Ang ikatlong Prinsipe

19 0 0
                                    

dahan-dahan niyang nilalaro ang mga mapipinong kulay gintong buhangin sa kaniyang mga kamay habang pinag-mamasdan ang unti-unting pag-lubog ng araw, hanggang sa napalingon siya sa kaniyang likuran nang marinig niya ang sigaw ng isang babaeng labis na humihingi ng paumanhin, agad siyang tumayo at tinungk ang kinaroroonan ng kaniyang narinig.

Mula sa malayo ay nakita niyang nakatayo ang tatlong lalaki habang sinisipa ng isang binatilyo ang isang babaeng may katandaan na ang hitsurana naka halandusay sa sahig, habang nagmamaka-awa pa ang isang dalagang nakaluhod na katabi ng matandang babae.

Nakita niyang binulungan ng matandang lalaking may maigsing balbas ang binatilyo na tuloy pa rin sa pag-sipa sa matandang babae, lumingon ang binatilyo sa isa pang lalaki na mas matangkad sa dalawa na may mas malaking pangangatawan na nakasuot ng pang-kawal na kulay pilak na agad dinampot ang braso ng dalaga at sapilitang itinayo at pagkatapos ay agad na sinuntom ang mukha nito.

Tumawa ng malakas ang matandang lalaki at sabay bulong sa binatilyo na agad lumuhod at sabay pinunit ang buong kasuotan ng dalaga, sumigaw ang matandang babae para patigilin ang hinatilyo ngunit natigil siya ng bigla siyang sampalin ng matandang lalaki.

Sumikip ang kaniyang dib-dib na para bang dinudurog habang pinagmamasdan ang gingawa ng binatilyo sa dalawang babae dahilan upang lumapig siya at hinde niya namalayang bumuka ang kaniyang bibig hanggang sa napahinto siya ng masabi nya ng malakas ang "itigil nyo yan!"

Lumingon ang matandang lalaki at ang lalaking naka-pangkawal na kasuotan kasunod ang binatilyo at nang maaninag niya ay halog nakabalot ng mga gintong palamuti ang buong katawan.

"Mahal na prinsipe, ang inyong kapatid,"
Sambig ng matandang lalaki sabay ang pagpunta nito sa likuran ng binatilyo, dahan-dahan iton tumayo sabay ang pagtulak sa babaeng halos wala ng matirang saplot sa katawan.

Mas malaki sa kaniya ang binatilyo ng ilang dangkal, maganda ang pangangatawan na halatang sabak sa pagsasanay sa pakikipaglaban, unti-untk itong lumapit hanggang sa kaniyang harapan.

"Anong klaseng lakas ng loob ang dumapo sa iyo upang sabihin o paki-alam ang ginagawa ng susunod mong hari?"
Wika nito sa kaniya sabay duro nito ng madiin sa kaniyang dibdib habang nag kakalinsingan ang mga alahas na ginto sa kaniyang braso.

"Mali ang iyong ginagawa, mahal na prinsipe"
Mahina niyang banggit habang nakikita niyang dumadami na ang mga taong naka-tingin sa kanila.

"Mali ang ginagawa ko? Kahit ano puwede kong gawin sa mga alipin! Sa aking mga alipin!, at wala ka sa puwesto para sabihin yun! Ikaw na hampas lupa!"
Pasigaw na wika nito habang lumilingon sa mga taong nanunuod sa kanila sabay tulak ng malakas sa kaniya.

"Addai...addai...addai! Wala kang karapatan na kahit na ano sa kahariang ito!"
Wika pa nito habang dinuduro-duro ang kaniyang mga mata kasabay ang kalinsingan ng mga alahas nito sa braso.

Hinde napigilan ni Addai ang kaniyang sarili ng biglang kumilos ang kaniyang mga paa at agad itinulak ang prinsepe dahilan upang mapa-upo na agad namang lumapit ang matandang lalaki at ang lalaking may malaking pangangatawan at agad siyang inalalayang tumayo.

Tumayo ang prinsipe at pinag-pagan ang kaniyang mahabang kasuotang kulay puti na may mga linyang ginto, kasabay ang pag ayos ng kaniyang buhok at tumingin sa kaniya ng deretso nang may mga matang nangangalit, sabay ang pag-bulong sa kaniya ng matandang lalaki.

"Malakas ang loob mo para gawin yun, hinde ko palalagpasin ang ang kawalang galang na ginawa mo sa akin, kahit na anak ka ni ama."
Wika ng prinsipe habang naglalakad patungo sa kinatatayuan ni Addai.

"Marahil ay hinde mo pa nakikita ang aking kapangyarihan"
Wika pa ulit nito sabay ang pagliyab ng kanang kamay nito, dahilan upang mapa-atras ang mga taong nanunuod sa kanilang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE ANCIENT WARRIORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon