'Pag Sinabi kong Akin ka, AKIN KA... (One-Shot)

693 21 3
                                    

Alam mo ba yung feeling na lahat ng gusto mo inaagaw o naagaw sa'yo?

Ako? Tinatanong mo ba ako? Kung sasagutin ko yang tanong na yan, isang swak na capital Y-E-S ang sasabihin ko sa inyo mga dre!

Pero, sabi nga nila, hindi naman lahat ng gusto mo nakukuha mo di ba? May sadyang lalapit sa iyo at sasabihing, "Pag Akin ka, AKIN KA..."

COURTNEY IVORY "NeY" KLEIN's POV

Potek! >.< Kilala mo ba yung maarte? Yung prof. ko yun eh! Biruin mo, ilang minutes lang ako na-late, hindi pa ako mapagbigyan na kumuha ng quiz! Alam niya ba ang feeling na kailangan lang namin gumising ng maaga para pumasok sa subject na 'to?! Pati ba naman etong prof. 'kong eto, kahit quiz ipagdadamot sa akin?

So eto, ang trip ko ngayon - tamang tambay lang sa may canteen. Break na rin naman ang next agenda namin eh. Nakakagutom kaya ang pagpunta dito, biruin mo, kelangan ko pang dumaan ng pitong bundok, limang sapa, tatlong malalalim na bangin, dalawang kapatagan, at SYEMPRE, lahat ng yun

.

.

.

.

.

.

puro JOKE!


Ang totoo niyan, nasa 8th floor ang una kong klase, at ako pa ang may pinakamalayo na bahay. Bakit kasi hindi sila magpalagay ng elevator sa school?! Nagawa nga nilang maglagay ng aircon sa mga classrooms, tapos elevator hindi?


Natapos ang pagdradrama ko ng may biglang kumalabit sa akin. Pagkalingon ko, si Friloe lang pala, my BFF.

"Hoy babaita! Bakit ka absent kanina? Alam mo namang may quiz tayo dun di ba at ang huli mong text sa akin na malapit ka na sa school di ba? Eh bakit hindi kita nakita kanina  speech lab at may bigla na lang sumigaw ng ABSENT PO SI KLEIN!" tuloy-tuloy niyang sabi. Here we go. Umatake na naman ang sakit ng Friloe ko. Parang machine gun lang eh. Hindi ba siya hiningal dun? Ano  mag-rap lang ang peg?


"Sige lang Friloe, wag mo akong pagsalitain maganda yan eh" Hehehehehehe, magma-make faces na naman yan. Paano, ayaw niya kasi yung nickname na binigay ko sa kanya. Anong akala niyo, Friloe pangalan ng bestfriend ko? Hindi no! Yan si Fritzy Chloe Angeles. Super ganda niyang si Friloe ko, kasing ganda ng pangalan niya at pinag-aagawan dito sa buong campus, unlike me.

'Pag Sinabi kong Akin ka, AKIN KA... (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon