Chapter 1: I'm hopeless

45 2 0
                                    

Ilang beses ko na syang nakikita sa panaginip ko.Pero sa twing gigising ako,pakiramdam ko parang totoo na nagkita kami.. Sino sya? Hindi ko rin kilala..

Isang babaeng palagi ko nalang nakikita sa panaginip ko.. Sa tuwing nagkikita kami, parang totoong nag-eexist sya sa mundo ko.. pero kapag nasa reality naman ako.. hindi ko naman sya nakikita..

" Hoy! Renz.. Aba! Tulala ka nanaman jan pre'? Anong meron? Babae ba?? Si DreamGirl ba yan? " Sabi ni Tonton.Sya yung bespren ko.Oo,alam nya yung tungkol dun..bespren nga diba? Sinasabi ko kasi sa kanya yung tungkol sa panaginip ko dun sa babae.. At DREAMGIRL ang tawag nya dun.. Shunga?

" A-ah? Wala..wala.. sige,tuloy na natin.. Ano nga palang sunod?" Tanong ko.Gumagawa kasi kami ng project sa AP.

" Wala ng susunod! Tapos na kaya tayo! At thank you pre' ! You're such a big help.. Congrats!" Sarkastikong sabi nya.. Shunga?

" Ahh.. ganun.. sige pare.. welcome.. Uwi na ko.. babye!" Pag-papaalam ko sa kanya..

Ako si Reny Renz Lazaro. Ang astig ng pangalan ko no? Kasing astig ko. Charot..

3rd year highschool na ako.Oo,masyado na bang gwapo tong' mukha ko para di mahalatang 3rd.yr. palang ako? Joke lang naman.. 16 na ako.. Magulang ko? Wala na.. patay na sila.. Sa isipan ko.. ang sabi kasi saken ng mga kapitbahay namin dati, nung baby pa daw ako.. ang cute ko.. Di,joke lang ulit yun. Pero totoong cute ako kaso di yun yung ikukwento ko.. XD

Nagkasunog daw sa bahay namin at di na daw natagpuan ang bangkay ng magulang ko.. Which means.. nakatakas sila.. hindi naman kasi natupok yung bahay namin.. tapos ako, niligtas ako ng bumbero.. alangan namang Doctor? XD.

nasa ilalim kasi ako ng kama.. alam nyo na.. mahilig gumapang kapag baby diba? XD. Tapos.. di na daw nila nakita yung mga magulang ko after nung insidente.. Kaya inampon ako ng isa sa mga kapitbahay namin.. Galing no? May nagmamalasakit din pala samin? Buti nalang.. Gwapo't cute ako.. XD.

" Oy! Anong babye? Eh diba iisa lang direksyon natin? Ano ka ba pre'! pati ba naman kapatid slash bespren mo kinakalimutan mo na dahil jan sa kakaisip mo sa DREAMGIRL mo? Walang ganyanan pre'... " Sabi ni Tonton habang hinahabol ako.. Oo, iisa lang bahay namin.. dahil sila ang umampon saken.. bale parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.. Diba? Ang saya?

-------- Pero minsan.. naisip ko..

Pano kung makita ko pa ang magulang ko?

Pano kung totoo yung babaeng mukhang Anghel sa panaginip ko?

Sino sa kanila ang totoo at magkakatotoo?

I'm so hopeless.. Yet.. still hoping for nothing..

My Fearless AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon