapatid mo at kailangan ako pa ang kasabay mo?" Ngumuso siya kasi pinagalitan ko na naman siya, ako yata ang AMO sa aming dalawa eh "May date eh, hindi mo naman kasi sinabi na may boyfriend na pala yung babaeng yun"

"Hindi naman ako spy para alamin pa ang buhay ng kapatid mo nuh" gusto ko na sana siya batukan kaso nakalimutan kong siya pala nagpapasweldo sa akin "Wala naman akong sinasabi na alamin mo Syl, ang akin lang wala akong alam" HAHAHAHAHA sabi na eh, kinokonsensya ako ng lalakinh 'to "Joke lang naman, wala ka bang gusto ipagawa sa akin kasi by next week leave ako"

"WHAT?! H-hindi ka pwedeng magleave next week kung gusto mo ngayon ka na lang magleave basta wag lang next week, madaming kailangan gawin next week" o-okay?

"Eh? Hindi kasi pwede next week, wala kaming pasok tapos close pa yung shop na tinatrabahuan ko kaya dapat next week din leave ako kaya--"

He cut me "I triple your salary Sylvia, please wag ka lang magleave next week" Haynaku Dinaan niya na naman ako sa pera -_- "Mike I'm sorry pero next week talaga ang decided leave ko" napapikit siya na halatang pinipigilang sumigaw o mainis. "Fine pero can I have you sa Wednesday ng afternoon, Sylvia kahit yun lang please" kulang na lang siguro luhmuhod siya sa harapan ko, Wednesday?? Wednesday ng afternoon?  Hmmm.

"Okay pero--" sumigaw siya bigla kaya nagulat kaming dalawa ng driver dahil napahinto siya sa pagmamaneho, ikaw ba daw hindi magulat eh may biglang sisigaw? "Sir, ano pong nangyari?" Tumawa lang si Mike tapos nag hand gesture siya na 'continue-what-are-you-doing hand' or should I say 'go-on-don't-mind-us hand' HAHAHA

"Hoy Mike! 3PM lang ako free sa Wednesday" natahimik siya na parang sinisink in pa yung sinabi ko tapos nung ma-analyze niya tinignan niya ako ng masama 'Maybe it took him 5 minutes' "WHAT?!"

Kasi nagce-celebrate na hindi pa nga alam kung yun na ba ang final parang MISS COLOMBIA tinignan mo tuloy umasa "3PM lang ako free ng Wednesday until 10PM" napatingin siya sa daan tapos sa akin.

"Pucha naman Syl eh!" Mahahalatang naiinis siya pero pasensiya siya "Ikaw pili ka yun lang ang free ko--" nagulat ako ng pasigaw siyang nagtanong sa akin "Ano ba gagawin mo next week at busy ka?!" O_o nakita niya sigura expression ko kaya napapikit siya at pinakalma yung sarili "I'm sorry"

Pagdating namin sa bahay nila, dumeretsiyo siya agad sa office niya aki naman sa loob ng kwarto ko sa bahay nila 'Ohh diba, sosyal?' "Syl, please bring me coffee without cream in my office, thanks" napatingin ako sa WALKIR TALKIE ko at narinig ang boses ni Mike "With sugar?" Pagtatanong ko naman pero hindi na siya sumagot, ibig sabihin meron kaya lumabas na ako at dumeretsiyo na sa kusina para magtimpla ng kape.

"Hey Syl!" Napatingin ako sa kakarating na si Mikay "Hello Mik, sasabay ka na magdinner sa Kuya mo?" Agad siyang umiling "He request na sa labas---"

"Mikay!!!" Halos mabingi ako nung marinig ko ang pagsigaw ni Mike galing sa taas "Hehehelloo Kuya, bye ate Sylvia" tapos tumakbo na si Mikay papunta sa kwarto niya na parang tinatakasan Kuya niya, tinignan ko si Mike o_O at nakatingin din pala siya sa akin 'Syempre naman Sylvia, eh! Ikaw lang naman nakikita niyang tao dyan'

"Sugar?" Pagtatanong ko ulit sa kanya "Y-yes please" ngumiti siya kaya nagsmile na din ako sabay sabi ng OKAY without sounds tapos bumalik na sa ginagawa ko at iniwan ko siya dun.

Taking The Wrong BRIDGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon