Part One

84 9 3
                                    

Part One: Angel in disguise

'Axia Marie Torres!' Sigaw ng kaibigan kong si Jasmine na patakbong lumalapit saken.

Kitang kita ko kung pano nya iwagayway ang kanyang cellphone habang papasok sa cafeteria at mabilis dumaretso kung saan ako nakaupo.

'Axia Marie! Axia Marie! Nako may ibabalita ako sayo!' mabilis nyang sabi at medyo hinihingal pa.

'Oh ano yon? at parang kanina ka pa natataranta dyan saka diba sabi ko naman sayo wag mong kong tatawagin sa second name ko! Batukan kita e!' Sabi ko naman.
Ang jologs kaya ng Marie ewan ko nga kay mama bat naisipan pang isingit yon.

Kinuha nya ang kanyang cellphone at sabay pakita sakin ang mga listahan ng grades namin.

'Naiwan ni sir na nakabukas yung record book nya sa faculty kanina sakto nadun din ako kaya pinicturan ko na, taray mo teh! Achiever ka naman! kinareer mo ah!' aniya saka pumalakpak.

Kinuha ko ang phone nya at tinignan ng mabuti. Yes! Sulit na lahat ng pababasa ko ng libro at papupuyat! Thankyou Lord! Para to sa future namin ni Icebabes! ay grabe sya oh.

'Axia Marie! Nakikinig kaba?'

Naiimagine ko talaga yung future namin ni Ice jusko napakagan--

'Oy Axia Marie! Tulala na naman? Daydreaming lang teh? Hulaan ko? Si Ice na naman yan no?' Pagputol sakin ni jas

'Obvious ba? Napalakas ba pagde-daydream ko?' Tanong ko.

'Hay nako! Axia marie, Kelan mo ba titigilan yang pagpapa-pansin mo dyang sa yelo na yan? Parang wa epek naman!' Sabi nya saka nagcross arms.

'eh kung ma epek ko kaya yang muka mo? gusto mong jombagin kita ah? ano kaba jas? Di pa to ang right time ng lovestory namin, kumbaga sa movie eh, coming soon palang hintay hintay lang teh!' Sabi ko.

Mas lumapit sya sakin at umakbay sabay sabing, 'Teh 3yrs mo ng linya yan at 3yrs mo na din syang kaklase pero wala padin teh! Graduating na tayo oy! alam mo namang ayaw lang kitang nasasaktan. Pero hopeless case na yan. Kaya kung ako sayo give up na! Ay! nagtext na si daddy. Osya una nako andyan na si daddy bye marie!' aniya naman saka tumayo at nagpaalam.

'Di ako gi-give up hangga't kaya ko pa promise yan jas!' Sigaw ko naman habang tinatanaw sya palayo.

Hay nako ang bestie of the year ko nga naman, kahit Axia Marie sya tawag nya sakin sya lang ang may karapatan, mahal ko yan eh kahit brutal!

Pero seryoso ako sa sinabi ko kanina. di ko alam kung narinig ni Jasmine pero totoo ang sinabi ko, di ko susukuan ang atensyon Ice hangga't kaya pa ni heart. Fight lang!

--------------------------------------------------------

Dumaretso ako sa fields pagkatapos kumain sa cafeteria, daily routine ko na to sa school, wala lang sadyang nagpapaiwan lang ako ng magisa sa school after class. Wala narin kasing tao saka gantong oras kasi masarap ang hangin dito, madami kasing puno saka mga halaman kaya sobrang relaxing tignan.

Naupo ako sa dulo ng bench malapit sa isang malaking puno saka inilibas ang aking sketch pad at lapis, nang napansin ko ang isang pamilyar na katawan na naglalakad papunta dito sa fields.

Naupo ito sa ikalawang bench saka yumuko na para bang may problema, Ang kanyang makitab na buhok ay mas lalo pang kuminang dahil sa sinag ng araw. Umayos sya ng upo sa nagbultong- hininga.

Si Ice! Ay jusko jusko si Ice! Agad akong nagayos ng buhok at tinignan ang sarili sa salamin, Maganda kana A, Go lang keri mo yan lapitan mo na, baka ito na ang simula ng lovestory nyo. sabi ko sa sarili.

Palapit na sana ako ng may biglang tumawag sakanya.

'Ice, tawag na tayo ni coach ikaw nalang yung kulang sa court.' Sabi ng naka varsity uniform na lalaki. Siguro teammate nya.

'Sige susunod ako.' aniya naman.
Tumayo sya saka kinuha ang kanyang gamit at biglang napatingin saken.

Naestatwa naman ako sa aking kinatatayuan. Yung kulay brown nyang mata? Jusko nakakamatay! Angel in disguise yata to e!

Tinalikuran lamang nya ako saka patuloy na naglakad patungong court at iniwan akong nakatayo padin sa kinatatayuan ko. Jusko Ice bakit ba pag nararamdaman ko ang presensya mo, nagyeyelo din ang pakiramdam ko?

--------------------------------------------------------

Umuwi ako mga bandang 6:00 na, hay naudlot na naman yung lovestory namin ni Icebabes, andun na e! Andun na! nako kasi ang bagal kumilos Axia! Hayyy!

Nakarating ako sa apartment na inuupahan ko, walking distance lang naman sa school kaya ito na yung kinuha ko para mas malapit. Ako lang kasi magisa dito sa Manila dapat kaming dalawa ng ate ko dito kaso nagabroad sya kaya ako nang naiwan dito sa apartment.

Freshman palang kasi ako sa highschool nang sinama nako ni ate dito sa manila para di ko na daw kelangan magadjust pa pagdating ko sa college. Ayaw man pumayag nila mama at papa pero para din daw sa magandang future ko kaya ayon sa huli napapayag sila.

Hinahanap ko ang susi sa aking bag nang mapansin kong nagbukas ang ilaw ng katabi kong apartment, Aba may nakatira na? Himala ah.

'Hello Kapitbahay! Welcome! Your lovely kapitbahay here! Goodevening!' Sigaw ko saka pumasok na sa loob.

××××××××××××××××××××××××××××××

12/29/15 •articqueenb•

Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon