Secret Admirer

42 1 0
                                    

One Shot # 2
Secret Admirer

Ilang taon na din meron akong secret admirer. Laging ang pagpapakilala nya sakin ay  from DP, pero wala naman akong kakilala na DP ang pangalan. Kaya lagi akong nag-iisip kung sino sya. Pero someday malalaman ko din kung sino sya malay natin malapit sya sakin at magustuhan ko sya.

Actually may klase kami ngayon after nito dismissal na namin. Habang naglelecture yung professor namin napansin ko na may paper na nakasingit sa notebook ko siguro galing na naman yun kay DP. Binuksan at binasa ko yung letter.

Dear Kath

Hi! Musta ka na? Hope your ok. Alam kong conscious ka kung sino ako kasi hindi lang ako secret admirer mo kundi stalker din. Pero someday makikilala mo ko at magpapakilala na din ako sa sa'yo. Hehehehe! Just want you to know. Sana napansin mo din tong siningit ko sa notebook mo kasi naiwan mo sa table mo bago mag start yung klase. Have a nice day!

Love your Secret Admirer,
DP❤️

Nagulat ako so it means pumasok sya dito sa classroom namin, pero pano yun sino kaya nakakita nun. Pero pano nya din nalaman na sobrang conscious nako, sabagay syempre di ko din naman sya kilala. Tsaka magpapakilala daw sya someday, salamat naman.

"Ms. Bernardo? What are you doing? What's with the paper?" Ayyy ang gulat ko naman tinatanong na pala ako. Lagot!

"Sorry Sir, nothing it's just from my notebook." Hahaha lakas makalusot kasi naman DP eh!

------------

Ayun di-nismmised na kami ni sir at nilagay ko na yung iba kong gamit sa locker at napansin ko meron na namang paper nakasingit at syempre binasa ko.

Dear Kath

How's your day? Is it good or bad? Kasi kung bad sino o ano ang ginawa nya o nagyari lagot yan sakin? BTW, malapit na nga pala ang prom night sana makapartner kita tsaka malay mo makilala mo na ko. Sige take care at ingat sa pag-uwi.

Love your Secret Admirer,
DP❤️

Ayy oo nga pala malapit na ang prom night. Sana talaga makilala ko na sya at makasayaw man lang. Oo nga pala aalis kami ni Mama para kunin yung gown ko para sa prom night.

------------

At ayun nga nakuha na namin yung gown at nasa sasakyan na kami nang may nakita ako na isang lalake na may sinusulat sa isang papel na katulad ng binibigay sakin nung secret admirer ko pero di ko nakita yung mukha nya.

"Kath, is there something wrong? What are you looking at?" Tanong sakin ni Mama at parang conscious na conscious sya

"Ahhmm, no Ma. Tinignan ko lang po yung gown na yellow dun, maganda po kasi eh. Hehehe." Lakas makalusot ah, hindi kasi alam ni Mama tungkol sa secret admirer ko

"Ahh, ganon ba? Gusto mo balikan natin paltan natin yung gown mo kung gusto mo?" Si Mama talaga sensitive, spoiled kasi ako pano only child ako tsaka mayaman kami may company pa.

"No Ma, it's ok next time na lang po. Maganda na naman po yung gown ko eh."

"Ahh, sige." Sagot naman ni Mama, hayy salamat.

----------after 15 minutes----------

Nandito na ko sa bahay at tumulog kasi bukas na nga pala  ng gabi ang prom night. At half day lang kami bukas para daw makapag prepare kami ng maayos at makapag pahinga din.

Umaga na pala, naghanda na ko papunta ng school pagkatapos bumaba na ko para mag breakfast at nandun si Mama nagpeprepare ng breakfast.

"Oh anak kain ka na. By the way mamaya na nga pala yung prom mo diba? Umuwi ka agad ha para maayusan ka ng maaga, half day naman kayo."

Kathniel : One Shot (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon