Madaling humingi ng tawad pero mag mamarka ito sa taong nagawan mo ng masama.
Sorry, sorry ang lagi nating sinasabi sa taong nasasaktan natin. Sa taong nagagawan natin ng mali, minsan sa isang relasyon kahit anong sorry mo sa taong to, mas lalo lang syang nasasaktan.
Sorry! Sorry kung nasaktan man kita, sorry kong may nagawa man akong mali sayo. Sorry kung umasa ka na mamahalin kita, sorry kung hanggang ngayon mag papakatanga parin ako sayo. Sorry sa mga nagawa kong katangahan sa buhay mo. Sorry kasi pumasok ako sa buhay mo kundi ang saktan ka lang. Sorry talaga!
Sa tingin ba natin sa pag sosorry natin, lahat ng sakit at lungkot nilang nararamdaman sa mga nagawa natin mahuhupa ito at di na babalik sa mga alaala nila? Sa isang sorry lang? Maariing Oo o Hindi. Oo dahil madali silang magpatawad sa mga taong nakapanakit sa kanila, oo madali silang magpatawad pero sigurado ba tayong sa likod ng pag papatawad nila may konting sakit pa silang nararamdaman?
Sana matuto tayong magpatawad sa mga taong nakapanakit satin. Kung ang diyos nga nagpapatawad, sana matuto ka rin. May magandang buhay pa ang nag aabang sayo.
HAPPY NEW YEAR :)
ESTÁS LEYENDO
364 of 365
No FicciónHanda ka na ba sa 2016 at handa ka na ba sa mga alaala na dapat kalimutan na mga nangyari ng 2015? Must Read This.