Chapter 4: Testing Challenges Last Day (2nd part)

5K 128 2
                                    

Chapter 4

Testing Challenges Last Day (2nd part)

(Ui Nagemi's point of view)

Nagkatunganga lang ako dito habang pinapanood silang maglaban lahat. Ang hirap humarap at tumingin sa kanila dahil nasa mag kabila talaga silang part ng challenge field.

Napapansin kong laging magkaparehas ng atake ang mga kalaban nila sa kanila dahil hindi nagbibigay ng sign or kahit ano yung mga kalaban nila pagumaatake. Parehas din na umiiwas sila Kaiko.

Naisipan kong  magtelepath ako sa kanilang dalawa pero hindi ko nalang ginawa kase baka mawala sila sa concentration dahil sa akin. Napatingin ako sa kalaban namin na back-up lang din.

Nahalata ko na nakatingin siya sa aken. Ngumiti siya pero may something na hindi maganda akong naramadaman. Dahil doon napatingin tuloy ako kay Shai at napansin kong nasa sahig na pala at ang daming sugat ganon din si Kaiko.

Napansin yata ni Shai ang pagaalala ko kay ngumiti siya at gumulong para maiwasan ang atake ng kalaban niya.

Napatayo siya ng makaiwas siya at nag teleport sa likod ng kalaban kaso naramdaman yata ang presence ni Shai kaya napatingin siya sa likod at naghagis ng fireballs kay Shai pero nakaiwas kaagad siya at naglabas naman ng wind shield kasabay ng wind eagle niya.

Naglabas naman ang kalaban niya ng fire phoenix. Para ang maglalaban lang ay ang mga summon nila parang nung 1st challege nila Kaiko at Narchi.

Napatingin ako kanila Kaiko at ganon din. Nilabas ni Kaiko ang earth lion at sa kalaban naman niya ay water dolphin. Sa event nato puwede ka magsummon ng kahit anong gusto gamit sa element mo.

Napansin kong naglabas din ng summon ang kalaban ko ng earth tiger. Dahil back-up kame puwede namin depensahan ang aming mga kakampi. Nag summon din ako ng air hawk ko para maprotektahan sila Shai.

Nabaling ang tingin ko sa lakas ng earth wave na galing sa earth lion ni Kaiko. Tumalon lang ang kalaban niya sa ilog at doon tumayo. Wala naman siya magagawa o tutungtungan dahil lahat ng yan may bahagi ng lupa.

Naglaho ang earth lion ni Kaiko at ngumiti naman ang kalaban niya at pinasugod ang water dolphin niya kay Kaiko. Nang 1 inch nalamang ay biglang natunaw si Kaiko at naging lupa ang katawan nito. Halata sa mga mata ng kalaban nanagtatanong kung anong nangyari at luminga-linga sa paligid para hanapin si Kaiko.

Hindi niya napansin ang pagbukas ng  lupa sa likuran niya. Lumabas mula doon si Kaiko pati narin ang earth lion niya na may mga tinik ang buong katawan.

Tumalon ang earth lion ni Kaiko sa water dolphin at dumaan ito sa katawan at sabay silang naglaho. Halata ang paghihina ng kalaban ni Kaiko na tumingin sa kanya. 

Nakahanda naman ni Kaiko ang ginawa niyang earth rope ay para ipaikot iyon sa katawan ng kalaban niya. Halata naman na hindi handa ang kalaban ni Kaiko kaya mabilis na natali iyon at hinila.

Lumubog sila sa lupa at muling nag appear sa kanilang kaninang puwesto at makikita mo na buhat-buhat na ni Kaiko ang  babaeng water element user. Napilit kumakawala sa buhat ni Kaiko.

Tumalon naman ito kaagad at napansin kong may nagagalit. Yung kalaban ko pala. Sa tingin ko nagseselos. Nakakatuwa yung itsura niya parang gusto patayin si Kaiko ano mang-oras.

Napansin naman ni Kaiko ang init ng ulo ng kalaban ko at tumingin sa akin. He wink at me at bumulong ng spell yung ginamit ko nung 1st challenge.

 "Leporem." Mahinang sabe ni Kaiko habang nakatingin naman sa kanya ang kalaban na may mga naguguluhan na mga mata. Napangiti tuloy ako dahil lumalabas na talaga si Kyle na nasa loob niya. Matagal ko na siyang hindi nakikita.

Element MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon