The Beggining

83 2 1
                                    

Sa buhay natin,may mga taong dumadating at umaalis.

Yung iba nagpa paalam,yung iba bigla nalang nawawala.

Yung iba nagsisilbing aral at yung iba nagsisilbing inspirasyon.

Yung iba totoo...pero karamihan Hindi.

Minsan ang kaylangan mo lang naman ay yung taong mags stay sa tabi mo at handa kang pangitiin.

Yung taong handa kang tanggapin sa kung ano at sino ka.


Rhian's POV

Kasabay ng pagdilat ng mga mata ko ang pag flashback ng isang bagay na dahilan kung bakit palaging basa ang unan ko.

*FLASHBACK*

"Rhian,may mahal nakong iba,pakawalan mo nako,tapusin na natin to" Sabi nya 

"But i love you,Please ayusin natin to"

"Pagod nako Rhi,ayoko na sawa nako sa ganito,We're done." At tuluyan na syang umalis..habang ako,naiwang tulala at luhaan.


*End of Flashback*

Kakagising ko lang luha nanaman ang sumalubong sakin.I'm Rhian DeniseHowell   hays eto Broken :( kakabreak lang namin ni Jason.Masakit,mahirap pero kakayanin :) Ngiti lang kahit ang sakit sakit na.

1:15 Pm na pala.naligo muna ako at nagbihis syempre at umalis nako sa condo ko at nag drive papunta ng Mcdo,nag drive thru nalang ako kase andaming tao.Drive lang ako ng drive hanggang sa may nakita akong footbridge,Walang gaanong taong dumadaan don pero mukang safe naman.Pumunta ako don at pagkadating ko sa taas...Wow!grabe!ang ganda ng view,hindi mainit dito kase natatakpan ng building ang sinag ng araw,hindi rin mausok at maingay dahil konti lang ang dumadaan na mga sasakyan,ang lawak ng daan at tanaw mo ang "Howell Company" na pag-aari ng pamilya namin.Pagkatapos kong kumain,kumuha ako ng ballpen at sticky notes 

"MAHAL KITA..PERO MALILIMUTAN DIN KITA :)" Dinikit ko ito sa tagong sulok ng bakal at pinunasan ang luhang tumulo mula saking mata.

Medyo pagabi na,napasarap kase pagtambay ko.Pumunta ako sa isang bar para magpaka lasing,as usual hays.maya maya may nagsalita sa stage,actually kanina pa maingay (Malamang -_-) pero bigla talaga akong na focus sa babaeng nakatayo ngayon sa stage, -_- hindi naman sya mukang kakanta or sasayaw.Hmm


Glaiza's POV


I'm Glaiza Galura. Simple lang ako,Boyish.HIndi ako yung babaeng sa make up at mga gwapong lalake lang umiikot ang mundo.Adventure ang hanap ko,Mahilg ako sa mga bagay na kakaiba,yung mga bagay na hindi naa appreciate ng iba.Kahit mayaman ang pamilya ko sumasama parin ako sa mga gig,minsan kumakanta pero hindi sumasayaw haha kadalasan tumutula.Kilala nyo si Juan Miguel Severo?Parang ganun.Bago ako pumunta sa Grand Pub (name ng bar) dumaan muna ako sa pinaka paborito kong lugar,I called it "Usual Spot" wala lang haha yun ang gusto kong itawag eh.Habang naglalakad,may nakita akong pink na ballpen sa lapag.hmm,nalaglag siguro ang cute pa naman,kinuha ko yon at nilagay sa bag ko haha salbahe xD 


*Kuya Ems Calling*

"Otw nako kuya,traffic lang dito" Kunyare haha

"Talaga lang ha,Osige na inaantay kana nila dito,mag ingat ka ah." sabi nya

Pagkababa ko ng tawag pumunta nako sa kotse at nag drive papuntang bar.

Pagkapasok ko ng bar,may nakita akong babae na parang lasing na lasing na,actually sanay naman nakong makakita ng ganon dito pero parang iba yung kutob ko eh,Sus!gutom lang siguro,ay kakakain ko lang pala HAHAHA nilapitan ko na agad si kuya Ems na mukang stress na stress na 

"Sorry kuya hehe" sabi ko habang kinakamot ang batok ko

"Sus sanay na kame haha sige na magprepare kana sahil isasalang ka agad " sabi nya 

"What?! ang aga naman ata kuya ems -_- "sabi ko ng nakakunot ang noo

"Eh hehe nagka swap kase yung sched nyo nung bandang tutugtog mamaya,sorry di ko nasabi agad,saka ayaw mo nun?maaga kang makakauwi?" Sabi nya habang naka peace sign 

Aba aba!nako!kung di ko lang talaga ka-close to sinapak ko na to haha joke 

"O sya magaayos nako" sabi ko at dumiretso na sa backstage

Ni review ko na yung pyesa ko at nag ayos ng sarili ko para naman magmuka akong maayos no -_- .Ok,eto na yon.Bakit kinakabahan ako?Eh sanay naman nako dito ah hmm nevermind.Pagkatungtong ko sa stage,iniiwasan ko talagang tumingin dun sa babaeng nakita ko kanina,nakatitig sya saken ngayon,Focus Glai focus!.Pumikit ako at huminga ng malalim..

Rhian's POV

"Ang tulang to ay inaalay ko para sayo" Nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ko at bumalik muli ang mga alaalang gusto ko nang kamilutan

"Para sayo na unang nagpatibok ng puso ko,para sayo na sinaktan ako,pinaglaruan ako at ang tanging tanong ko sa sarili ko ay "Minahal nga ba ako ng taong to?" ."Mahal kita" sa dami ng sugat na iniwan mo yan ang palagi kong nakikita,"Mahal kita" dalawang katagang pilit kong pinanghahawakan kahit hindi ko alam kung mayron nga ba itong katotohanan,dahil Mahal kita...Mahalt parin pala kita " Ang galing nya,grabe! damang dama mo yung bawat salitang binibitawan nya

"Nasaktan ako nung gabing di ka makatingin ng diretso habang sinasabi mong mahal moko,Pero NADUROG AKO!nung gabing tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mong "Tapos na tayo.." Mahal bakit tayo nagka ganito?Nangako ka na hanggang sa dulo ay hawak mo parin ang kamay ko pero ngayon,ikay sumusuko na,samantalang Ikaw rin naman ang unang nagsabi ng "MAHAL KITA" " Magang maga na yung mga mata ko sa kakaiyak,napatingin sya sakin,yung tinging gusto nya kong lapitan.

DI ko na kaya,Ayoko nang masaktan,siguro hindi ko nga deserve maging masaya.

Tapusin ko nalang kaya to?

Lumabas nako ng bar hanggang sa 


"ATE MISS!"  


==================================================================================

Cut!!! hahah bitinin ko muna kayo guys ^_^

First time ko to! hope you like it :)

-Author





Forever And Always❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon