Mahal naman kita(one shot)

48 3 0
                                    

Lagi nalang akong mali para sayo. Lagi nalang ako yung masama para sayo. Lagi mo nalang binabalewala lahat ng ginagawa ko para sayo. At laging hindi mo pinapaniwalaan ang nararamdaman ko para sayo. Mahal naman kita. 

***

"Mahal na mahal ko siya! Bakit ba hindi mo maintindihan yun? Bakit kailangang iba pa ang mahalin niya? At bakit ba wala kang ginagawa para mahalin din naman niya ako?"

Ayan ka na naman sa kadramahan mo. Buti pa siya, mahal na mahal mo, eh pano naman ako? Tapos ngayon sinisisi mo pa ako. Bakit naman ako gagawa ng paraan para maging kayo? May mas lalaking karapat-dapat pa naman sa pagmamahal mo. Hindi yung katulad niya, dahil alam ko yung makakabuti sayo. Bestfriend mo kaya ako.

--

Umiiyak ka na naman. Hindi mo ba alam, nasasaktan din ako. Lalo na ng sinabi mong "Wala namang nakakaintindi sakin. Wala namang gustong makinig sakin. Ang sakit naman, sarili ko lang kakampi ko ngayon."

Binalewala mo na naman ako. Nakalimutan mo bang nandito lang ako? Yung dakilang listener mo.

--

Napangiti naman ako ng makitang sumaya ka sa regalo ko. Hindi ako nagkamali, alam ko talaga ang gusto mo at ok sayo.

Pero bakit nasaktan ako ng wala man lang nareceive na thank you mula sayo. Hindi mo ba alam na 'mas' pa ako sa santa claus mo?

--

Bumagsak ka sa exam mo. Nagalit ka na naman sakin dahil sabi mo hindi kita tinulungan sa pagrereview.

Tinulungan naman kita, hindi mo lang napapansin kasi hindi ka rin nagtiwala. Hindi mo ko pinaniwalaan.

Ako yung nagtuturo sayo at nagbibigay ng karunungan sayo. Kailangan ko lang ng tiwala mo. Ako kaya ang best teacher mo.

--

JS prom niyo, sakto nagkasakit ka pa. Akala ko maaalala mo na andito lang ako para tulungan ka pero binigo mo na naman ako. Nauna pa ang doctor kesa sakin.

Ok lang naman na gamutin ka ng doctor pero sana ako yung unang hiningan mo ng tulong para mas mapabilis ang paggaling mo.

Nakalimutan mo na naman siguro ako. Yung healer mo.

--

Nagkaroon ka ng boyfriend, ang masama niloko ka pa.

Sinisi mo na naman ako, wala naman akong ginagawa na masama sayo. Ginawa ko lang naman ang mas makakabuti sayo. Masyado ka pang bata para seryosohin ang pakikipagrelasyon. Pati nga ako pinabayaan mo na.

Nakalimutan mo ngang pag minahal mo ako, hindi kita sasaktan kailanman. Ako kaya ang best lover mo.

--

Sa lahat ng ginagawa ko sa buhay mo, hindi mo pinapansin. Puro nalang negative ang narereceive ko galing sayo. Nasasaktan na ako alam mo ba yun? Sabagay wala ka naman atang pakialam.

Lahat na ngang pagpapansin ginawa ko na para mapansin mo. Kulang nalang sigawan kita at sabihing, kilalanin mo naman ako. Pero wala pa rin, ang bingi mo pa rin, bulag ka pa rin.

Pati nga yung paghihirap ko para sayo hindi mo alam eh. Ni hindi mo inalam. Ang sakit. Nasasaktan na ako.

Tapos nung isang araw, nagdagsaan ang problema sa buhay mo. At ayan ka na naman, sinisi mo na naman ako. Sinabihan mo pa akong "Hindi mo ko mahal!".

Ang sakit sakit para sabihin mong hindi kita mahal. 

Lahat na ginawa ko para sayo, kasi nga mahal na mahal kita. 

"Andito lang ako para sayo. Anak, mahal naman kita."-JESUS CHRIST

--

"YOUR WEAKNESS IS GOD's CHANCE TO SHOW WHAT HE CAN DO TO YOUR LIFE" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal naman kita(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon