Ang and ideya po ng kwento na ito ay hindi orihinal na akin. Na inspired lang ako sa isang topic sa Greek Mythology na pinamagatang "CUPID & PSYCHE"..HAHA! Kaya ang ilan sa konsepto ay ginaya ko doon but the characters,places and some lines are mine.
So yan lang po... Sana may mag basa.HAHA :D
So the story goes this way..............
Ella's POV"Sorry Ella pero ayoko na sa iyo. May bago nang nag papatibok ng puso ko.Sana maintindihan mo ako"
"Sorry Ella pero ayoko na sa iyo. May bago nang nag papatibok ng puso ko.Sana maintindihan mo ako"
"Sorry Ella pero ayoko na sa iyo. May bago nang nag papatibok ng puso ko.Sana maintindihan mo ako"
Paulit-ulit yang nag eechoe sa isip ko!Sh*t!Nakakainis!Sinong hindi maiinis,ikaw ba naman babae tapos sasabihan ka ng ganyan ng isang lalake!Bad trip!
"Ano?!Ganun na lang yon?!At sino naman?!Don't tell me it's Camille Joy again!" sigaw ko dito.
"yes. siya nga.sorry but I think she's more 10x beautiful than you" usisa nito sa akin
Alam nyo ba yung feeling na ganun?Na icocompare ka sa isang Camille Joy na pinaka maganda daw sa balat ng lupa!but the hell I care!For me, I'm 100x beautiful than her!!!
At hindi yan ang unang pagkakataon na iniwan ako ng mga ka-fling ko dahil sa babaeng yan!Lahat na lang inagaw niya!At hindi ako makakapayag na lagi na lang ganito.Kailangan kong gumawa ng paraan.
Mark Angelo's POV
Kriiiiiiing!!!
Kriiiiiiing!!!
Ugh!Umagang-umaga may nangiistorbo!sh*t!Umupo ako para kunin ang aking cellphone sa table malapit sa kama ko.
"hello?"- ako
"good morning coz!" masiglang bati nito sa akin. siya si Ella.and you heard it right, she's my cousin.Mag kapatid ang mom niya at ang dad ko...
"oh!napatawag ka?ang aga mo naman mangistorbo." -ako
"oh!I'm really sorry about that.May gusto lang sana ako ipagawa sayo eh.Please?Favor?"-ella
psssshh!ang hilig talaga mang-utos ng pinsan kong to. at dahil close kami,syempre pag bibigyan ko.pero laging may kapalit..hohoho!"huh?ano naman?"-ako
"may gusto akong despatyahin eh.matutulungan mo ba ako?"-ella
"ano?!sino naman?tsk!napa away ka nanaman?" sunud-sunod kong tanong sa kanya.Ibang klaseng babae talaga to.Basta may kaaway,nakakatakot.tsk!
"Gusto kong makapag higanti sa Camille Joy na yan!Basta ha!Ikaw na ang bahala sa kung anong gagawin mo sa kanya. Ibibigay ko sayo ang mga ilang detalye tungkol sa kanya para matagpuan mo siya"-ella
"huh?sige sige.anong kapalit?hehe!"-ako. syempre may bayad ang serbisyo,haha!wala ng libre sa panahon ngayon ^_______^
"errrr!fine!what about a sports car,the latest one?"-ella
"tss.meron na ako nun eh,pero sige na nga,para madagdagan nanaman ang sasakyan ko.hehehe!"-ako
"okey!that's a deal!thanks couz!good bye!" then she hung up.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Makalipas ang dalawang araw,nahanap ko din ang Camille Joy na sinasabi ni Ella.At hindi ko alam kung bakit, pero napatulala ako sa kagandahan niya. Ibang klase yung ganda niya.Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit ayaw sa kanya ni Ellamdahil nakahanap siya ng katapat niya.Haha!
Para akong tinamaan ng arrow ni cupid!I can't believe it,1st time to na nainlove ako ng ganun kabilis?!I'm impossible!tsss!haha ^_________^