"Hey everybody. We can all have some . Yeah, we can all get paid." Good morning. Rise and Shine.
5SOS why? Na-LSS ako its been two weeks. Hey Everybody. Gods.
Ang hyper ko sa di malamang dahilan. I think because it's the first day of christmas vacation. Cold breeze is in the air. Hoo lamig.
Di ko ugali ang pagsususklay ng buhok kapag bagong gising. Basta ang gusto ko babangon ako sa kama then I will bun it.
As morning rituals, I walk directly to the c.r. washed my face, and brush my teeth.And go downstairs.
Dumiretso na ako sa kitchen, as expected nagluluto na si Yaya Nay ng "Pancakes? Good morning Yaya nay. Tulungan ko na po kayo."Saad ko.
Sabay bukas ulit ng ready to mix pancake kasi for sure, ang isang medium size box nito, kaming tatlong magkakapatid pa lang ubos na!
" Good morning din Hija. Aga nating magising ah!" utas nito. Habang fli-nip over yung pancake.
"Ganun daw po talaga kapag maganda." I giggled. Pabiro kong sabi sa kanya, as I pour it on the mixing bowl and mix with spatula.
"Loko ka talagang bata ka." sabi niya na may halong pag-iling-iling
Plain pancake nanaman. Blueberry pancake yung favorite ko. Pero nakakasawa din.
Favorite? Tapos nakakasawa. Imba talaga ako! Hahaha
Makapag-experiment nga!
" Yaya nay, asan po yung malunggay?"
"Malunggay? Bakit? Huwag mong sabihing ihahalo mo diyan." giit niya na 'di makapaniwala. Sabay ngumusong itinuro yung mini-mix ko. HAHAHA
"Opo." as I gave her a grinned look.
"Hay nako. Itong batang 'to." hanggang sa inabot niya sa akin yung dried malunggay leaf na nakalagay sa tupperware.
" Dalaga na po ako!" pagtatanggi ko. Saka tuluyang inihalo ito.
" Kung sa bagay, Katorse ka na." pagsasang-ayon nito sa akin." Ikaw na dito gigisingin ko lang mga kapatid mo"
I just nodded as a response to her. Ano kayang magiging lasa nito. Af.
--
"What is that, ate?" maarteng tanong ng kapatid kong si Liana. The youngest spoiled brat of the family. Habang linalagyan ng maple syrup ang kaniyang pancake.
" Malunggay pancake, wanna try? Promise masarap." totoo masarap. Malagyan nga ng maple syrup.
" Kadiri ka ate." di makapaniwaalng saad ng kapatid kong lalake si Kelvin, sumunod sa akin. Lakas makahakot ng chicks niyan Grade 5 palang. Gwapo daw? daw. Saka linagyan ng fresh milk yung baso niya.
" Pa, kita mo si ate, may kabaliwan na namang ginawa, may-green green yung pancake niya."Kelvin said. Na agad na mang sinang-ayunan ni Liana.
Tsk. Aarte ng mga to! Eh masarap kaya.
" Di ah, tikman mo pa masarap 'tong experiment ko!" pagtatanggi ko saka ilinigay yung pancake sa plate ni papa at linigyan din ng fresh milk yung baso niya.
Ako na ang pinaka-sweet na anak. Ganon talaga kapag may kailangan. Para payagan niya ako sa pupuntahan ko mamaya. Sshh.
" Anong kalokahan na naman 'yan. Kaithe." saka dali-daling tinikman ito.
" Masarap naman pala. Alien ka talaga 'nak" saka giniya ako na lagyan ng maple syrup yung pancake!
Sabi san'yo eh masarap.