A Letter to my World ✔

1.2K 27 2
                                    

                                          *A LETTER TO MY WORLD*

Nakakabingi ang hiyawan sa loob ng basketball court sa school namin.

Last 2 minutes nalang at magtatapos na ang laro. Lamang ng dalawang puntos ang kalaban naming school at ngayon ay hawak ni ZAKE LAURENCE GORION ang bola.

Si Zake ang captain ng basketball team sa school namin. Siya ang idolo ng maraming kababaihan sa loob at labas ng aming paaralan. He’s better known as THE HARDCOURT HEARTTHROB. At siya rin ang lalaking PINAKAMAMAHAL ko. Anyway, ako nga pala si LEXIENETTE GOREZ. Classmate at seatmate ko si Zake since grade 2 hanggang ngayong 3rd year highschool na kami. Masasabi ko na isa ako sa mga malalapit na kaibigan niya. Pero gaano man kami kalapit sa isat-isa. Hanggang ngayon naman ay hindi ko parin masabi-sabi sa kanya na mahal ko siya dahil sa takot.

Pero ngayong araw…

HANDA NA AKO!...

Handa na akong ipagtapat sa kanya ang lahat and at the same time ay handa narin akong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya.

You want to know why?....

Back to the game muna tayo (^_^)

Pawis na pawis na si ZakeMyWorld habang idini-dribble niya ang bola at humahanap ng tamang tyempo para i-shoot ito sa ring.

Mahigpit siyang binabantayan ng lalaking mukhang GORILYA na nasa tapat niya. Kanina pa talaga ako naiinis sa lalaking 'yon. I know naman na sa basketball kailangan mo talagang higpitan ang pagbabantay sa kalaban para hindi ka malusutan at hindi ito makagawa ng puntos…But in the case of that KING-KONG…Kapansin-pansin ang madalas niyang pagbunggo kay ZakeMyWorld. Dalawang beses na ngang bumabagsak sa sahig si Zake dahil sa gorilyang yon!.

 Kawawa naman ang MyWorld ko >_<

“GO ZAKE!” Sigaw ng mga babaeng tagahanga ng aking mahal ^_^ Kasama din ng mga ito na nag-checheer ang GIRLFRIEND ni Zake na si PEARL MARIE LINANTIO.

 Pearl, Pearl, Pearl…(T_T)

Ang babaeng pinakamamahal ni Zake. Si Pearl ang isa sa pinakamagandang babae sa school namin. (Wala akong panama! T_T)

Friendly at masayahin ito kaya nga kahit anong sabi ko sa sarili ko na magalit sa kanya ay hindi ko magawa.

Ano nga ba naman ang karapatan kong magalit sa kanya? Hindi naman niya kasalanan na sa kanya na inlove si Zake diba?

-----------------------------------------------------------------

Ilang Segundo nalang at magtatapos na ang laban…

Nakahanap na ng tyempo si ZakeMyWorld para i-shoot sa ring ang bola.

Mula sa malayo ay tumalon si Zake at mabilis na binitawan ang bola at hinagis sa ere. Tila nag slow-motion ang lahat habang hinihintay ang resulta kung papasok ba sa ring ang bola.

5….

4….

 3…

 2…

 1…

“WHOOOOHH!!!!!!!” Sigawan ng mga manonood ng ma i-shoot ni Zake ang bola. 3 points ang nagawa nito na nagpalamang sa kanila ng isang puntos.

Sa tuwa ng buong team ay binuhat ng mga ito si Zake.

“Good Job MyWorld!” mahina ko na lamang na nasabi habang nakaupo ako sa bleacher at nakangiting nakatingin kay Zake.

---------------------------------------------------

Naglalabasan na sa court ang mga manonood habang ako ay nananatili parin na nakatayo sa harap ng kinauupuan ko kanina. Mula sa malayo ay natatanaw ko ngayong palapit si Zake kay Pearl.

Sad (ONE SHOT) CollectionWhere stories live. Discover now