She's my chance ✔

494 23 1
                                    

She's my chance

Birthday ni Gelo ngayon. Siya ang aking crush, dreamboy, first love, boyfriend at ang nag-iisang lalaking bumago sa buhay ko.

Nandito ako ngayon sa lugar na madals naming puntahan. Ang lugar kung saan siya nagtapat ng pag ibig sa akin, at ang lugar kung saan ko naman siya sinagot ng matamis kong 'OO'

Napakatahimik ng lugar na ito. Dito ko nararamdaman ang kapayapaan, sa tuwing naririto ako ay para bang ramdam ko na napakalayo ko sa magulong mundo.

This place is so sacred. At balang araw, gusto kong ito ang maging saksi ng mga pangakong panghahawakan namin ni Gelo. Mga pangakong dadalhin namin sa aming sabay na pagtanda.

Tahimik akong nakaluhod at pikit matang nagdarasal ng may biglang bumulong sa akin.

"I love you."

Napadilat ako at nilingon siya na nakaluhod narin sa tabi ko. I gave him my sweetest smile. pagkatapos ay muli akong nagdasal.

"Jesus. Thank's for giving me this wonderful guy. Alam ko naman na nararamdaman mo kung gaano ako kasaya sa blessing na ito. Pangako,iingatan ko siya."

Pagkatapos naming magsimba ay hawak kamay kaming lumabas ng simbahan.

"Adeng. Gusto ko sanang magsorry kasi mauurong na naman ang pagpapakilala ko syao sa mga parents ko."

"Bakit?"

Magtatatlong taon na kami ni Gelo pero hindi parin niya ako pinakikilala sa aprents niya. Samantalang si Gelo, kilalang-kilala na ng pamilya ko.

Nagtatrabaho kasi sa abroad ang mga magulang niya at 1 beses lang sa isang taon kung umuwi sa pinas ang mga ito. Ang sabi naman sa akin ni Gelo, madalas naman daw niya akong ikwento sa parents niya. kapag nga nagpapadala ang mga ito ay laging meron din ako.

"Hindi kasi sila nakauwi ngayon. na cancelled daw kasi yung flight nila dahil nagkaroon ng problema yung sasakyan nilang eroplano.

"Ganoon ba. Sayang naman, ibig sabihin ay hindi mo sila makakasama ngayon sa birthday mo? Wala ka na ngang party, hindi ka pa nila masasamahan. Di bale, sulitin nalang natin ang araw na ito."

Inakbayan ako ni Gelo.

"Tama. let's have some fun."

Kawawa naman ang boyfriend. Napapabayaan na ng mga magulang niya. pero dibale, nandito naman ako (^_^)

Nagpunta kami sa park ni Gelo. Kumain ng ice cream at sabay na pinanood ang paglubong ng araw.

"Sana, hanggang sa pagtanda. sabay parin nating panoorin ang paglubog ng araw." sabi ko habang nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Gelo.

"Oo naman."

Nnag magdilim na ay hinatid na ako ni Gelo sa bahay namin.

*****

I'm Sean Ashton Valero. Ang tawag sa akin ng marami ay Sean o kaya naman ay Ashton. pero Gelo ang tawag sa akin ng isa sa mga girlfriend kong si Faith. I didn't told her my real name because I don't want to hurt her.

Ayokong malaman niya na isa akong manloloko at masamang lalaki. Isa akong sikat na heartbreaker, playboy, cassanova o kung ano pa mang ibang tawag sa lalaking mahilig manakit at manloko ng babae.

Nakilala ko si Faith sa clan na sinalihan ko. Naging interested ako sa kanya dahil sa pagiging inosente niya. Araw-araw ko siyang katext kaya nalaman kong isa siyang NBSB which mean hindi pa siya pumapasok sa isang relasyon.

Wala naman talaga akong planong pumasok sa puso niya, wala akong planong paibigin siya. Pero dahil sa udyok sa akin ng mga kaibigan kong ka clan din namin.

Sad (ONE SHOT) CollectionWhere stories live. Discover now