Chapter V - Swimsuit

1 0 0
                                    

Nakahiga ako ngayon sa duyan at kasama ko si Loisa na nakaupo sa buhangin 'Ang layo ng tingin ng loka-loka, ano kaya problema?'

"Ate Syl!!" Nagulat kaming dalawa ni Loisa dahil sa pagtawag ni Mikay sa akin "Sorry Ate Hihi!" Okay parang hyper yata ang babaeng 'to ngayon "Hello po" napabaling naman ako sa binati ni Mikay.

"Loi si Mikay kapatid ni Mike, Mikay si Eloisa best friend ko" nagngitian naman ang dalawa buti pa sila nasa good term eh yung dalawang lalaki parang ewan "Nice to meet you Mikay!" Abot kamay ni Loisa "Same!" At abot naman ni Mikay.

"Ate pwede na maligo? Excited na akoooooo" okay HYPER siya ngayon "Maliligo ka ng ganyan?" Napatingin tuloy kami ni Mikay kay Loisa "Bawal po ba 'to sa dagat?" Nakashirt kasi si Mikay at naka jersey na short "Not really honey, pero I'm sure na mas babagay sayo ipapasuot ko" hinila ni Loisa si Mikay habang ako hinila naman ni Mikay kaya naiwan ko tuloy slippers ko -_-

Handito kami ngayon sa kwarto namin ni Loisa at kumukuha siya ng damit sa cabinet habang si Mikay nakatingin lang sa may balcony "Gosh! Dito na lang din sana kwarto ko" HAHAHAHA kahit sino naman gusto maging kwarto ang kwarto ni Loisa "Can I sleep here tonight? Just this night please" at ginamitan niya na ng puppy eyes si Loisa kahit naman siguro ako hindi makakatanggi "Ask Ate Sylvia!" 'Bakit ako? Dinamay pa talaga ako'

"Ate??" Tumango na lang ako, Loisa talaga kahit kailan "Yes! Hahahahaha" masaya na siya ng ganyan HAYNAKU! Basta talaga bata >.<

"Okay, Mikay I know protective si Kuya so ito suotin mo at ikaw bestie---" agad akong napatayo sa pagkakaupo ko sa kama at talagang dinamay pa ako.

"Come on Syl, just for now lang naman eh! Please for me" para naman manananggal si Mikay sa kakatawa, para siyang kinikiliti "No!" Malakas na pagsagot ko, Lumapit na sa akin si Mikay "Sige na Ate Sylvia! Gift mo sa amin" umiling pa rin ako, hindi ko matingnan si Mikay kasi alam kong bibigay ako.

"Ate please? Ngayon lang then bukas hindi na talaga" waaaaah ang kulit!

"Mikay, Ayoko!" Natahimik na silang dalawa "Okay wag pilitin ang ayaw"

"Ate Loisa sa kwarto muna ako" WAAAAH Nagsama ang mga spoiled brat!! "FINE! Just for today"

Waaaah napasubo na naman ako nito -_- MASAYANG lumabas ng kwarto ang dalawa habang ako parang hindi makalabas sa kwarto "Let's go Sylvia, naghihintay na yung dagat" bagay siya sa akin, kahit kaninao naman siguro pero KAHIT MINSAN O KAHIT BUONG BUHAY KO WALA AKONG PINLANO NA MAGPAKITA NG KATAWAN SA MARAMING TAO. NAKAKAINIS!

"Mauna na lang kayo!" Pero hinila pa rin ako ng dalawa kaya nakatayo na kami sa labas ng kwarto na AGAD NI LOCK NI LOISA "Let's go?" Waaaah! Wala man lang akong makitang pangtabon sa katawan ko? Jusko patawarin niyo sana ako.

"Mikaaaaay!! Ano ya---" natameme yata bigla si Mike matapos niyang makita ako Waaaaaaah >\\\\\\< nakakahiya na talaga!

"Bakit ganyan suot niyo?" Mahinahon at kinakabahan na tanong ni Mike "Kuya were in the beach kaya dapat ganito suot, tsaka maliligo kami ng dagat" tumingin siya kay Mikay "Maliligo kayo ng ganyan? At lalabas kayong ganyan?" Tumango-tango naman si Mikay

"Doon kayo sa pool maligo at least wala masyadong tao doon, mamaya na kayong gabi maligo sa dagat" hinila na ni Mike si Mikay kaya kaming dalawang panganay sumunod kay Mikay papunta sa Pool Area "Kuya nasa beach tayo, hindi tayo pumunta dito para maligo ng pool"

"Then change your clothes" hindi ko alam kung kay Mikay niya sinasabi yun pero sa akin siya nakatingin "Kuya naman!" Hindi ko namalayan na wala na pala sa tabi ko si Loisa "Sylvia, bakit ganon suot ni Mikay?" HA? Eh! Yun gusto niya magagawa ko? Tsaka pinilit pa nila ako pasuotin ng ganito Takte!

"Dito muna kayo, walang aalis!" Tumatakbong umalis sa harapan ko si Mike habang ako nakatayo at hinahanap ng mata si Loisa pero ang loka kasama lang pala si Sean naliligo ng pool

"Sylvia!" Napatingin ako kay Loisa na katabi si Sean "Bakit?" Nagngitian naman ang dalawa "Oo alam ko maganda katawan mo pero pwedeng wag mo ipang display dyan?" Napaupo tuloy ako bigla sa may upuan NAKAKAHIYA NA TALAGA >\\\\<

"Suotin mo muna 'to" napatingin ako sa towel na nasa harapan ko "Halatang hindi ka sanay magsuot ng ganyan" napatingin ako kay Sean at kinuha naman yung towel "Hindi talaga, si Loisa kasi pinilit pa talaga ako"

Hindi na umalis sa tabi ko si Sean pero nung dumating si Mike bigla na lang siya tumalon sa pool "Isuot mo muna 'to" napatingin ako sa isang shirt na halatang kay Mike kasi medyo malaki "T-thanks!" Waaah nakakahiya na talaga.

"Nagprepare na ng lunch baka gusto mo na kumain?" Umiling lang ako kasi feeling ko busog pa ako "Mamaya na siguro, kausapin mo muna si Mikay" napailing na lang siya tapos ngumiti sa akin "At pagbigyan mo na lang muna siyang ganyan, nage-enjoy naman siya eh"

"Ayoko lang siya mabastos" ngumiti ako "Then samahan mo maligo sa dagat" nakita kong ngumiti siya at tumango sabay lapit kay Mikay

Masyadong mainit na nung umahon sila Loisa sa pool, napapansin kong kanina pa sila seryosong nag uusap ni Sean eh 'Ano kaya problema nung dalawa?'

"Syl, kain na muna tayo" nag nod lang ako tapos tumayo na "Loi ang seryoso niyong dalawa ni Sean, may problema ba?" Nagulat yata siya kaya agad namang umiling-iling "W-wala naman"

Nakita ko na si Mikay at Mike sa lamesa habang si Sean kumukuha ng plato naming tatlo 'Kakain na naman kami -_-'

"Syl, kanin?" Waaaah katulad din kanina >_< napatingin ako sa plato ni Loisa meron na palang kanin at ganon din kay Mikay "A-ako na!"

Ganito kasi seating arrangement namin Mikay - Mike - Ako - Sean - Loisa - Vacant so may vacant seat sa gitna ni Mikay at Loisa.  Dapat pala doon ako umupo, hindi kasi nag iisip eh!

Una akong natapos sumunod naman si Mikay "Ate ang weird ni Kuya ngayon, tsaka yung cute na kausap ni Ate Loisa" napangiti naman ako akala ko ako lang nakakapansin "Ewan ko din sa dalawa, kaninang umaga pa yun"

Tumayo si Mikay at nagpagpag ng pwet para maalis yung buhangin

Time check: 4PM

"Ate ligo na tayo" hinila ako ni Mikay kaya napatayo naman ako bigla 'Bakit parang mas malakas pa siya kaysa sa akin?'

"Mamaya na ako Mikay, busog pa ako eh!" Umupo ako ulit sa buhangin tapos sinandal yung ulo ko sa coconut tree "Baka mahulugan ka ng buko ha" napatingin naman ako kay Sean na nakaupo sa unahan ko "Hahaha oo nga nuh!" Tumayo ako at tumabi sa kanya medyo malayo na doon sa inupuan ko.

"Hindi ka pa ba maliligo?" Napatingin ako sa dagat "Maya-maya na busog pa kasi ako" nakita ko sa peripheral vision ko na ngumiti siya "Okay lang ba kayo ni Loisa?" Hindi man ako tumitingin sa kanya pero alam kong nakatingin na siya sa akin "O-okay naman yata, bakit mo natanong?" Ngumiti ako pero hindi pa rin tumitingin sa kanya "Ang lalim ng mga iniisip niyo, sige una na ako" hinubad ko yung shirt ni Mike at tumakbo papunta sa dagat.

Lumangoy ako papalayo sana yung nararamdaman ko din lumayo na, ayoko makagulo sa kanilang dalawa kasi mahal na mahal nila ang isa't isa. Pag ahon ko hindi ko na pala naapakan yung buhangin medyo napalayo na ako pero mula dito natatanaw ko silang dalawa kung saan ko iniwan si Sean.

'Haynaku Sylvia, dapat masaya ka dahil masaya si Loisa' nagfloating lang ako habang nakatingin sa ulap ANG PAYAPA yun lang din naman ang gusto ko sa buhay ang maging payapa

Napansin kong umaalon ng malakas yung tubig kaya napabangon ako at nakita si Mike hinihingal "Akala ko napano ka na!" Ngumiti naman ako "Tingin mo sa akin hindi marunong lumangoy? Bumalik ka na nga dun!"

Tinapik niya yung tubig papunta sa akin kaya may tubig na pumasok sa ilong ko "Mike!" Siya naman tawa lang ng tawa ANG SAMA!

Lumangoy na ako pabalik ng Dalampasigan at ang loko mas nauna pa sa akin, umahon na ako at naglakad papunta sa cottage. Nakalimutan kong hindi pala maayos ang damit ko buti na lang may nagbato nung shirt na hinubad ko kanina, akala ko si Mike si Sean pala nagbigay sa akin "Baka lamigin ka!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taking The Wrong BRIDGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon