Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Four)

3.6K 16 4
                                    

Alyssa

Nasa labas pa lang ako ng gate namin ay rinig na rinig ko na ang pagtatalo nina Mama at Papa at boses ni Papa ang nangingibabaw. Tila nagmamakaawa naman ang boses ni Mama. Ilang minuto din akong nagisip kung itutuloy ko pa ba ang pagpasok ko sa loob. Tumingin ako sa cellphone ko para malaman kung anong oras na, 8:00 na. Patay ako nito kay Papa. Siguradong mapapagalitan na naman ako nito. Galing ako sa Mcdonalds, ikinain ako ni Mark, isa sa mga suitors ko. (Break na nga pala kami ni Robin, isang linggo na ang nakakalipas). Ilang araw na rin akong kinukulit kung kaya naman ay pinagbigyan ko na itong si Mark. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob.

“Maria Alyssa,” napalunok ako sa boses ni Papa. Mukhang tama ang hinala ko na matinding sermunan na naman ang dadanasin ko.  “Ginabi ka na naman? Hindi kita pinagaral para makipaglandian! Kanina ka pa dapat nakauwi ah, imbis na umuwi ka agad at tumulong dito sa gawaing bahay, naglalakwatsa ka. Anong klaseng babae ka? Uwi ba ito ng matinong babae?”

“P- papa, may project po kasi kami kailangan tapusin sa bahay ng kaklase ko. Wala naman akong ginagawang masama.” pagsisinungaling ko. Madalas na akong pagsabihan ng ganyan ni Papa, manhid na nga ako eh, sanay na sa mga pinagsasasabi niya. 

“Magusap tayo mamaya.” sabi ni Papa sabay duro sa akin na para bang hindi niya ako anak. Napansin kong umiiyak na si Mama mula sa likuran ko. Hinagod ko ang likod niya at saka hinalikan sa noo. 

“Nasa mesa na ang hapunan anak.” aniya habang nagpapahid ng luha, umiling ako.

“Hindi po ako nagugutom.” Yun lang at dumiretso na ako sa kwarto ko. 

“Pagpasensyahan mo na ang Papa mo ha.” ani Mama, ngayong gabi ay sa kwarto ko siya matutulog. 

“Ma, palagi  na lang siya galit. Hindi ko na siya maintindihan.” tugon ko. 

“Alyssa, may sasabihin ako sayo.” aniya. 

“Ano po iyon?” tanong ko na para bang nene ulit habang yakap yakap ko siya. Katahimikan. 

“Hindi ko talaga mahal ang Papa mong nang pinakasalan ko siya. 

“Huh?” di ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa narinig ko.

“Hindi ko alam but I’ve just realized that noong gabi matapos ang kasal namin. Para bang hindi ko siya kilala. Para bang sino ba talaga ang lalakeng katabi ko ngayon?” Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung appropriate ba talagang sabihin niya ang mga bagay na ito sa kanyang anak. Paanong nangyari na pinakasalan niya si Papa kung hindi niya ito mahal? “I was broken hearted, katatapos ko lang sa college noon nang nalaman kong napikot si Andrew, ang boyfriend ko sa loob ng five years. I was so inloved with him, my world shattered. May balak pa man din kaming magpakasal pero dumating nga ang ganoong problema sa amin, hindi na kami pwede.” Napatingin ako kay Mama, tumahan na siya sa pagiyak. “Nagpakasal ako dahil akala ko magiging maayos ang lahat pero isa itong pagkakamali, napakalaking pagkakamali.”

“Ma, I’m sorry-” 

“Shhh, kailanman ay hindi ko pinagsisihan ang pagdating mo sa mundo ko. You’re a blessing. Ikaw lang ang tanging nagpapalakas sa akin.”

“I love you Ma.” sabi ko. “Wag kang magalala, kaya naman nating mabuhay nang wala si Papa. Kung saan ka magiging masaya doon kita susuportahan.”

Kaynee

“Uy Kaynee!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Si Troy, nakaupo sa may lobby, magisa. “Saan ka pupunta?”

“Kakain.” maikling sagot ko. Tatalikod na sana ako nang magsalita siyang muli.

“Nang magisa?”

Best Friends and Boyfriends Series 1: Man HatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon