“LECHE KA! AMBOBO NAMAN OH! TAENA!” Wala na. Pumutuk na bulkan ko.Panu ba naman, andun na yung hero ng kalaban, pumapatay ng punu sa gilid, di pa stun nung kasangga ko. E ubus na mana ko, siya di ko pa nakita umatake ni minsan, bakla to.
STUN MO! Kung pwede ang sigaw, sinigaw ko na sa utak niya yung sinabi ko sa chat.
No mana, dre. Sagot niya.
di mo pa ginagalaw mana mo loko! Note the exclamation point. Alam ko naman na pinoy to eh.
sorry.lag ako. Ang sabi sunod.
Sus naman. Anung lag lag? Palakad lakad ka nga lang sa gilid eh, nakabili-bili ka pa ng gamit dun sa secret shop tapos sinabihan mo pa si gerris44 ng "tanga". Sinu tanga ngayon? Amf! Ayun, napatay pa ako sa sobrang inis ko. Tae, nakakapikon naman.
imba mo tol.quit nako. Sumagot ako.
Magqui-quit naman talaga ako eh. Kainis kapag ikaw lang matinong kumikilos sa team niyo. Di naman ako mahilig manghusga ng mga newbs pero, pag kailangan na, umarte naman ng maayos. Shinut down ko yung computer tapos tumayo nalang ako at pumunta sa kusina para kumuha ng makakakain. Tanghali na pala. Kanina alas-syete palang ah, naghihintay dapat ako ng oras bago pumasok. Kinamot ko ulo ko, isang umaga nanaman ang nawala dahil sa kompyuter.
Dun ko naramdaman na nagvibrate yung cellphone ko. Yung principal namen, tinext ako. Astig diba? Phonepal ko principal namen. Suki niya kasi ako, madalas ma office. Hindi dahil nakiki-away ako. Pake ko sa mga kaklase ko. Alam na alam kasi niya na nagcucutting ako para maglaro.
Jesse, aling computer shop naman ba ang pinataba mo ng mura ngayon? Sabi nung text.
Natawa ako syempre. Gaano ka ba kadalas makakita o makarinig ng principal na magtetext ng metaphor sa mura? Kaya naman saludong saludo ako kay Mrs. Francisco.
Mam, otw na po. Reply ko, no choice na ako. Sa kwarto niya rin naman ako babagsak eh.
Araw araw, ganito nangyayari sa buhay ko. Kung hindi computer, pag-aaral. Kung hindi pag-aaral, computer. Lakswatsa? Pagod lang yun. Textmate? Kaplastikan lang alam ng mga tao. In other words, pass ako sa lahat ng social social ek ek. Pwera nalang sa internet. Sa internet kasi, di ka nila kilala, di ka nila huhusgahan. Kung baga, kung anu lang ang ipapakita mo, yun lang makikita nila. Hindi yung dito sa tutuong buhay, konti nalang hubaran ka ng mga mata ng mga tao.
Solve solve naman ako eh. Mga magulang ko nasa ibang bansa, support nila—pagpapadala ng pera sa bangko. Nakatira akong mag-isa sa tenth floor ng isang condo malapit sa school namen. Syempre, nakapaligid sa maraming computer shop. Ang lakas kaya ng kita ‘pag sa tabi tabi lang ng eskwelahan magtatayo ng shop. Pero mas malakas ang dating kapag yung malapit na sa school, nakatago pa sa secret passageway. Haha. Marami ganun dito. Marami gusto umiwas sa mga lespu na mahilig man-raid ng teritoryo ng iba.
Palakad lakad ako, iniisip ko nalang ano kaya pang-bolanching ko kay mam. Baka nakablouse na silk ulit siya, sabihan ko kaya siyang bumabata siya? Ah, masyado nang buluk yun. Compliment ko kaya yung hair niya? Nagpakulay lang siya ng auburn, yung mala-brown. Di niya pa pinakita yun saken ng harap-harapan, nasagap ko lang sa facebook. Haha, alam ko na. Bibilhan ko siya ng pin na may malaking gumamela.
Ganun lang naman makalusut sa hirap ng buhay eh. Matuto kang dumiskarte, umiwas sa mga di kailangang personalities at mamuhay ng payapa. Tapos.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Resulta ng "boredom" pati ang takot na paparating na ang periodical exams namen. Whew.
Sorry kung GG and title pero kalintikan na laro yung simula. |||OTL
**mas maganda panoorin yung vid sa YouTube mismo pra lumitaw yung mga annotations. random lang pagpili niyan. sorry sorry
Ok lang ba magtanung kung itutuluy ko pa ba to?