Ang mabait,masipag,maalalahanin at mapagbigay na bata ay tumutulong nang kusa sa bahay, di lamang para sa sarili kundi pati sa mga magulang at mga kapatid.
Para sa aking sarili, ay inilalagay ko sa kanya-kanyang lalagyan ang lahat ng aking gamit sa paaralan, sa bahay at iba pa.
Sa ganito, ay hindi ako maghahanap at mag-aaksaya ng panahon lalo na kung nagmamadali ako.Hindi na rin ako makakagagalitan. Laging nasa lugar ang mga libro, notebook, lapis, pentel pen, pad paper, school bag, payong, sapatos at lahat-lahat na. Walang kakalat-kalat.
Si Kuya at Ate at tumutulong din ako lalo na kung sila ay abalang-abala sa ibang Gawain. Pagdating nila mula sa paaralan ay sasalubong na ako sa hagdan pa lamang, upang kunin ang kanilang gamit at ilalagay ko na sa kani-kanilang lalagyan. Kapag nagpuputol ng panggatong ang kuya ko, ay iniaakyat ko na ang maliliit na piraso. Si Ate naman, kapag nagwawalis, ay kukunin ko na ang basahan at ako na ang magpupunas sa mga mesa at upuan.
Si Nanay at Tatay ay wala sila ang gumagawa para sa amin. Ay, mayroon pala. Sabi ni Nanay na malaking ruling daw sa kanila ni tatay kung ako, making magkakapatid, ay masunurin, masipag, magalang at malinis. Natutuwa daw sila at hindi raw nila nararamdaman ang pagod, at pagligpit.
Kaya naman maingat kami sa damit upang di sobrang marumi ang lalabhan. Takbo agad sa pagtulong kung ako rin lamang gaya ng paghahanda sa hapag-kainan, pag-urong ng mga ito pagkatapos, paghugas at pagligpit.
Kwento ni-Jericho Lindo