Chapter 11

2.1K 47 8
                                    

Hindi ko alam ang mararamadam ko ngayon.  Hindi ko nga alam bakit hindi ako natatakot o kung ano pa naman na dapat maramdaman o maisip ng isang normal na babae sa sitwasyon ko. Una ang boses ng isang babae na tumatawag sakin na hera. Pangalawa yung lalaking sobrang hawig ni dylan. Kung diko pa masyadong kilala ng bestfriend ko iisipin kong may kambal sya. At pangatlo ay ang pakiramdam ko na parang may nalimutan ako. Parang may mga alala akong nawawala.  May mga bagay na nangyari nung mga isang araw na pakiramdam ko nakalimutan ko. May sakit kaya ako? Malabo yun dahil regular ang checkups ko knowing dylan.

Dylan.

Naka ilang beses syang tawag at text sakin. Kahit sa facebook,yahoo at kahit saang accounts ko na pede nyang padalhan ng message meron. I feel guilty dahil iniiwasan ko sya.  Hindi nawala si dylan sa tabi ko kahit nasa worst scenario pako ng buhay ko. Kaya ganun na lang ang sama ng loob ko ng sumagi sa isip ko na kinailangan ko pa talagang mag check in sa isang hotel somewhere here at makati para makahinga. I mean. Maraming bagay ang gumugulo sakin ngayon. And i think that being alone could help me to think.

Naalala ko na naman yung masamang bangungot ko na. Naiiyak ako kasi parang totoo. Pero sana isa lang talaga yun sa mga masamang panaginip ko.

Fuck.

Mas lalo pa ata akong naiistress at napapaisip ng sobra dahil pag iisa ko. Dapat pala pumasok na lang ako sa school at nakipag ayos kay dy. Siguro sa ganung paraan hindi ako masyadong natotorete sa problema. Aaarggh!

Napatigil ako at  pinakaramdaman ang paligid kasi parang uminit. 5star hotel ako tumuloy kaya imposibleng walang kuryente. Tatayo pa lang sana ako ng may humaltak ng aking leeg at walang pakundangang hinagis ako sa kama. Nakaramdam ako ng pamimilipit na sakit sa aking likuran pero hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin dahil sa isang malakas na sampal na dumapo sa aking pisngi. Gustong gusto kong lumaban pero masyado ng nanghihina ang katawan ko. Sumigaw man ako ng tulong wala din silbi dahil soundproof ang kwarto

Nakarinig ako ng hikbi.  Nanghihina man minulat ko pa din ang aking mga mata upang makita ang mukha ng taong nanakit sakin. Gusto ko syang sigawan at murahin dahil sa pananakit nya sakin. At dahil sobrang tanga nya. Ako yung nasaktan pero sya yung umiiyak

Nagulat ako ng lumapit stya sakin ng sobrang bilis at muli na naman akong sinakal. Mas mahigpit ang pagkakahawak nya saking leeg at nahihirapan nakong huminga. Sinusubukan kong magsalita at sabihing tumigil na sya sa kagaguhan nya pero diko na kaya. Nararamdaman kong bumibigat na ang talukap ng aking mga mata

Bakit hindi pako mamatay? Alam kong minuto nya na kong sakal sakal pero bakit buhay pa din ako?

"NAKITA KITA KAHAPON KASAMA ANG HARI!  AKALA KO BA AKO LANG ANG MAHAL MO! OO TINANGGAP KO NUNG UNA DAHIL HIWALAY NA KAYO SABI MO!  PERO BAKIT MAGKASAMA NA NAMAN KAYO?! HINDI PA RIN BA AKO SAPAT? SABIHIN MO!  SABIHIN MO!"

Nakikilala ko na sya. Nahihirapan man ako sa kalagayan ko pero sigurado akong sya yung lalaki sa panaginip ko. Pero bakit paramg ngayon hindi na sya panaginip sakin. Bakit paramg totoo na sya? Bakit nakikita ko sya ngayon sa totoong buhay at ramdam na ramdam ko pa ang pananakit nya sakin? Ano na ba talagang nangyayari ? Isa rin ba tong panaginip o tuluyan nakong tinakasan ng bait at nababaliw nako?

Nawala ang mga kamay sakin ni eros. Amg lalaking nanakit sakin at ang lalaki sa panaginip ko. Mabilis akong huminga.  Kahit nanlalabo pa ang aking paningin. Nakikita ko pa din ang paghampas ng katawan ni eros sa sahig. Hindi pa nakuntento ang lalaki at pinagsusuntok pa sya.  Hindi ko alam kung pipigilan ko ba sila o kung sisimulan ko ng tumakas dahil baka ang lalaking nasa harapan ko ang sumunod na manakit sa akin.

Sinubukan kong tumayo. Inalalayan ko ang sarili at humawak sa pader para kumuha ng suporta. Hinang hina nako at pakiramdam ko pag pinikit ko ang mga mata ko sa oras na to hindi nako magigising pa.

"YOU FUCKING HURT MY WIFE AND I'LL TAKE YOUR WORTHLESS LIFE AS A PUNISHMENT"

Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan ng hugutin ni dylan ang puso ni eros. Nanlaki ang mata ko at pinakatitigan ang sitwasyon.  No. Sobra ang galit ko sa lalaking yun pero hindi ito sapat na rason para patayin sya. At mas lalo akong hindi makapaniwala na ang bestfriend ko ang pumatay.

Pinakatitigan ko ang singsing ng lalaki at ganun na lang ang gulat ko ng parehas sila ng lalaki kahapon na kamukha ni dy. Hindi kaya? Hindi sya ang bestfriend ko diba? Tama ako diba?

Unti unting nalusaw ang katawan ni eros at parang buhangin na biglang nawala. Nakatalikod pa rin sakin ang lalaki na kamukha ni dylan . Hindi ko alam ang sasabihin.  Hindi ko alam kung ano ang irereact sa nangyari. Magagalit ba ako dahil nakapatay sya . Matatakot na ba ako dahil pedeng ako ang isunod nya pero hindi ako nakakaramdam ng takot sakanya. O makukuntento na lang ba ako dahil sinaktan din naman ako ng lalaki na yon. Pero hindi kaya ng konsenya ko.

Oh my gosh. Wala naman sigurong hidden camera itong hotel at navideohan ang nangyari. Kung meron man may maniniwala kaya? Kasi ako mismo hindi ko mapaniwalaan yung mga nasaksihan ko

"I missed you wife" humarap sya sakin at ramdam ko ang bigat ng dinadala nya. Hindi ko alam pero parang naiiyak ako. Parang nawawala na yung mga iniisip ko at gusto ko na lang sya takbuhin at hagkan. Naguguluhan ako.

"Someday you will understand. And when that time comes. Kukunin na ulit kita. Babawiin na muli kita"

"S-ssino kaaba?" Sana naintindihan nya yung sinabi ko. Dahil hirap na hirap akong sabihin yun.

Isang tipid lang na ngiti ang binigay nya sakin.

"Im your husband"

Napalingon ako sa malakas na pagbukas ng pinto pero yung nasa harapan ko na nagpakilalang asawa ko parang diman lang naapektuhan

Pumasok sya at habang lumalapit sya mas lalong lumalaki ang mata ko. Isang babae.  At kamukha ko sya.

"Hera"

Kaboses nya yung tumatawag ng hera sakin!

"Kalimutan mo muna lahat ng nangyari sa ngayon at ang mga bumabagabag sayo. Sa tamang panahon kukunin kita para ipaalam sayo ang lahat"

Kinumpas nya ang kanyang kamay sa harapan ko at nagdilim na ang aking paningin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vampire Sex GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon