Sampung taon na ang nakakalipas..."Ikaw pala Heneral Kizam. Sino o ano bayang akay akay mo?" tanong ng Amang Hari.
"Mahal na Haring Han nakita po naming ang babaeng ito na nagpupumilit na makapasok dito sa palasyo. Sinasabi niyang mahalaga daw na makausap niya kayo. Sinubukan namin siyang pigilan pero bigla nalang po siyang naglaho at nahanap nalang po namin siya sa mismong tapat ng inyong pintuan kaya minabuti namin na iharap siya sa inyo para kayo na mismo ang makapagdesisyon sa kung ano ang dapat naming gawin," sabi nang isang kawal sabay bitaw sa madungis na babaeng kanyang pinipigilang magpumiglas.
Singpayat na ng patpat ang babaeng nasa aming harap ng aking Amang hari. Hindi ko lubos maisip kung paano pa siya nakakagalaw ng maayos at higit sa lahat makatakas sa malalakas naming mga tigabantay. Tumagilid ang babae at nakita kong nakagapos ang kanyang mga kamay. Sinusubukan niyang magpumiglas sa mga lubid na nakatali sa kanya subalit halatang nahihirapan siya at hindi siya magtatagumpay.
"Tanggalin mo ang kanyang mga kamay sa pagkakatali," utos ko sa isang kawal na kasama ng heneral na nagdala sa babae.
"Subalit mahal na prinsipe baka manggulo pa siya dito sa palasyo," reklamo ng Heneral ng mga Kawal.
"Siguro naman sa katawan niyang yan hindi na siya makakagawa ng malaking gulo sa palasyo at hindi ba kung sino man na mag nais na makausap ang Amang hari ay nararapat lamang na bigyan ng pagkakataon mapapulubi man siya o dugong bughaw kung talaga namang mahalaga ang kanyang gustong iparating?" sumbat ko sa heneral. Alam ko na alam niya ang mga sinasabi ko dahil nasasaad ito sa batas ng aming kaharian. Alam ko dahil araw-araw akong pinapabasa ng aking guro ng mga batas ng kaharian bilang bahagi ng aking pag-aaal.
"Subalit mahal na prinsipe. Nakikita naman ninyo and itsura ng babaeng ito. Napakadungis at mukhang baliw na hindi mapagkakatiwalaan," sagot ng heneral na sadyang hindi sumasang-ayon sa aking mga desisyon.
"Sa anyo ng babaeng yan? Tinutukoy mo ba ang anyo ng babae na yan? Nakakalimutan mo yata kung saan ka nakatira heneral. Dito sa ating kaharian hindi maaaring basehan lamang natin ang anyo ng bawat isa. Ikaw sa lahat ng mga tao ang dapat mas nakakaalam niyan," sumbat ko sa kanya.
Kahit na sinasabi ng heneral na tapat siya sa kanyang hari at sa aming kaharian, nababatid ko na mayroong pag-aalinlangan sa kanyang kalooban na para bang may iba siyang gustong gawin bukod sa protektahan ang buhay ng hari at ang kasarinlan ng aming kaharian. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng marami sa mga tao ditto sa palasyo ang hindi magandang ugali ng heneral. Kaya rin naman ako nainis nang marinig ko sa kanya ang pagsasabi sa pagtingin sa itsura ng babae dahil kung yaon na rin lang naman pala ang basehan sa personalidad ng isang tao ay marapat nadin pala na hindi na magtiwala ang kaharian sa heneral dahil ang kaya lang naman niyang ianyo ay ang mga iba't-ibang uri ng ahas.
Nararamdaman ko ang pagtitig ng aking ama sa akin. Alam ko na nanunuod lang siya at pinag-iisipan kung kanino sa heneral at sa akin ang kanyang kakampihan. Alam ko rin na ako ang nananalo sa pagtatalong ito.
Makikita ang galit sa dapat sana'y sumbat ng heneral, "Mahal na prinsipe..."
"Tanggalin mo na sa pagkakapos ang babae, heneral." Utos ng amang hari.
Binunot ng heneral ang kanyang sandatang espada at mabilis na pinutol ang tali sa kamay ng kawawang babae. Itinaas ng babae ang kanyang ulo at idiniretso ang tingin skay Amang Hari. May kakaiba sa babae. Tila hindi naman siya baliw at mas mukha pa nga siyang isang taong maraming nalalaman.
"Ano ba ang iyong pangalan babae?" tanong ni Amang Hari.
"Miya, aking hari. Narito po ako para ipagbigay alam sa inyo ang propesiyang aking natanggap mula sa mga Tigalikha." mahina subalit matatas na sagot ng gusgusing babae na ngayon ay malaya na sa pagkakagapos at dahan-dahang tumatayo.

BINABASA MO ANG
Anyo
FantasiaMarami sa atin ang gustong mabago ang ating kapalaran ngunit ano nga ba ang kaya mong gawin para lang makamtan ang pagbabagong iyong hinahangad. Ano kaya ang kaya mo'ng gawin kung hindi lang kapalaran mo at pati ang iyong anyo ay kayang ibahin? Sam...