001: The Ugly Sister

6 0 0
                                    

" No matter how many times you tell me I'm pretty, I know I'm ugly as shit"

------------------

9:12 na ng umaga.

Kakagising ko lang din.

Ni hindi manlang ako ginsing ng nanay ko.

Baka mag sawa na sya sa tulad kong tulog mantika.

Lagi naman akong ung taong mabilis pag sawaan...

Nakakasanay na din...

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko. Pero wala pa akong balak lumabas sa kwarto.

Dito muna ako.

Magmumuni-muni tungkol sa mundo...

Hanggang sa tuluyan ng lumipad ang utak ko sa napaka layong lugar...

Ng matapos ng lumipad ang utak ko sa napaka layong lugar...

Tumingin ulit akl sa orasan.

9:45 na.

Tumayo na ako sa kama ko atsaka dumiretso sa banyo para mag toothbrush.

Pagkatapos nun ay dumiretso ako sa kusina kung saan ko nakita ang nanay na nag luluto pa..

"Kumain ka na. Nakahanda na ung pagkain mo sa lamesa." saad nya

Ni wala manlng good morning. Tsk.

Hindi ako sumagot at dumiretso lang sa lamesa katulad ng sinabi nya.

Pero kinuha ko lang ang plato ko atsaka dumiretso sa sofa at dun kumain.

Hindi ako sanay na sa lamesa kumakain.

Kaya siguro, paunti-unti, lumayo na ang loob ko sa pamilya ko. Ganun din sila syempre.

Tahimik lang akong kumakain habang nanonood ng tv.

Ng matapos na akong kumain ay nilagay ko ang plato ko sa lababo..

Naririnig ko silang nagtatawanan sa lamesa.

"Mamaya ay hugasan mo ang mga plato ha. " sabi ng nanay ko.

Napansin nya pala ang presenya ko. Himala.

Tinunguan ko lang sya.

Bumalik ako sa kwarto ko.

Hay... Ano na ngaun?

Ano nang gagawin ko??

Napagisip-isip ko na manunuod nlang ako ng anime.

At nung halos nasa kalagitnaan na ako sa pinapanood kong anime ay may biglang kumatok sa pinto ko.

"Nak. Maghugas ka na ng plato at maghanda ka na ng gamit mo."

Kinunutan ko lng ng noo ang nanay ko.

"Saan tayo pupunta? " tanong ko

"Bibisita tayo sa mga pinsan mo. "

Patay. Makikita ko nanaman mga tita ko. Bwisit. Ayoko. Hindi ko panareready ang sarili ko sa mga maririnig ko mamaya.

Pero medyo nasanay na ako..

Wala naman akong choice eh..

Lagi naman eh..

Nang sinara ng nanay ko ang pintuan at napabuntong hininga nalang ako...

Ano nanaman kaya ang maririnig ko this time?

Hay...

Katulad ng sinabi ng nanay ko ay nag hugas na ako ng mga pinagkainan namin.

Pagkatapos ay nag handa na ako ng mga gamit ko at naligo.

Nang na handa ko na ang lahat ng gamit ko, since wala naman akong gagawin, nag fb nalng ako.

Nagulat ako dahil may nag send saakin ng frieng request.

J-VI dela Fuente

Accept Ignore

Balak ko pa sana syang i-stalk kaso tinawag na ako ng nanay ko. Aalis na daw kami.

Kaya in-accept ko nalang

Tapos..

Natulog lang ako sa buomg byahe.

--sa bahay ng mga pinsan ko--

"Hello po titaaa~~" bati ng mga pinsan ko kay mama sabay mano.

"Uy! Ang lalaki nyo na ah.. Nung huli ko kaung nakita hanggang balikat ko lang kau. Pero ngaun mas matankad pa kau saakin.. " sbi ni mama.

Tsk. I don't wanna here their bullsh*t talk.

So I just walked away.

Papunta na sana ako sa sofa ng makita ko si tita.

"Ay jusko!! Ikaw na ba yan pamangkin ko?" tuwang tuwang sbi ni tita.

Ngumiti nalng ako. Ung peke.

"ahaha syempre po tita Melisse. Ako ho 'to."

"Jusko ang tangkad tangjad mo na. Nung huli kitang nakita halos wala ka pa sa balikat ko, ngaun tignan mo!" sbi ni tita sabay beso saakin at yakap pa.

"Nasaan nga pala ung kapatid mo, si Spade? "

Tsk. Nandito na nga ako, iba pa hinahanap..

Lagi nalng...

"Ah.. Si kuya Spade po ba? Nandun pa po ata sa kotse. Kinukuha ung iba pang gamit. "

"Kayo ba'y magtatagal dito? "

"Gusto nyo na po ba kaming paalisin? " tanong ko ng pabiro.

Baka sabihin ni tita masyado akong seryoso.

"Juskong bata talaga 'to oh! Para kang nanay mo. Palabiro. Ahahahha"

Talaga lang ha..

Para akong nanay ko?

Palabiro?

Impossible.

"Ah! Eh si Sia? Asaan?" tanong ni tita

Sasagot na sana ako ng hindi ko alam kaos biglang sumulpot si Sia. Ang nakababata kong kapatid.

"Tita~~~ namiss ko po kayo~~" sbi nya sabay yakap kay tita sa legs.

Bata palang ksi sya kaya maliit pa sya.

"Aww grabe naman ang ka-cutan mo!! Ang ganda ganda talaga ng pamangkin kong ito! Mas maganda ka pa sa ate mo"

Ni minsan walang nag sabi saakin na maganda o cute manlang ako.

Pero pag dating kay Sia. Kulang nalng buong mundo mag sabi na keso maganda daw sya na keso cute daw sya at kung ano ano pa.

Nung una nasaktan talaga ako.

Pero nakaksanay na nga rin kasi eh..

Kaya parang normal nalng saakin kung minsan...




I AM the ugly sister

Lagi naman eh...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I amTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon