Untitled Part 2

5 0 0
                                    

Vanessa's POV

Pang-ilang cup ng rice ko na ba 'to? ARGH! Why can't I just stop? 

"Van, hinay hinay ka nga lang dyan. Hindi ka mauubusan dito sa foodcourt pramis! Sayo na lahat 'to." sabi ng kaibigan kong si Paolo na nakaupo sa harap ko habang nakatingin sa akin na parang nasusuka. Tss. OA ah.

"Mabilaukan sana." narinig kong may bumulong.

"WHAAT?!" pagalit na sigaw ko sa asungot na nasa likod ko. Paglingon ko, si....grrrr!

The Great RENZ ANDRADA lang naman po------ ex-crush ko. 

Unfortunately, yes *sigh* Tao lang naman po ako, nagkakamali rin. 

Nakita kong hindi sya nakatingin sa akin. Aba! Tinatalikuran pa ako ah. Akala niya siguro na hindi ko alam na siya nagsabi sa akin nun?

"Hoy! Ikaw MR. ANDRADA! Ano sa tingin mong ginagawa mo?" 

Lumingon sya sa akin at painosenteng nagsabi, "Ha? Napano ka? Ano ginawa ko sayo?"

"Aba aba! Painosente ka pang lalaki ka ha. Alam ko na yang modus mo no. Napakakapal ng mukha mo. May problema ka ba sa mga kumakain?" galit na sigaw ko sakanya. 

Napansin kong dumadami na ang taong nakatingin pero wala akong pakialam. 

"Ano bang pinagsasabi mo ha?" tanong niya ulit at unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya saken.

Sasabat pa sana ako nang biglang may humatak sa akin palayo.

I guess I just made a scene.

"ARGH! Nakakainis." 

Tumakbo na ako. Sana hindi ko na makita ang mukha ng Andradang yun.

"T-teka!" 

"Alam mo, mahal naman kita eh pero sorry kung napahiya ka rin kanina dahil sa akin. Di ko lang mapigilan eh. Yung demonyong Renz na yun. Talagang kakalbuhin ko yung magandang buhok nya pag nagkita kami."

Luh! Nasabi ko pa tuloy na maganda yung buhok niya. Pero totoo naman e yung nga lang, gusto kong kalbuhin yun para lalo siyang pumanget. 

Naramdaman kong parang hindi kumikibo si Paolo kaya naman napalingon ako.

"Oy ba----K-Kiel?!" 

Kiel's POV

Sh*t! Ano bang pinasok ng babaeng 'to? 

Bago pa lumala ang eksena, hinatak ko na siya kasi kitang-kita ko na yung usok sa ilong ni Renz.

Ba't ba kasi pinagtanggol niya pa ako? Always butting in with other's business. Tch!

"ARGH! Nakakainis."

Narinig kong bulong niya. Ba't napakalaking problema niya yung nangyari? Friends ba kami? May crush ba siya saken? Ay ewan ko. Bigla siyang tumakbo kaya sinundan ko siya at ewan ko rin kung bakit. 

"T-teka!" sigaw ko. Ambilis rin tumakbo nito ah. Haha---

"Alam mo, mahal naman kita eh pero sorry kung napahiya ka rin kanina dahil sa akin. Di ko lang mapigilan eh. Yung demonyong Renz na yun. Talagang kakalbuhin ko yung magandang buhok nya pag nagkita kami."

ha-ha-ha-ano raw? M-mahal? M-mahal? Instant confession ba 'to? I'm not bragging anything but it's not my first time hearing someone confess to me pero yung way kasi nung iba, grabe! May pacake-cake pang nalalaman. Tsaka may isang babae nga na nagset-up pa talaga dun sa bakanteng room. Parang nagp-propose. At sa lahat ng mga yun, wala akong naramdaman at wala akong nagustuhan. Pero...ba't kinakabahan ako ngayon? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Own Peter PanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon