Chapter 4

313 72 22
                                    

HEART's POV

"Okay wag niyong iiwan ang partner niyo ngayon ha, sila ang inyong body-body sa buong team building event na ito. Responsibilities niyo ang isa’t isa. Understand?"   

"Whaaaaat?!" "haaaa?!" "Anooooo?!"

labo-labo reaksyon namin sa announcement ni Mr. Bean. Hindi pwede to! Hindi pa naman kami close nitong kulugong to, tas maghapon pa!

“NO WAY!”

At sabay pa talaga kami nagsalita nitong yabang na to. Syempre nagkatinginan kami pero inirapan ko sya agad with matching cross-arms pa. Madali rin naman syang umiwas ng tingin sakin. Duhhh di kami close.

“YES JACKPOT”  ayos tong si Irish ah, si Myco kasi kapartner.

Lumingon pa ako para hanapin ang ibang SISTARS and ayun nakita ko si Kevin kapartner si Coleen. And guess who’s with Maggui?

.

.

.

Si Blue. At ang kapartner ko?

.

.

.

No other than Alex Goco. -______-

Takas na lang kaya ako? Or Maghimatay-himatayan na lang kaya ako? or Sabihin kong may dysmenorrhea ako? or inaatake ako ng migraine? Or ………………….

“HOY!

Matutunaw ung damo sa titig mo ano bang iniisip mo?”

“Ay kalabaw ka! Wag mo nga akong ginugulat Blue alam mong nag-iisip ng plano ung tao eh”

“Ha? Anong plano? Para san? Tsaka FYI, itong gwapong to pagkakamalan mong kalabaw?”

“Yabang mo tss.

Plano, nag-iisip ako ng plano para makatakas dito sa partner ko.

“Tatakas?! Bakit naman?”

“Ayaw ko sa kapartner ko!”

“Mas lalo naman ako” rinig kong bulong nitong si Alex.

“Magkakasundo rin kayo nyan, tropa ko yan eh. Bakit ako madali mong nakasundo? Dapat kayo rin” ^_______^

“Malabo. Ikaw friendly, ito sungit na sungit, kala mo palaging meron”

HAHAHAHAHAHAHA

Sadyang ganyan yan sa mga babaeng nagporpormang lalaki. Ang sagwa daw kasing tingnan”

Huh? Anong masagwa sa suot na panlalaki, ang masagwa ay ung mga nakaspaghetti shirt sunod nakashort na kita na halos ang kaluluwa. Tsss… Iba na talaga kapag mga manyak.

“Hoy pare-parehas naman tayong naka-P.E. uniform ngayon ah”

“Eh nakacap ka kaya ngayon oh” at parang kukunin nya ung cap ko kaya pinalayas ko na sya sa tabi ko.

“Tsupi! Tsupi! Nga..”

 “Ahahaha. Basta keri mo yan maghapon lang naman tayo dito sa team building na ito eh. Tiis tiis din pag may time.”

Then he winks at me.

“Students, may additional announcement ako. Overnight itong team building dahil hindi kakasya ung events natin within a day, ung dinner at breakfast niyo sagot na daw ng school, mamaya may magdedeliver na dito ng foods natin”

“And Blue you where saying?” Galing kasing mag-announce nitong adviser namin bigla bigla na lang gagawing overnight ung maghapon. Great, just great. -___-

LOVE is Just a Four-Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon