JUST ONE DAY

343 77 107
                                    

Just One Day - A ONE SHOT Story
By: @YowMheyyyyy

Tristan is in love with a girl named Iyara. They haven't met but he's secretly stalking her everyday. Hoping that someday she'll notice him or look at him even just for a day.

---------

Tristan's Point Of View

There she is. The girl that I'm dreaming of.

Hindi ko alam kung may magnet ba kaming dalawa kasi pilit ko mang pigilan ang sarili ko na wag nang umasang mapapansin niya ko pero heto ako nakasunod at nakabantay sakanya.

Madalas siya dito sa chocolate shop. Maski ako napapadalas na dito ng dahil sakanya.

Una ko siyang nakita ng tumawid siya ng kalsada sa harap netong chocolate shop. Siguro that time marami siyang iniisip kaya siguro di niya nakita yung umaandar na kotse ng pagtawid niya. Mabuti nalang napadaan ako dito at nakita yung mangyayari at nahila ko siya papunta sakin. Napayakap siya sakin at dun unang nagtama ang mga mata namin.

Ayan na naman siya, nakangiting lumingon sakin. Lagi siyang tumitingin sa direksyon ko pero parang invisible lang ako. Para ngang di niya ko nakikita, o baka naman wala lang siyang pakialam sakin.

"Here's your frappe sir" inilagay ng waiter yung inorder kong frappe sa table ko. Nginitian ko lang ito bilang thank you.

May dalawa pang chocolate shake na natira sa tray niya. Lumapit siya sa girl of my dreams ko at binigay ito. Isa pa ito sa ipinagtataka ko, laging dalawa ang inoorder niya wala naman siyang kasama o dumadating na kikitain niya. Yung isa para sakanya at yung isa iniiwan niya lang pag umalis siya o kaya naman binibigay niya kapag may batang palaboy na lumalapit sakanya.

Tumayo na ang girl of my dream ko pagkatapos niyang maubos yung shake niya at nagsimula na siyang maglakad. Tumayo na rin ako at sumunod sakanya.

Pagkagaling kasi dito dumideretso na siya pauwi sakanila. At binabantayan ko siya hanggang sa masiguro kong safe siyang papasok ng bahay nila.

Para na ngang hinahatid ko siya sakanila, hindi nga lang niya alam.

"Aray!" sabay na sigaw namin. Sa dami ng iniisip ko di ko napansin na huminto siya sa paglalakad kaya nabunggo ko siya.

Nilingon niya ko na parang may takot sa mukha niya.

"S-sino ka?" tanong niya sakin na bakas sa boses niya ang konting takot.

"Wag kang matakot sakin. Ako si Tristan."

"Sinusundan mo ba ako?"

"Uhh.. H-hindi." sinabi ko nalang na hindi kasi baka mas matakot siya na sinusundan siya. "Nagkasabay lang tayo sa daan pero bigla kang huminto kaya nabunggo kita. Sorry"

Hindi na siya nagsalita pa at nagsimula ngmaglakad ulit pero sinundan ko pa rin siya.

"Uh. Do you want me to walk you home?" tumango lang siya bilang sagot.

Napangiti naman ako dun kasi pinayagan niya ko. Finally, she noticed me.

"So, what's your name?" tanong ko sakanya.

"Iyara"

"Iyara? Weird name huh." biro ko sakanya na dahilan ng mahina niyang pagtawa.

Ilang minuto pa kaming naglakad at nakaabot din kami sa bahay niya. Ang bagal niya kasing maglakad, at para bang binibilang niya ang mga hakbang niya.

"Bye" sabi niya sakin at nag wave siya at naglakad na papasok sa bahay nila.

Napailing nalang ako ng ulo ko at umuwi na rin na may ngiti sa mga labi ko.

Just One Day [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon