2nd

77 4 5
                                    

***

K E I K O

Naglalakad kami ni Aya sa daan papunta sa bahay. Malapit lang kasi ang eskwelahan sa bahay kaya hindi ko na ginagamit ang kotse ko. Medyo malalim na ang gabi. Tantiya ko nasa mga 8 o’clock na ng gabi. Late na rin kasi ang last subject na namin na yun.

Medyo malapit na kami sa subdivision namin ng may maramdaman ako.

Kakaiba.

Katulad ito ng naramdaman ko kay Aya nung una kaming mag kita.

Does it mean na nakita ko na ang isa pa sa hinahanap ko?

Malapit lang ang presensya niya, pero bakit hindi ito nagpapakita?

Maaari kaya na kilala na niya ako at minamanmanan ako? Pero imposible! Wala pang nakaka—

“Aaaahhhhh!” Narinig kong sigaw ni Aya.

Napalingon naman ako sa kanya at nagulat sa nakita ko.

May lalaki na may hawak na isang dagger at nakatutok sa leeg ni Aya.

“Kung ayaw niyo pa mamatay ibigay niyo sakin ang pera at gadgets niyo! Ngayon na!” Sigaw ng lalaki. Tingin ko kasing edad lang namin siya ni Aya.

“Bibitawan mo ang kaibigan ko o masasaktan ka?” Simple at walang emosyon na sinabi ko.

“Please Kei. Ibigay mo nalang. Baka masaktan ka pa.” Sabi ni Aya.

“Makinig ka nalang miss. Di mo alam ang kaya kong gawin.” Nakangising sabi niya.

Ako naman napatawa ng bahagya at sumeryoso ulit.

“No, Hindi mo alam ang kaya kong gawin.” Pagkasabi na pagkasabi ko noon mabilis na lumapit ako sa kanya at nilayo ang dagger sa leeg ni Aya at binato ito at malakas na tinulak ang lalaki.

“Tss. Too slow.” Naka-ngising sabi ko.

Mukha naman siyang nagalit.

Tsk. Gwapo sana.

Paano kaya to mapapatino?

At nakaramdam ako bigla ng kakaiba.

Sabi na nga ba.

Lalo akong napangisi.

“Ano ngini-ngisi ngisi mo diyan? Naga-gwapuhan ka sakin? Sus lahat nalang ng babae sinasabi yan.” Sabi niya ng unti unting tumatayo at nagbabanat ng buto.

“Mukha ka kasing asong ulol. Ganito. Let’s have a deal. Kapag natalo mo ako ibibigay ko na lahat ng kayamanan ko sa iyo pero kapag nanalo ako, sasama ka sa amin sa bahay at sasagutin lahat ng katanungan ko. Ano? Deal?” Tanong ko nang nakangisi parin.

Si Aya naman nasa sulok at parang na-trauma sa ginawa ng lalaking ito.

Tss. She needs to learn a lot.

“Sabi na nga ba may pagnanasa ka sakin. Tss. Kahit matalo ako pabor pa rin sakin at saka, hindi ka naman mananalo sa akin eh.” Sabi niya ng tumatawa tawa pa.

Reborn of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon