Prologue

15 2 0
                                    

Sa kaharian ng Samiro ang lahat ng tao sa bawat lugar ay may ginagampanan ng parte para sa ikakauunlad nito. Mabilis ang paglago ng Kaharian ng Samiro dahil sa kakaibang kakayahan ng mga Samiroan sapagkat kaya nilang magpalit ng anyo at maging ibang nilalang. Bawat tao ay nabibilang sa tatlong iba't-ibang grupo ng Samiroan at bawat grupo ay may kanya-kanyang tungkulin.

Nakabase ang mga grupo sa apat na pangangailangan ng kaharian: Pagsasaka at Produksiyon, Proteksiyon, at Pamunuan.
Ang mga Samiroan na kasapi sa grupo na nauukol sa Pagsasaka at Produksiyon ay kaya magpalit-anyo at maging kahit anong hayop na makakatulong sa pagsasaka at produksiyon ng kaharian. Sila ang mga magsasaka, mangingisda, mangagawa, tigamina at maraming pang iba.

Ang mga Samiroan na kasapi sa grupo na nauukol sa Proteksiyon ng buong kaharian ay kaya magpalit-anyo at maging kahit anong hayop na makakatulong sa pagpapanititli ng katahimikan sa kaharian. Sila rin ang mga bumubuo sa hukbong sandatahan ng kaharian.

Samatala, ang kasapi naman sa grupo ng Pamunuan ng kaharian ay mga dugong bughaw na may kakayahang mag-anyong tulad ng sa maalamat na mga nilalang tulad nalang ng isang dragon kaya naman marami ang tumitingala sa kanila at sa kanilang kakayahan.

Sa loob ng ilang daang taon nanatiling tahimik na kaharian at malakas na imperyo ang Samiro dahil narin sa balanse sa partisipasyon ng bawat grupo. Subalit ang lahat ng ito ay malapit nang magbago dahil sa napapabalitang pagtatangka ng isang karatig na kaharian na supilin ang bagong hari na si Lino at angkinin kaharian ng Samiro.

Kung magkataon nga at magkakaroon ng digmaan, ang tanging pag-asa ng kaharian ay ang mga batang tinutukoy sa propesiya ng isang babaeng tinuturing na sikat ngunit baliw na manghuhula.

Kaya kayang magtiwala ng kaharian sa mga batang walang alam sa labanan o mauubos nalang ba ang lahi ng mga Samiroan sa nagbabadyang malaking digmaan?

AnyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon