Gabriel's PoV
Pagkatapos naming maglakad-lakad ni Jackie.(Sa campus lang din naman kami namasyal.) Umalis na sya agad pagkatapos at ako naman ay pinuntahan nalang yung mga kabarkada ko.
Mga Varsity Player din kami dito kaya di mo mapagkakaila na kilala nga kami at sikat.
"Ouh.. andito na pala si Gab e.." kaizer. Sya ang chickboy sa ming magkakabarkada
"Buti naman at naalala mo pa kami.." Ethan Ramirez. Sya naman ang bookworm sa ming magkakaibigan
"Kamusta ang date bro?" Ian Ouano. Ang food monsters sa min. Ewan ko nga at bakit di to tumataba.
"Oy.. bumalik na pala si Camell...?" Kenneth Zsach. Ito ang bestfriend ko. Mula ulo hanggang paa magkaibigan na kami. Sa aming lima sya lagi ang..
"Late ka na naman ng balita.." sabay-sabay ng tatlo. Nagkamot nalang ng ulo si Kenneth.
Oo nga pala. Magkaibigan din pala sila ni Camell.
"Oo na.. bro.. nagkita na kayo?"
"Oo.. kaklase ko pa nga sya."
"ANO?" yung tatlo
"Oo. Bakit may problema ba dun?"
"Wala naman." yung tatlo ulit. Bakit ba laging sabay ang tatlong to?
"So kailangan talaga sabay?" tanong ko sa kanila
"Bakit may problema ba dun? nagtitigan yung tatlo sabay tawa Pfftt.. bawahahahhaha."
"Tsch." mga loko-loko
Pumunta nalang ako sa pwesto ko at magpapahinga na lang muna ako.
Teka.. bakit sya yung nakikita ko? Diba dapat si Jackie? Ano ba tong nangyayari sa kin? Talaga bang wala na nga akong nararamdaman sa kanya o sadyang tinatago ko lang at si Jackie ang nilalagay ko?

BINABASA MO ANG
She's Back
FanfictionCamell Mauel. Ex-Girlfriend ni Gabriel Alonzo na ngayon ay Boyfriend ni Jackie Pedrozo. Nagmigrate ang pamilya ni Camell sa ibang bansa dahilan para magkahiwalay sina Gabriel at Camell. Pero paano pag bumalik ulit si Camell at malaman nyang may iban...