Prologue

18 2 0
                                    

I don't know how many times i held my breath and tears while watching my boyfriend and my bestfriend kissing..

"J-josh...." pabulong ko ng sabi

gulat na gulat silang humarap sa akin "T-tracy..." nauutal niyang sabi

Lumapit ako sa kanya sabay sampal

"Nangako ka na maghihintay ka, nangako ka na pag handa na ko, may babalikan ako sayo, pero ano to Josh?!" naiiyak kong sabi sa kanya sabay hampas sa dibdib niya

"Hindi ko ginusto yun" nakayuko niyang sabi

"Hindi mo yun ginusto? Hindi yun mangyayari kung hindi mo ginusto!" iyak kong sabi sa kanya

Tumakbo lang ako ng takbo kahit malabo na ang paningin ko, kahit sobrang lakas na ng ulan.

"GUSTO KO NG MAMATAY!!!!!!!!!!"

"ANO BANG MERON SIYA NA WALA AKO? BINIGAY KO NAMAN LAHAT NG MAKAKAYA KO AH! PERO BAKIT NAGHANAP PA RIN SIYA NG IBA?!!!!!!!!"

"AYOKO NG MABUHAY!!" sigaw lang ako ng sigaw

umuwi ako ng basang basa at pulang pula ang mga mata ko.

"Anak, Anong nangyari sayo? Jusko po!" natatarantang sabi ni mama

niyakap ko ng mahigpit si mama

"Ma, Ang sakit sakit na. Umalis na tayo dito ma, magpakalayo layo na tayo. Ma sundan natin si papa" iyak lang ako ng iyak habang sinasabi ko kay mama ang nangyari.


kakalimutan ko siya-- sila, magiging palaban at babawian ko sila, lalong lalo na si Christian Josh Padilla.

Second ChanceWhere stories live. Discover now