ang panimula

949 10 2
                                    

bata pa lang kami ng aking kapatid ay minulat na kami ng aming mga magulang sa propesyong gusto nilang tahakin din namin.. 

Doktor si Papa at Mama ang kuya ay doktor na din..ako kaya magdodoktor din? hindi ko alam kung naging tradisyon na ba sa pamilya namin ang propesyong ito o wala lang talagang hilig ang mga kamag anak ko sa side ni Papa sa ibang bagay...

ako nga pala si Kian Anton Iñigo Madrid (KAI for short).. bunsong anak nina Dr. Ruthmina at Matteo Madrid.. may kapatid ako na sampung taon ang tanda sa akin si kuya Pitrus mabait siya sa akin kahit malayo ang gap ng edad namin., alam ko na marami siyang alam sa akin kung ano ako at ang pagkatao ko pero sa kabila noon walang naging problema sa pagitan naming dalawa...kakagraduate ko lang ng high school..

Nabibilang ang angkan namin sa mayaman angkan dito sa Quezon. Tinitingala dahil sa dami ng parangal na nakuha ng aking ama ina at maging ng aking kapatid..siguro marami ang naiingit sa akin dahil sa pamumuhay na kinalakhan ko., Pero mali sila.. hindi masayang maging ako...hindi masayang harapin ang buhay na hindi mo man ginusto ay mahirap ng mabago.. 

KAI's POV:

Graduation party ngayon ng aking kuya Pitrus masayang masaya sina Papa at Mama dahil nagtapos ang aking kuya bilang CUM LAUDE sa kursong medisina.. andito kami ngayon kasama ang malalapit na kaibigan at kamag-anakan ng aming pamilya at sini-celebrate ang pagkakaron na naman ng bagong doktor ng mga Madrid. Pormal ang nasabing Party na ginanap sa mismong garden ng bahay namin..

"Congratulations kuya!" sabay abot ko sa kanya ng regalong ginawa ko mismo para sa kanya..

"Naks answeet mo naman bunso ano ba tung gift mo sa akin" nakangiting tugon sa akin ni kuya, sabay abot ng regalong bitbit ko at agad ding binuksan ang aking regalo... 

"Bunso kaw ba ang gumawa nito?" tanung ni kuya habang hawak ang regalo kong A4 size charcoal sketch ng mukha niya.

"Opo kuya nagustuhan muh ba?" nahihiya kong tanung di ko kasi alam kung nagustuhan ito ng kuya ko o nag eexpect siya ng mas magarang regalo kasi nga naman nung graduation ko nung nakaraan linggo eh Ipad ang niregalo niya sa akin...

"Bunso siyempre naman...walanjo kaya pala lagi ka lang nakakulong sa kwarto ito pala pinagkakaabalahan mo?" nakangiting sabi ni kuya pitrus.."Ma, tignan muh gawa ni bunso kamukhang kamukha ko ang galing niya diba, Pa, Tito, Insan tignan niu" pagmamalaki ni kuya sa sketch na ginawa ko.masaya ako sa naging reaksyon ni kuya pero nawala ang saya ko ng makita ko ang reaksyon ni Papa, umiiling na para bang may nagawa akong hindi maganda.. 

Nang makita ko ang reaksyon na yun ni Papa alam ko na hindi maganda ang magiging takbo ng usapan namin mamayang gabi... Natapos at natapos ang Party ni kuya andaming tao may mga pinakilala pa sa akin si kuya na mga klasmeyt nya mga kasali niya sa ibat ibang org.. nakakapagod..

Hapunan..., kumakain kaming  sabay sabay., tahimik ako at si kuya siguro napagod din kanina sa dami ng bisita...

"Kai, hijo kelan mo ba balak mag enroll?.., isang buwan na lang naman eh pasukan na naman.. handa ka na ba sa pagkuha mo ng medisina kagaya ng kuya pitrus mo" malumanay na tanong ni mama sa akin.

"Ahhhh Ma, ka-kasi" pautal-utal kong sambit ke mama habang nahagip ng mata ko si kuya na nakatingin at nag aabang sa bibitawan kong salita ..."Ma, kasi FINE ARTS po ang gusto kong kunin na kurso" ang sabi kong dire-diretso sabay yuko dahil ayaw kong makita ang reaksyon ni Papa alam na alam ko kasi magagalit siya..

"Anong katarantaduhan ang pinagsasabi mo Iñigo?"mataas ang tono na parang pasigaw na sabi ni Papa na ikinagulat ko maging ni kuya.."FINE ARTS??., anung mararating muh sa kursong yan.. MEDISINA, ME-DI-SI-NA yan ang kukunin mong kurso"matigas na giit ni Papa... yumuko na lang ako bilang senyales ng pagsuko..

Matapos ang hapunan ay umakyat na ako sa aking kwarto.. tahimik., nakabibinging katahimikan.., wala kang maririnig na anuman sa king kuwarto., katahimikang binasag ng mahinang katok sa aking pintuan. Nagkunwari akong tulog na sa pag-aakalang si Mama ang kumakatok., bumukas ang pinto at may pumasok.

"Bunso" malambing na sambit ng kilalang tinig., si kuya pala..."alam ko masama ang loob mo dahil napagtaasan ka ng boses ni Papa," mahinang sabi ni kuya "Pero alam mo naman na tradisyon na sa angkan natin ang propesyong namin nila Papa" paliwanag pa ni kuya.

Nang marinig ko yun di ko na napigil ang paghikbi.."alam mo naman diba kuya?.. simula pa lang ayaw na ayaw ko na ang pagdodoktor., kung ipagpipilitan ni Papa ang kanyang gusto mapipilitan akong lumayas sa bahay na to." umiiyak ko pa ding sabi sa kanya., Bagay na ikinabigla naman ni kuya..

Naramdaman kong lumapit si kuya at niyakap ako "Wag Bunso wag kang aalis ng bahay, malulungkot si kuya, gagawan natin ng paraan yang gusto mo sa darating na panahon pero sa ngayon wala tayong magagawa kundi ang sumunod kay Papa, kaya bukas na bukas sasamahan kita para mag-enroll.."

Wala ring nagawa ang drama ko ang kinabagsakan, kursong medicine pa din ang kukunin ko tsk tsk....

ako si KAI at ito ang kwento ko (boy x boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon