@@Chapter 29@@

334 12 7
                                    

Adrienne's POV

"Sige Nadine, susunod na lang ako sayo mamaya ha? May pupuntahan pa kami ng Kuya Niall mo" sabi ko at iniwan namin sya sa isang parlor, linibre ko sya ng spa at massage, si Nash naman nakita yung mga kaibigan nya kaya humiwalay muna, pero sasabay daw pauwi.

"Saan ba naten kikitain si Harry?" tanong ko kay Niall na mukhang tinetext si Harry

"Sa starbucks daw, nandon yung buong banda, tara" sabi nya at pumunta na nga kami don. Nung nakarating na kami doon, nakita namin sila at kinawayan nila kami, pumunta kami sakanya at umupo

"Anong order nyo dali, para makaorder na tayo" sabi ni Louis

"Choco chip saming tatlo nina Harry kupalords" sabi ni Liam

"Gaya gaya kayo mga palkups kayo" sabi nya

"huwaw tsong, isa kang alamat ah" sabi naman ni Zayn

"Ano sainyo Niall?" sabi nya

"Mocha Frappe saming dalawa" sabi ni Niall at inabot ung bayad

"Hala Niall, may pera naman ako" sabi ko

"Ano ba Adrienne, para namang di kita kilala jusko" sabi niya and kissed my hairrr

"Woooh lande! aral muna!" sigaw ni Liam, well speaking...

"So what's with the meet up?" tanong ni Harry saamin

"Uhmm so, di na ko magpapaligoy ligoy pa, di ba may university kayo bro" tanong ni Niall

"Yes, why?" sabi nya

"Mag eenroll sana kami ni Adrienne, nagplano kase kami tatapusin muna namin yung last semester, saka makakahabol naman kami di ba, half of june and july lang naman kami nawala" sabi ni Niall

"Yehessss, aral munaaa, amen bro amen" natawa naman ako kina Zayn HAHAHA

"Well, that's great news at school pa namin ang napili nyo, of course, pwedeng pwede kayo don!" sabi ni Harry at parang hanggang langit ang ngiti nya

"Masaya ka kase magaaral si Adrienne don" Niall mumbled, buti na lang maingay sa starbucks at di narinig ni Harry

"So, submit your applications na lang by this week then you're good next week" sabi nya

"Oy Niall, Zayn, tulungan nyo ko sa mga nyetang order nyo, wala na raw silang tray" sabi ni Louis

"Aww malas mo naman ngayon Louis tsk" sabi ni Zayn

"Oy Zayn iiwan mo nanaman ako? lagi mo naman akong iniiwan, okay lang talaga" pagdradrama naman ni Liam (T.T see what i did there)

"Babalikan pa kita kase may utang ka pa saken oy bayaran mo tong starbucks mo" sabi ni Zayn at tumawa kame (sana ganun na lang kadali hayyy)

Nung tumayo si Niall at pumunta kay Louis, lingon sya ng lingon saamin ni Harry, kaharap ko kase si Harry eh, kulang na lang maglakad ng paatras toh si Niall hayyy

"Mukhang gaganahan ako lagi pumunta sa university ah" sabi ni Harry, Harry jusko pigilan mo yang nararamdaman mo saken please

"Harry...."

"Eto na po mga order nyo sir, at para sa iisang maam......" sabay lapag ni Louis ng frappe ko, tinignan sya ng masama ni Niall at natahimik kami

"....ni Niall syempreee chillll " sabi ni Louis sabay "ahhhh" ng buong tropa nila, parang mga timang talaga

Ayon nagkwentuhan sila tapos medyo nakakarelate naman ako sa topics nila

"Oh sige na guys, sunduin pa namen yung nga kapatid ni Adrienne e, susunod na lang ulet!" sabi ni Niall habang tumatayo

Arranged Marriage kay NIALL HORAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon