54 ✔

617 19 1
                                    

54

54 is not just a number for me... It reminds me of someone that everytime I see, makes my heart beat so fast.

Madalas niyo bang mapagkwentuhan ng mga kaibigan mo ang first love niyo?

Totoo bang lumipas man ang maraming taon, dumating man ang ibat-ibang tao sa buhay mo...Hinding-hindi mo parin makakalimutan ang pinakaunang taong nagpatibok ng puso mo?

 Ang sabi nga... "First love never dies" and I do believe in that.

**********

8 Years old ako ng magdecide ang parents ko na lumipat kami ng bahay.

Sa bago naming tinitirhan ay agad naman akong nakahanap ng mga kaibigan. I taught a lot of street games from them, like...Piko, taguan sing-sing, Popeye Brutus, fruit basket, langit lupa, base to base, tumbang preso, luksong baka, chinese garter, patintero at marami pang iba.

Kung dati ay madalas lang akong nasa loob ng bahay at nakikipaglaro sa mga kapatid ko.

Sa paglipat namin ng bagong tirahan. Naging batang kalye ako, yun bang maghapong naglalaro sa kalye, nakaapak na nakikipaghabulan at amoy araw na uuwi ng bahay. Kung minsan pa nga, hinahabol na ako ng patpat ni mama para lang umuwi.

There are two games that I will never ever forget, 'coz on those games. It brings me closer to him.

"Hi. Anong pangalan mo? Gusto mong sumali sa laro namin? Alam mo ba yung pass the message?" sunod-sunod na tanong sa akin ng isang batang lalaki na mukhang amerikano.

Unang kita ko pa lang sa kanya ay nagwapuhan na agad ako.

"Ako si Nelly. Gusto kong sumali sa inyo pero hindi ko alam ang larong sinasabi mo."

Ngumiti sa akin yung batang lalaki at hinila niya ang kamay ko papalapit sa mga kalaro niya.

*Lubdub*

*Lubdub*

*Lubdub*

Iyon ang unang beses na tumibok ang puso ko ng ganoon kalakas. Natakot ako at napahawak sa dibdib ko.

"May problema ba Nelly?" nagtatakang tanong sa akin ng batang lalaki.

"Bigla kasing lumakas ang tibok ng puso ko. Naririnig mo ba?"

"Hindi." sabi niya habang umiiling siya. Napakamot naman ako ng ulo ko.

"Hindi niya naririnig?" tanong ko sa sarili ko. Inisip ko pa nga na baka normal lang talaga yon.

Paglapit namin sa mga kaibigan niya ay pinakilala niya ako sa mga ito at sa huli ay nagpakilala din siya. 7 names ang pangalang sinabi niya pero nag-iisang pangalan lang ang tumatak sa isipan ko. Iyon ay ang pangalan niya. 'Gian'

Dahil nga hindi ko alam yung laro nila. Tinuruan niya muna ako kung paano yon laruin at dahil madali lang naman ay agad ko itong natutunan.

Sa totoo lang nakakaboring mag Pass the message, pero tinitiis ko yon kasi ang sarap sa pakiramdam na magkahawak kamay kami ng ilang minuto.

Simula noon. Parati ko ng nakakalaro si Gian at madalas naming laruin ang pass the message. Until nauso naman yung street football kung saan parati ko siyang ka teammate. Yung street football, hindi iyon katulad ng football na sinisipa-sipa yung bola tapos mag-aagawan hanggang sa maka goal.

Yung street football. Sa pagkakatanda ko ay para siyang larong baseball. Hindi ko na idedemonstrate ang hirap eh. hehehe

Sa aming magkakaibigan. Si Gian ang nakikita kong super gwapo. Yun bang kahit pawis na pawis na eh, mukhang ang bango-bango parin. Napaka friendly din niya at game siya sa kahit na anong laro. Sporty siya at sa katunayan. Isa siyang runner sa school namin. Schoolmate din kasi kami.

Sad (ONE SHOT) CollectionWhere stories live. Discover now