3rd

86 5 6
                                    

***

K E I K O

Tapos na kaming kumain at si Eos ang nag offer na siya na daw ang maghuhugas ng pinagkainan.

pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na maghugas si Eos at nandito na kami sa sala at sisimulan ko na ang pag e-explain. Hindi na maaaring tumalikod pa.

"So, Eos. Saan mo nakuha ang pangalan mo?"

"Hmmm. Saan nga ba?" Saglit syang napatigil at nagisip. "Ah! Noong bata ako ang tawag sakin ng mga tao ay 'totoy'. Hanggang sa isang umuulan na gabi, may sakit ako noon, inaapoy ako ng lagnat. Nakaupo lang ako noon sa loob ng isang maliit na kuweba. Medyo nanlalabo na ang mga mata ko noon ng may maaninag ako na isang tao na naka-kapa." Sabi niya tapos umayos ng upo.

" Lumapit siya sakin at hinawakan ang noo ko. Tumagal iyon ng ilang minuto at habang tumatagal may kakaiba akong nararamdaman. Yun bang parang pinapalakas niya ako. I know it's weird at baka hindi kayo maniwala pero ganun talaga ang nangyari. Hanggang sa luminaw ang paningin ko at nakita ko ang mukha ng isang babae na matanda at ngumiti ito sakin at sinabing 'Magiging maayos din ang lahat, Eos' sabi niya sakin at doon na ako nakatulog pero simula noon, nag iba na ang tawag nila sa akin. Sadyang nagulat talaga ako noon dahil ang dating tumatawag sa akin ng totoy ay naging Eos." Pagtatapos niya sa kwento niya at hindi mawala ang pagka mangha sa storya niya.

"Wow! It's magical! Ang galing naman!" Tuwang tuwang sagot ni Aya

"I wonder who that lady is." I said mahina pero alam kong narinig nila.

"Totoo bang naniniwala kayo sa kinuwento ko? O pinagtriripan niyo lang ako?" Sabi naman ni Eos

"We believe you. I, myself, believe in magic. Why? Simply because it does exist." Sabi ko ng nakangiti

"Me too! Me too!" Sagot naman ni Aya

"Thank you." Sabi ni Eos na nakangiti na sa amin ni Aya

"How does it feel to have magic noh? Parang ang cool!" Sabi ni Aya

"We have magic. Tayong tatlo." Sabi ko.

"What?" Sagot ng dalawa habang natatawa.

"Ako, ikaw Aya at Eos ay may mahika." Sabi ko.

"Imposible!/That's impossible!" Tuluyan nang tumawa ang dalawa.

"Nothing is impossible." I said saka nag smirk at itinutok ang kamay ko sa kanilang dalawa na hanggang ngayon ay tumatawa.

Sinimulan ko na silang palutangin.

"Why don't you see for yourselves?" Nakangisi kong sabi.

Napatigil naman yung dalawa at napatingin sa akin at sa inupuan nila kanina. At paulit ulit na ginagawa nila yun hanggang sa nagkatinginan sila at yumakap sa isa't isa.

"Kyaaaaaaaaaah! Keikoooo! Tulungan mo kamiiii! Kyaaaaaaaaaah!" Tili ni Aya na halos maiyak na.

"Waaaaaaaaahhh! Keiko naman eh! Ano ba 'to! Ibaba mo na kami!" Takot na takot naman na sabi ni Eos.

Naawa naman ako kaya unti unti ko na silang binaba habang tumatawa.

"Now do you believe me?" Natatawa kong sagot

"P-p-paano m-m-o i-iyon n-nagawa?" Sabi ni Aya na gulat pa rin.

"That... That.. T-that w-was Cool!" Sabi naman ni Eos na manghang mangha

"Telekinesis. Special Ability ko." Sabi ko.

"Special ability? Meaning may pinaka power ka pa?" Sabi ni Aya na nakabawi na at naka-focus na sa akin.

Reborn of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon