Chapter 2

4 0 0
                                    

Agnes' POV

Haay.. Eto ako ngayon sa jeep, pauwi na. Kasama ko si Yanna ngayon, sabay kasi kaming mag iisip kung pano ibibigay ang libro bukas dun kay Mr. Libro.

"Agnes, hindi ba magagalit ang step mother mo?" Tanong sakin ni Yanna

"Hindi noh, mabait yun. Di naman katulad yun ng step mother ni Cinderella na ubod ng sama." Sagot ko naman

Yes.. Di po siya ubod ng sama katulad ng kay Cinderella, actually sobrang saya niya nga kausap eh. Tinuturing niya ako anak katulad nung kambal, buti nga nakapili ng matino si Daddy eh. Yung kambal lang ang may ayaw sakin, kasi lahat nalang daw inagaw ko sakanila. Ni wala nga akong inaagaw eh, meron ba?

"Ahh kala ko naman katulad nung kay Cinderella eh. Anyways.. Kamusta naman trato ng kambal sayo?"

Sabihin ko bang hindi okay? Sabihin ko bang sobrang sama nila sakin? Sabihin ko nalang, baka magalit pa siya sakin.

"Hindi okay eh, akala kasi nila inaagaw ko sakanila lahat." Sagot ko kay Yanna

"Haynako teh, bakit kasi ayaw mong isumbong sa step mother mo para matauhan yung kambal."

"Di ko naman magagawa yun kasi mga anak niya sila, siyempre baka pumangit yung tingin ni step mother sakin. Anak niya din ako, kaso kay daddy lang. Di niya ako tunay na ako, di siya yung nag luwal sakin sa sinapupunan kundi yung kambal."

Napaisip naman si Yanna..

"You have a point."

Nakauwi na kami ng bahay, pinaghandaan pa nga kami ni Step Mother ng meryenda eh. Pag ka akyat namin ng kwarto ko, humiga agad ako para mag isip kung pano ko ibibigay. Siguro tama na din yun na kay Tatay Jo ko ipapabigay kesa naman ako in personal pa.

"Haay.. Anyways.. Tignan ko muna yung libro kung may pangalan niyang nakalagay dun para may ebidensya akong sakaniya nga talaga yun."

Kinuha ko ang bag ko para makuha yung libro. Kaso.. Kinalkal ko na nang kinalkal yung bag ko, pero bakit wala? Lumaki yung mata ko..

"Oh? Bakit ganyan mukha mo?"

"Yanna..."

"Bakit?"

"Nawawala yung libro.."

Lumaki na din yung mata ni Yanna halatang gulat.

"Sht, Ano?!"

"Nawawala yung libro!!!"

Natataranta na kami, hinanap namin sa kalsadang dinaanan namin kanina pero sa subdivision lang kasi baka kung ano mangyari samin sa labas.

"Akala ko ba iniwan mo sa bahay?! May pasabi sabi ka pa sakaniya na "It's at home kasi eh.""

Ginaya niya pa talaga yung pag kasabi ko ah.

"Di ko naman pwedeng iwan yun, pangpalipas oras ko kaya yun!! Sinabi ko lang yun para di kami makapag meet agad agad, pag sinabi ko na dala dala ko edi hihingiin niya agad yun sakin!! Ayaw ko nun di pa nga ako tapos sa ilang chapters eh."

Pasigaw kong sagot sakaniya.

Nasan na kaya yung libro, pano pag nakuha niya na pala? Okay na kung siya nakakuha pero pano kung iba? Pano kung hindi na ibalik sakin yun? Ang mahal mahal pa naman ng librong yun tapos diretsong bigay lang agad sakaniya?

"Girl napaisip ako.. Pano kung destined pala talaga kung bakit nawawala yung libro.."

"Ha? Anong pinagsasasabi mo Yanna? Tigil tigilan mo ko sa mga fairytales mo. Walang ganyan."

"Nako, di pa kasi ako tapos noh? Kaya nawawala ang libro kasi baka destined na yung makakakuha nun eh si Prince Charming mo na pala diba? Pano kung bukas sa school ibigay niya na yun? Sasabihin niya "Are you Agnes Lobos?" Tapos sasagutin mo siyang "Oo,bakit?" Tapos iaabot niya sayo yung libro at sasabihin niyang "Naiwan mo nga pala sa ano etong libro. Btw, ako nga pala si Prince Charming mo, nandito ako para ibalik sayo ang librong nahanap ko." AHHHH!! Nakakakilig diba? Tapos ang Tangkad pa niya, Basketball captain, athletic, chinito, medyo moreno. Haay Agnes, nakikinita-kinita ko na."

Grabe naman tong imagination netong babaeng to, wala namang ganyan noh?! Ayaw kong magexpect baka masaktan lang ako. Di na ako katulad nung dati na naniniwala sa mga fairytales na ganyan, after akong saktan ng ex ko kasi meron na siyang iba. Akala ko siya na si Prince Charming at akala ko siya na din ang Forever ko pero hindi pala. Manloloko kasi siya. Tapos babalik balik siya sakin after siyang lokohin naman ng girlfriend niya? Seryoso? Karma na yun sakaniya.

"Huy teh! Tulala ka nanaman diyan, ano bang iniisip mo?"

"Wala.."

"Hulaan ko, iniisip mo nanaman si Kenzo Go?"

"Sino si Kenzo Go? Wala naman akong kilalang Kenzo Go sa buhay ko."

Sige Deny pa Agnes. Maganda yan.

"Nako teh, ex mo po yun baka nakakalimutan mo."

Nakalimutan ko na talaga.

"Wala naman akong maalala."

"Pwe, ang sakit sa tenga ng pag sisinungaling mo, di bagay. Makaalis na nga."

Umalis na ng kwarto ko si Yanna.. Haay, makahiga nalang at makatulog. Bukas ko na iisipin yung sa libro, magsosorry nalang ako kay Mr. Libro kasi naiwala ko yung sinasabi niyang "libro" niya daw na saakin naman talaga.

AN: Hello po, sino kaya yung Mr Libro na yan? Hmm.. Tsaka nasaan na ang librong hinahanap nina Yanna and Agnes? Patay na!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not A Typical Love StoryWhere stories live. Discover now