My True One

58 1 0
                                    

One Shot # 1
My True One

Hmm, kailan kaya darating ang 'My True One'? Kasi itong bestfriend kong si Julia meron na, si Albie. Eh ako, wala, nganga lang. Hay, kupido kailan ba tatama yan sakin?

Andito kami ngayon ni Julia sa canteen lunch na kasi namin, one hour and twenty minutes pa naman  kaya maggagala muna kami at pupunta sa library. Nang.........

"Ouch! My gosh! Ano ba yan yung uniform ko!" Nang may biglang nakabunggo sakin at natapunan ng iced tea. Pero di ko na tinignan kung sino kasi nilalamig ako dahil sa ice.

"Oh my Sis! Oh, ito ang tissue." Sabay abot naman sakin ni Julia ng tissue.

"Ay nako, sorry Miss. Di kasi ako nakatingin sa daan. Hehehe!" Sabi naman ng isang lalake, sya ata ang nakabunggo ko. Pagkatingin ko.... Parang nawala yung inis at nagkaroon ng SLOMO. Grabe ang cute nya! Nakakakilig! Napatulala tuloy ako.

"Ahhhh, Miss? Ok ka lang? Sabi naman ng lalake. Tapos nagulat ako. Pero ito na ata ang true one ko. Hayyy.

"Ahh, ok. Pero next time din tingin ka sa daan ha...."sabay look na ano yung pangalan nya.

"Ahhh, Daniel but you can call me DJ, nice to meet you....?" Look din na kung sino ako

"Ako nga pala si Kathryn or just Kath. At si Julia bestfriend ko." Sabay pakilala kay Julia at nag smile naman sya

"Hi Kath and Julia! Nice meeting you but I need to go. Sorry ulit sa kanina Kath ha? Bye!" Pagpapaalam nya at nagsmile. Oh my! Sya na ba ang 'My True One' ko? Tumama na ata si kupido at iba ang  naramdaman ko sa kanya. At hinahanap hanap ng mata ko nung pag smile nya.

"Uy Sis, ayos ka lang? Magpalit ka na ng uniform basang basa ka oh tignan mo." Bigla naman singit ni Julia, ay oo nga pala magpapalit muna ako

Pumunta nako sa  locker ko para kunin yung extra uniform ko, oh diba Girl Scout. Hehe de joke lang.

*after 20 minutes*

Hayy, natapos din makapagbihis at nagtime na pumunta na kami ni Julia sa classroom at di ko pa ba nasasabi na mag classmate kami at nasa section one o cream section kami. Hmmm si DJ kaya ano section nya siguro matalino din yun. Hayy nako ano ba iniisip ko. Nag simula na ang klase at malapit na uwian.

"Ok, class dismissed. We will see each other again tomorrow. Bye." Sabi ng professor namin. At lumabas na kami ng classroom ni Julia. Nang sa.... Nakita ko si DJ. Kausap nya ata mga kaibigan nya, napansin nya ata na tinignan ko sya kaya napaligon naman din ang mga kaibigan nya.

"Uy Kath, labas na kayo ni Julia?" Tanong ni Daniel

"Ahhh, oo pauwi na nga kami eh." Sabi ko naman at tinignan si Julia ayun nag ce-cellphone. Kinulbit ko sya at nagulat naman, napatingin sya dun sa mga kaibigan ni DJ, at nagsmile.

"Ahh, ganun ba, yayayain ko sana kayo ni Julia kumain sa labas kasama tong mga tropa ko. Pwede ba kayo?"

"Ahh sige gutom na rin kasi kami ni Kath eh. Ano tara Sis?" Dagdag ni Julia. Nakakahiya naman kanina ko pa lang si DJ nakilala pero nagyaya na sya kumain sa labas kaso nga lang madami kami, sayang moment na sana namin eh. Hahahaha!

"Huy, ano ka ba sis nakakahiya. Tsaka baka hanapin ka ni Albie at parents natin." Pabulong ko namang sabi pero narinig ata ni DJ.

"Sige na Kath, madali Lang naman tayo eh, tsaka may sasabihin din ako sayo na importante? Please!" Yun naman nag puppy eyes pa at nag pout. Cuteee!

"Ahh sige na nga, basta mabilis lang ha? Tara!" Pagyayaya ko. At sumakay na kami sa kotse ni DJ. At pagkatapos ng ten minutes andito kami sa KFC. Wow! Paborito ko dito. Wohooo!

"Ahh Guys order na kayo, may sasabihin lang ako kay Kath." Hmmm ano kaya yun. Kahit ganon may nararamdaman na ko kay DJ kahit kanina pa lang kami nagkakilala. Mahal ko na ata sya. Sya kaya, pero sure naman ako meron na syang ibang nagugustuhan. Ok lang.

Andito kami ngayon sa may back part ng KFC kasi may sasabihin daw si DJ na importante halos magkalapit nga kami eh, yieee, at tahimik hindi namin alam kung pano sisimulan ang aming conversation. Nang sa si DJ sinimulan nya na.

"Ahmmm, Kath? A-alam kong kakanina lang tayo nagkakilala, pero ito kasing... I mean nung nagkakilala tayo ay iba ang naramdaman ko sa'yo. Parang bang nag-iba yung tingin ko sayo at sa atin. Ah-eh alam kong magulo ako, pero may ipagtatapat ako na sana hindi ka magulat at hindi masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa sasabihin ko sa'yo. Ahmm." Ang pagkakasabi ni Daniel at natulala na lang ako kasi I'm hoping baka may nararamdaman din sya para sa kin. Just trust. Hehehe!

"Ahh sige DJ deretso-hin mo na ako. Hindi ako magagalit at magugulat dahil may sasabihin na din ako sa'yo."

"Ahhmm Kath, ako ang isa sa secret admirer mo at stalker mo, alam ko ang lahat ng favorites mo kaya opportunity sakin yung pagkikita natin kanina sa canteen. Kaya nung nalaman ko na ikaw yun hindi na ko nagpumigil pa at kausapin ka at mag sorry na din." Napa-nganga ako at kinilig. "Kaya nung nakita kita after dismissal nilapitan na kita at niyaya lumabas kahit man lang may kasama tayong barkada, hehehe, actually ikaw lang sana ang yayayain ko kaso sabi ni Julia sama na daw sila pero ok lang kasi naisip ko na sosolohin na lang kita sa labas at sabihin ang totoong feelings ko sayo."

"So DJ ano ibig mo sabihin? Na--" naputol ang sinabi ko nung bigla syang nagsalita, pero still hoping.

"Oo Kath crush kita hindi lang crush mahal na din kita. Dahil nasayo na ang lahat ng katangian ng babaeng gusto kong mahalin habang buhay. Kath, alam kong sobra kong bilis pero sana bigyan mo ko ng chance para ligawan ka. " Oh my gosh! Mahal din nya ko! Di ako makapaniwala! Thank you God! Yiheee! Pero bigla syang........lumuhod!

"Kath, will you be my girlfriend?" Tanong ni DJ at nagulat ako na may nilabas syang necklace na nakalagay ang pangalan ko Kathryn.

"DJ, hindi lang ikaw ang may gustong sabihin. Ako din, crush at mahal na kita nung elementary pa tayo kahit di tayo mag kaklase stalker mo din ako, kaso ang akala ko wala nang pag-asa kasi alam mo na heart throb ka tsaka malay mo may mahal kang iba, kaya ayun ako lang ang walang lovelife pero hoping parin ako hanggang ngayon na magugustuhan mo ako. Sobrang saya ko talaga ngayon dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na maka- usap ka ng personal. Thank you talaga na natapunan mo ko ng iced tea. Hahaha!" Tumawa kami parehas

"So DJ, gusto ko malaman mo na....YES! Kahit di mo na ko ligawan actually para mo na nga ko niligawan kanina eh. Haha! So... YES!" Masaya kong pagkakasabi sa kanya

"Talaga?" Di makapaniwalang sagot ni Daniel

"Oo nga! Tayo na. Ikaw na ang 'My True One' ko."

"Yesssss! I love you Kathryn Chandria Bernardo! Na soon to be Mrs. Padilla! Wohooo!" Sigaw nya at tumawa ako at sinuot yung necklace sakin.

"Wow! Congrats Sis!" Masayang sabi ni Julia at nag sipasukan kami para kumain. At nagkwentuhan sa mga nangyari.

See! Now I found 'My True One' ng buhay ko! Because I know that things happen for a reason. That's why I just trust and hope to get my happiness. At ngayon hindi na ko lonely sa love life happy na sa love life.

'Coz

"Love is about Trust"

And

"Love sometimes is unexpected. You will never see it coming. It will come on the right time and opportunity."

---------------------------------------------
Done with the first one shot. Hahaha! Congrats to me! Sobra nga lang pong haba, para daw masaya! Hahahaha! Hope you like it guys.

Thanks for reading!

Comments & Votes?

Enjoy the next shots!

xoxo,

-Ms Loner 👍

Kathniel : One Shot (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon