Sa simula ay tunay na kay ganda
Liwanag mong taglay na kahali-halina
Ikaw ang bumabati sa akin sa umaga
Na may ngiti na ang dala ay bagong pag-asa.Ngunit ang paglubog mo'y di ko mapipiligilan
Kahit nais kong gawin, akoy di mapagbibigyan.
Dala mong kariktan, muli'y di ko masisilayan
Bat kailangan maglaho, bat kailangan lumisan?Isama mo nawa sa iyong paglubog
Ang halakhak nyang wagas kung tumawa
Ang mahinahon nyang pag hinga,
At ang malapit naming pagsasamaIsama sa yong paglubog
Ang alalang lagi kong binabalikan
Pag uusap na kay sarap pakinggan
At mga sitwasyong aming pinagsaluhanIsama mo sa paglubog
Ang mallit kong pag-asa,
Na baka sakaling may iba pang pahina
ang aming munting istorya.Pakiusap, isama mo sa paglubog
Ang nararamdamang sakit.
Ang mga salitang di ko mabanggit
Ang mga pagkakataong aking winaglit.Isama mo na ako sa iyong paglubog
Dalhin ang pasakit ng puso kong bugbog
Mahal kita sabi sa bawat nitong tunog
Nakakasawa nakakapagod, lalo sa gabi akoy di makatulog!Author's note:
Kasabay ng pag lubog ng araw ay ang pagkalaho ang nararamdaman ko para sayo.
Kasabay ng unti-unting pamamaalam ng liwanag ang pagnanais kong maging sayo .Kasabay ng pagyakap ng dilim ang pag tanggap ko na hinde na maaring maging tayo.
Kasabay ng pagtatapos ng tulang ito ang pag wawakas ng karater ko sa istorya mo.
I'm gonna be okay.
--HansTurqs
BINABASA MO ANG
Sun-seat
Poetry"Ngunit ang paglubog mo'y di ko mapipiligilan, Kahit nais kong gawin, akoy di mapagbibigyan."