Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters (Chapter Six)

3.3K 43 19
                                    

Alyssa

Isang text ang natanggap ko kay Karla pagka gising ko nang umagang iyon, isang text na kailangan kong gawan ng desisyon para sa sarili ko. 

Karla: Aly, gud am! Good news! Laya na si Michael, kahapon lang, okay na ang lahat. Text back!

Aly: Talaga? Salamat naman sa Diyos!

Karla: Di mo ba siya tatawagan o dadalawin man lang?

Aly: Nakapag decide na ako Karla, igi give up ko na ang feelings ko para sa kanya. Ayoko ng umasa…

Karla: Aly, siguradong ka ba? Wala ka na ba talagang feelings sa kanya? (Parang kailan lang ay inilalayo niya ako kay Michael, hay naku.)

Aly: Siguro nakapag isip isip na rin ako, sure na ako. Willing na akong mag move on, tsaka felings? Masaya na ako dahil nakalaya na siya, balitaan mo na lang ako tungkol sa kanya, okay? 

Karla: Wow, Aly I’m so happy for you. Change topic, mall tayo sometimes.

Aly: Oo ba…

Sa wakas ay nagising na din ako nang walang hinanakit o kahit ano pa man kay Michael. Ewan ko ba, biglaan na lang nangyari eh. Epekto ba ito ng beer kagabi? Hindi naman siguro. Pero masaya ako dahil ang sarap sa pakiramdam. Naisip ko lang, kung gusto kong may mag mahal sa akin ng totoo, dapat ko munang mahalin ang sarili ko. Nag unat ako at saka bumangon. Thank God, sa wakas, naka recover na ako sa nangyari sa amin ni Michael.

Kaynee

“Kaye, agahan mo ang uwi mo mamaya ha.” paalala sa akin ni Mama nang paalis na ako papuntang school. 

“Bakit Ma, anong meron?” tanong ko habang sinusuot ko ang sapatos ko. “Matagal na tayong hindi nagsho shopping eh, at isa pa next week ay pupunta na naman ako sa Nueve Ecija.” tugon ni Mama. Hinagkan ko muna siya bago ako umalis.

“Okay Ma, sige bye!” pagpapaalam ko. “Uwi ako ng maaga.”

“Hey Cath!” tawag ko kay Catherine na nakaupo sa dulo ng library, ngumiti naman siya sa akin at kumaway. “Kamusta?”

“Shh, ang ingay mo!” bulong sa akin ni Cath nang umupo ako sa tabi niya.

“Anong balita?”

“Ganoon pa rin.” sagot niya. “Kahit anong pagpapapansin kay Jaye ay deadma pa rin ako.”

“Hanga rin ako sayo no? Hindi ka pa rin sumusuko.”

“Malapit na Kaynee. Napapahiya na rin ako sa sarili ko eh.” naaasar niyang tugon.

“Lilipas din yan. Tingnan mo si Alyssa nagmo move on na rin pag may time.”

“Hmm, kamusta naman kayo ni Troy huh?”

“Shh, kaibigan niya yung nasa likod.”

“Fine, so ano na nga score niyong dalawa?”

“Uhm, basted na ata siya kay Arianne.”

“Di nga?” di makapaniwala niyang tanong. Tumaango ako.

“Dinamdam niya ata, ewan ko, wala na siya sa training kahapon eh.”

“Ang masasabi ko lang buti pa si Aly nakapag move on na.” aniya. “Hay, makapag aral na nga lang.”

“Ay oo may exam tayo di ba?”

“May gagawin ka ba mamaya?”

“Shopping kami ni Mama.”

“Hmm, alam mo may naisip lang akong idea.” sabi niya. “What if mag business tayo?”

“Huh?” Minsan talaga kakaibang ang mga naiisip nitong si Cath, dahil ba ito sa beer na ininom kagabi?

“Naisip ko lang, total mahilig tayo sa shopping at business related naman ang mga course natin, ba’t hindi na lang tayo mag establish ng fashion boutique?” nanlaki ang mga mata ko. OO nga ano?

“Nice idea!” tugon ko.

Catherine

Sa wakas, last day na ng klase. Summer vacation na, hay salamat at makakapag pahinga na rin. Pupunta kami ni Jenifer sa Hong Kong ngayong bakasyon kung kaya naman sobrang excited kami. Buti na lang at least doon, kahit isang buwan lang ay magiiba ang environment namin which is kailangan na kailangan ko. Siguro naman doon ay tuluyan ko ng makakalimutan ang feelings ko kay Jaye. Baka tulad ni Alyssa, makakapag move on na rin ako ng tuluyan. Naaasar na rin ako sa sarili ko eh, kung ano ano na ang mga kagagahang pinagagagawa ko para lang mapansin niya ako tulad ng: (1) Kunyari hindi ko siya naririnig; (2) Kunyari papatirin ko siya; (3) Pagkakalat ng tsismis na makakasira sa kanya tulad ng bad breath siya at may athlete’s foot siya; Sa kung anu anong pakulo ang ginagawa ko, nagi guilty na ako.

Nagkaroon ng despedida dinner sa bahay namin at ivited syempre sina Wayne, Kaynee at Alyssa at mga close friends ni Jenifer. Puno ng tawanan at kwentuhan ang mesa na hindi nangyari sa loob ng ilang linggo. 

Malungkot din si Manag Josie kahit papaano pero nakapagluto pa rin siya ng mga masasarap na putahe. “Manang one month lang naman kami doon eh.” sabi ko sa kanya para kahit papaano ay maibsan niya ang kalungkutan. Siya na rin kasi ang tumayong Ina namin sa loob ng ilang buwan habang wala si Mommy.

“Basta Cath, wag mong kakalimutan ang pasalubong namin ha.” pangatlong ulit nang sinasabi ni Alyssa.

“Oo wag kang magalala.” tugon ko.

“Tsaka Cath kuha ka ng mga ideas doon, wag mong kalimutan ang business natin pagbalik mo.” paalala na naman ni Kaynee.

“At ihanap mo rin kami ng pogi doon!” si Alyssa ulit. “Yung chinito.”

Nauna nang umalis sina Kaynee at Alyssa matapos ang halos hindi na matapos tapos na pamamaalam at paalala. Naiwan si Wayne. “Basta wag mong nagbabasaan ang sarili mo doon ha.” paalala niya.

“Oo naman.” tugon ko. Kanina pa siya walang imik. “Teka may problema ka ba?”

“Mami miss kita.”

“Ako rin Wayne, wag mo rin pabayaan ang sarili mo.” Napatingin ako sa mga mata niya. Walang halong biro. His brown eyes were so sincere. 

“Tsaka keep in touch, check mo email mo palagi.” dagdag niya pa. For the first time in my life feeling ko, I don’t want to go anymore. Parang gusto ko dito lang ako sa tabi niya, parang ayokong lumipas ang oras. Sa pagalis ko, parang ang laking opportunity ang mawawalan kung aalis ako bukas. I just don’t want this moment to end. Nanatili lamang kaming nakatayo at nakatitig sa isa’t isa. 

END OF SERIES 1: MAN HATERS

For the continuation of this series, please search for: Best Friends and Boyfriends Series 2: Man Eaters

🎉 Tapos mo nang basahin ang Best Friends and Boyfriends Series 1: Man Haters 🎉
Best Friends and Boyfriends Series 1: Man HatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon