Allyson's POV
"Okay na yan Ron. Oh sige una na ako ah, text niyo nalang ako kapag may tanong pa kayo."
Lumabas na ako ng Student Council Room. Ayoko na bumalik sa Research class, excused naman na ako e.
Hay, may 30 minutes pa ako. Saan kaya pwede tumambay.
Ah, alam ko na sa library nalang.
Pumasok ako sa library at pumunta doon sa medyo likod.
Nakakaantok naman, idlip muna ako.
Zzzzzzzzzzz......
Nagising ako ng may tumapik sa balikat ko.
Minulat ko ang mata ko----
"BA'T NANDITO KA?!" omaay.
Si si si! Sino nga ba to...
"Finally, malapit na kitang makita.." sabi niya.
"Huh? Anong malapit nang makita? Nakadrugs ka ba?"
Ngumiti lang siya.
"Gising na!" Sabi niya. Huh? Bat naging pambabae boses niya?
"Gising na!!"
Nagising ako, luh? Panaginip lang yun?
Nakita ko sa harap yung librarian namin.
"Wala ka bang klase? 7:56am na!" Sabi ni ate.
"Ay oo nga pala! Than you po sa pag gising"
At kumaripas na ako ng takbo.
4 minutes pa okay lang yan.
Wohoooo. Narating ko din classroom namin at umupo na ako sa upuan ko.
"Talagang hindi ka na bumalik sa Research class ah." Sabi ni Ands
"Katamad e"
"Whatever."
Dumating na teacher namin.
~~~
Hay sawakas! Uwian na!
Time check, its 4:06pm na.
"Oh ano bes, pasundo na ba tayo?" Tanong ni Andrea.
"Oo, pahatid tayo sa SM. May bibilhin lang ako, birthday kaya ngayon ni daddy."
"Oo nga pala! Sige, tawagan mo na si Kuya Edgar."
"Sige"
Dinial ko na # ni kuya Edgar.
*sino ang pipiliin ko ~ ikaw ba na pangarap ko, o siya bang kumak---- ~
"Hello?"
"Astig ng ringtone niyo kuya ah. Hindi na po ba si ate Elisa? Haha"
BINABASA MO ANG
That Boy
Teen FictionThat boy, who used to protect me, That boy, who always make me smile, That boy, who taken me away from nightmares, That boy, who am I hopelessly inlove with, That boy, who I only used to see in my dreams, IS REAL?