She's Back:Chapter 6

4 0 0
                                    


Gabriel's PoV


"Grabe naman yung babae. Daig pa ata tayong mga lalake sa kanya. Parang di na tao yun ah." Ian


"Naku.. mga wala naman ata kayo dun sa kanya." Ethan


Kung nagtataka kayo kung ano ang pinag uusapan namin tungkol lang dun sa napanood naming viral. Kaya ganito nalang kung maka react ang dalawa sa isa't isa.


"Oo nga pala. Asan si Kenneth?" pagtatanong ni Kaizer


"Mukhang busy na--- Ouh! Ayan pala sya ouh at kasama nya pa si Camell." turo ni Ian sa di kalayuan kung asan nandun sina Camell at Kenneth


"Hanep ha!" Kaizer


Bakit naman sila magkasama nyan? At saan sila galing dalawa


"Bro.. kandong sa kamay ni Ethan sa balikat ko Di masamang magselos. Hahahaha.." nakitawa narin yung tatlo sa kanya. Sinamaan ko nalang ng tingin yung apat.


"Pwede ba? Tsaka bakit naman ako magseselos? May Girlfriend na ako baka nakakalimutan nyong apat." sabi ko sa kanila


"KENNETH..." tawag ni Ian kay Kenneth. Sigaw pala.


Lumingon naman agad sya pati din pala si Camell. Papalapit na sila sa amin at itong nararamdaman ko naman parang may halong inis. Ewan ko kung bakit ata?!


Talaga bang wala na akong nararamdaman sa kanya?


"Hi! Camell." sabay-sabay na bati ng tatlo sa kanya


Nagsmile lang sya sa tatlo at sinabi nalang nya kay Kenneth na aalis na sya. Habang pa-palayo na si Camel sa amin parang naging malayo na rin sya sa kin.

Gumaganda din sya lalo sa paningin ko lalo na pag malapit sya sa kin.


Dumiretso na kaming lima sa tambayan namin. Tutal matagal pa naman ang next subject na min. Etong tatlo panay ang pangungulit kay Kenneth kung bakit daw sila magkasama kanina ni Camell at ang sagot lang niya sa tatlo ay isang malaking NGITI lang.

Pati ako gusto ko sanang magtanong pero wag nalang. Baka matulad lang din ako nitong isa na kinukulit ng mga tatlong kaibigan namin. Baka kung ano pa ang iisipin ng mga unggoy na to.


Camell's PoV


May ibinigay pala si Kenneth sa kin bago pa kami lumapit dun sa mga barkarda nya. Sa bahay ko daw eto bubuksan at wag dito. Para sa kin lang daw talaga to. Hmp.. wala naman sya dito kaya pwede ko na siguro tignan to. Actually isang Video lang naman to. Bakit ko alam? Na sa akin ang isa nyang phone e. Ibinigay nya sa kin.


Hmmm.. mapanuod nga..


Teka.. kami tong dalawa ha? Habang pinapanuod ko eto di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pag nagkita na kami.


"Hmmmm.. Ano yan?"


"Ay palaka.." gulat kon sabi. Muntik pang malaglag ang phone ni Ken sa pagka gulat ko. Letcheng Kristy to.


"Nge.. palaka talaga, girl?! Sa ganda kong to at talagang palaka pa ang naisipan mo?"


"Oo. pagtataray ko sa kanya. Bwisit na babaeng to Bakit ka ba nanggugulat jan ha?"


"Hay naku. Clueless lang naman kasi ako jan sa pinapanuod mo, Cam. Teka.. ano ba kasi yan at parang ayaw mo pa atang ipakita sa kin? Ha?" paturo-turo nya sa hinahawakan ko


"Wag ka nalang mangialam, arraseyo?(understand?)" ako


"Oo na. Ay oo nga pala. Yung phone mo naiwan mo dun sa locker buti nga at may keys ako kaya kinuha ko nalang yan. Tsaka may tumatawag kasi e at sinagot ko naman agad. Pasensya na." sabay bigay nya sa phone ko. Oo nga pala. Nakalimutan kong kunin tong isa kong phone. Dalawa kasi ang dinala ko. Yung isa for some important tapos yung nasa akin naman ay pang ano-ano ko lang.


"O e.. Anong sabi?"  tanong ko sa kanya


"Mr. Chaw daw yun. May photoshoot ka mamayang 5:oo pm daw. Sharp. Oy, sama naman ako sa'yo mamaya, girl."


"Wag na. Kung anu pa gawin mo dun." pag aayaw ko sa kanya


"Sige na naman. Pretty please?! *puppy eyes*"


"Haisssttt.. OO na. OO na. Ang kulit." inis kong payag sa kanya. Kahit di ko naman yan isama e susunod din naman yan. Kaya ano pa magagawa ko? WALA.!


vote and comment



She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon